Four: Leila

438 60 37
                                    

Kinakabahan ako habang hinihintay yung reply niya. Hindi ko alam yung gagawin ko. Nawala na yung antok ko. Bakit ganito?

Napatayo ako sa bed ko at nagsimulang maglakad pabalik-balik habang nakatingin sa cellphone ko sa higaan hanggang sa tumunog ito. Nagmamadali kong iopen ang conversation namin.

@migzz: hala nagreply

@migzz: sorry HAHAHAHAHAHAHA

Ano daw? Napapikit-pikit ako kasi hindi ako makapaniwala na yun ang irereply niya sa akin.

Nagreply??? Malamang nagmessage ka!

Naiirita kong binaba ang cellphone ko. Matutulog na ako. Napakawalang kwenta kausap. Kahit crush ko siya.... hmp!

Papatayin ko na sana ang ilaw at natitira ang dim lights ng tumunog ulit ang cellphone ko. Pinatay ko muna ang ilaw at saka humiga ulit. Inabot ko ang cellphone ko, nagdadalawang isip kung titingnan o hindi.

@migzz: gusto ko lang magsorry kanina

@migzz: tinulak ako ni mark at nabunggo kita

@migzz: di yun sadya promise

@migzz: slight lang mga wamport

Natawa ako sa huli niyang message, tsaka sa sunod-sunod na pagsend niya ng message. Nawala tuloy ang inis ko at napalitan ng... kilig?

Nangingiti akong nagtype ng irereply.

@leilamikhaela: okay lang :)

Late ko na narealize na parang tinapos ko ang usapan namin sa reply ko. Pero anong irereply ko??? Argh. Nakakafrustrate.

Hindi ko naman first time makipagchat sa lalaki. Talagang kinakabahan lang ako kausapin siya at hindi ko alam kung bakit.

Siyempre crush mo siya simula first year!

@migzz: ahhhh sge HAHAHAHAHAHA

Mas lalo akong nalugmok sa reply niya. See? Wala akong kwenta kausap. Nakakahiya. Matutulog na sana ako kaso may sumunod siyang message.

@migzz: Di mo pa pala inaaccept request ko.

Nag-init ang pisngi ko sa nabasa. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na decline ko yung request niya? Baka isipin niya na sinadya ko. Baka maisip niya na crush ko siya?

@leilamikhaela: Nadecline ko ng hindi sinasadya. I'm sorry, can you send another request?

Kinakabahan ako habang hinihintay ang reply niya. Kinikilig rin dahil finally nakausap ko si crush? Naseen na niya kaya baka nagtatype siya. Magagalit kaya siya? Magsusungit na naman?

Naisip kong ang tanga-tanga ko. Nakakainis. Nakakakilig.

@migzz: aw, ayaw mo bang iaccept?

Natataranta akong nagtype ng irereply sa kanya. Ayokong isipin na sinadya kong gawin yun.

@leilamikhaela: No, of course not. I was about to accept it pero nagkamali ako ng napindot. I did not intend to decline it.

Hindi ako mapakali. Bakit mukha naman akong guilty kung makapag-explain ako?

Naguguluhan na akong gumulong-gulong sa higaan habang hinihintay ang reply niya. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Akala ko ba uncrush na Leila ano ba!

@migzz: joke lang! HAHAHAHA magrerequest ulit ako.

Nahinga ako ng maluwag nang mabasa ko ang reply niyang iyon kasunod ng notification ng request niya. This time, I made sure I clicked the accept button. Grabe, kinikilig ako.

Status: Crushing (Pamantasan Series #1)Where stories live. Discover now