Ten: Miguel

346 46 54
                                    

Tanghali akong nagising at hindi ko alam kung panaginip lang ba ang usapan naming dalawa ni Leila.

Agad kong kinuha ang cellphone at tiningnan kung talaga bang mag phone calls kaming dalawa.

Napafacepalm ako nang makita ang 1hour and 24 minutes call logs kagabi!

Ganun kami katagal nag-usap? Ano pang pinag-usapan namin? Hindi ko matandaan!

Yeah, namiss kita.

Fuck! Did I really said that?

Napailing-iling ako at halos sabunutan ang sarili dahil hindi ko na alam ngayon ang mukhang ihaharap sa kanya!

From: Leila
Hi! Good morning, masakit ulo mo 'no? Hahahahaha! Drink a lot of water.

Kanina pa yung text niya na yun. Tumayo ako at naglakad palabas ng kwarto bago nagtype ng reply.

To: Leila
Good noon, kagigising ko lang. Hahaha. Enjoy your day today!

"Hi!" nakangiting bungad niya sa akin, araw ng paskuhan.

Nakaputing oversized shirt siya at isang denim skirt na may kapartner na white sneakers. Nakabun ang buhok niya at may kulay asul na headband sa ulo.

Napakasimple lang naman niya pero kapansin-pansin ang ganda niya sa maputi niyang balat. Nakasuot pa rin siya ng itim na eyeglasses at may kaunting make up.

"Hello." Mahina kong sagot sa kaniya.

Kitang-kita ko ang mga kablock niyang nasa likuran lang niya. Ang ibang tropa ko naman ay bumibili ng makakain samantalang nakita kong lumapit si Carlo kay Bridgette. Si Joshua ay kasama na naman ang bebe niyang taga CS (College of Science).

Alas tres na kaya medyo malilim na sa field. Marami na ang mga nakaupo habang nanunuod sa performances ng Christmas Jingle ng bawat college representatives.

"Kumain ka na?" tanong ko sa kanya.

"Yep! Ngayon lang kita nakitang nakacivilian." Nangingiti niyang sabi bago ako tignan mula ulo hanggang paa.

Napangiti ako dahil oo nga naman. Samantalang nakita ko na siyang nakacivilian noong CAUP Day nila.

Nakasuot ako ng dark blue tshirt na may malaking print ng buildings sa harap, black pants at black converse. Samahan pa ng puting adidas cap.

"Buti pinapasok ka sa iksi ng skirt mo." pang-aasar ko sa kanya kaya tumingin siya sa suot niyang palda.

Nakakunot na ang noo niya nang bumalik ang tingin sa akin.

"Hay nako! Alam mo ba hinarang ako nung masungit na guard! Kilala mo yun? Yung babae? Galit 'yon lagi sa mundo eh!" reklamo niya sa akin kaya napangiti ako, samantalang siya ay inis na inis. "Kumuha pa talaga siya ng ruler para sukatin kung sobrang taas ba sa tuhod ko!"

Natawa ako dahil nagsimula na naman siyang magrant. Makikita mo sa mukha niya na inis na naman siya dahil sa nangyari kanina.

"Oo, maraming galit sa guard na yun diba?" natatawa kong sagot sa kanya.

"Oo! Nakakainis kasi, attitude siya sa lahat!"

Natawa kami parehas dahil alam naming halos lahat ata ng PLMayer ay nasita na no'n. May professor nga rin na galit doon dahil inakalang estudyante siya at sinita dahil hindi raw nakauniform.

"Oh, ano namang sabi niya? Di ka na OSDS?" tanong ko pabalik nang matapos ang tawanan.

"Oo, hindi naman sobrang iksi ah," sabi niya bago muling tingnan ang suot na palda at umikot-ikot ng kaonti. "May mga freshie nga na sobrang iiksi di naman sinisita!"

Status: Crushing (Pamantasan Series #1)Where stories live. Discover now