Three: Leila

448 62 24
                                    

Mag-isa ako sa library habang tinatapos yung plates namin sa History of Architecture. 7:30am pa lang at 11:30 ito ipapasa pero nandito na ako. Usapan namin ni Bridgette na 7am kami papasok para tapusin 'to. At late na naman siya.

Kaonti pa lang ang tao sa loob ng library kaya malamig pa. Sinuot ko ang college jacket namin at nagsimula ng kulayan ang mga drinawing ko. Render na lang naman yung kulang kaya alam kong matatapos ko 'to.

Nagsimula ng mapuno ang library. Walang nangahas na umupo sa table kong pang-apatan dahil nakakalat sa buong table ang mga papers ko. Walong A4 Vellum Board na nakaayos sa lamesa kaya occupied ko ang ibabaw. 8:20am na at wala pa ring Bridgette na nagpapakita sa akin. Kanina pa yung 'otw' niya.

Nasa katabi kong upuan yung bag ko, para kung sakaling may umupo sa harap ko o kunin ang upuan, may mauupuan pa rin si Bridgette.

Last 2 papers na lang ang hindi ko nakukulayan ng may biglang umupo sa harap ko. Nakaearphones siya seryosong binabasa ang reviewer na hawak niya.

Nanlaki ang mata ko ng mamukhaan kung sino siya.

Si Crush, sa Mech Eng!!!

Napatitig ako sa mukha niya, gwapo at seryoso pa rin hanggang ngayon. Yung mukhang masungit na yan pero mas maaliwalas na ngayon dahil hindi siya nakakunot noo. Matangkad talaga siya kaya agaw atensyon! Kainis!

Ang tagal ko siyang hindi nakita sa loob ng pamantasan. 2nd year na ako ngayon at, hindi ko na siya napapansin! Sabi ko uncrush diba? Bumalik ata, kasi pogi pa rin siya!

Napatagal ata ako ng pagtitig sa kanya kaya napatingin siya sa akin kaya agad-agad kong kinuha ang marker ko para magsimula ng marender ulit. Kaso natumba ang capsule case ng markers ko kaya nalaglag ang ibang markers sa sahig! Shit.

Eto na naman tayo sa mga nakakahiyang pangyayari ng aking buhay.

Kinakabahan ako habang pinupulot ang mga markers ng makitang tumulong rin siya sa pagkuha. Nilagay niya naman sa lamesa yung mga markers kaya.

"Thank you." Bulong ko, hindi siya tintignan at sapat lang para marinig niya.

Hindi pa rin siya sumagot, gaya nung nagthank you ako sa LRT nang hawakan niya ako para hindi matumba dahil nagtutulakan para makapasok sa train.

Hays, mabait naman pala siya.

Naalala ko pa yung sa LRT, talagang prinotektahan niya ako! Grabe kilig ko nun!

Nagsimula na akong magrender ng maalala na nagsend siya ng friend request sa akin sa FB last week! Halos himatayin ako sa kilig pagkakita ko sa pangalan niya! Hindi ko alam kung bakit niya ako inadd pero medyo maraming nag-add sa akin nang may magconfess sa PLM Freedom Wall para sa akin. Tinag kasi ako ni Bridgette doon kaya hanggang ngayon naghihintay ako na may mamessage sa akin na taga-ME.

Napangiti ako, nag-aassume na siya yung nagconfess dahil ME rin siya, 3rd year at 'M' ang code name ng nagsend ng confession.

Nalaman ko yung pangalan niya nung nakaharap ko siya sa LRT. Miguel Zaragoza. Nakita ko yung pangalan niya sa ID niya dahil magkaharap kami. After a year, finally nalaman ko rin at name pa lang, sobrang pogi na. Hinanap ko sa Facebook pero hindi ko inadd. Nakakahiya dahil baka naaalala niya pa mga kahihiyan ko.

"Girl, sorry." Nakita kong umupo si Bridgette sa tabi ko. Mukha siyang tumakbo at hinihingal pa. Kinuha ko kaagad ang bag ko para maibaba sa sahig para makaupo siya.

"Ang aga ng 7am mo ha." Mahina kong sagot sa kanya. Hinihinaan dahil baka maistorbo ko si Miguel na nagbabasa ng reviewer niya, mamaya magsungit na naman tulad last year.

Status: Crushing (Pamantasan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon