Eight: Miguel

424 48 57
                                    

"Tangina pre, hindi ata ako papayagan ni Ma'am magfourth year!" Reklamo ni Lawrence pagkatapos ng long exam namin sa Statics.

Malapit na ang final exams kaya masyadong maraming ginagawa. Tapos na rin ang tutor sessions namin ni Leila dahil busy siya sa paggawa ng plates.

Nagkakausap pa naman kami pero bihira na ang magkasama sa campus dahil sa sobrang daming ginagawa. Minsan naman ay nagsasabay kami pauwi kahit hindi kami nagrereview, sinasabayan ko tuwing parehas kami ng uwian para lang makasama ko siya.

"Gusto ko na lang grumaduate!" Dagdag pa ni Joshua.

"Inom nga tayo pagkatapos netong finals na 'to. Uhaw na uhaw na ako sa alak!" Pagyaya ni Carlo.

"Gago, ipasa muna natin yung finals bago inom." Sagot ko naman.

Gusto ko na rin makagraduate. Malapit na ako ubusin ng PLM. Gusto ko na lang maging makina tutal Mechanical Engineer naman kinukuha ko.

Nasa isang gazebo kami para kumain. Dito na lang kami sa loob ng campus kakain dahil kailangan pa magreview para sa susunod na long exam.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag para tingnan kung mag text ba si Leila.

From: Leila
Tapos na yung long quiz namin sa Rizal. Jusq, hindi ko alam kung tama mga sagot ko! Puro Identification :-----((((

From: Leila
Tapos na kami maglunch!!! Anong coverage ng exam sa calculus? Exam niyo kay ma'am ngayon diba? Share mo naman yan master, joke! Hahahaha.

Napangiti ako sa text niya sa akin at napailing. Kanina pa yun, ala una na at malamang nasa klase na siya ngayon.

To: Leila
Lunch pa lang namin, katatapos lang sa long exam. Kayang-kaya mo yung sa Differential Calculus, naaral naman natin lahat ng lumabas.

Naunang bumili sila Lawrence, Joshua and Carlo ng lunch. Nakabalik sila nang may dalang kanya-kanyang pagkain.

"Tara na Mark," yaya ko sa kanya para makabili na rin ng kakainin.

"Anong bibilhin mo pre?" Tanong sa akin ni Mark nang makapasok kami sa canteen.

Kaonti na lang ang mga tao dahil tapos naman na ang lunch time. Pero may iilan pa ring mga bumibili.

"Java rice lang bibilhin ko para mabilis kainin, ikaw?"

"Chicken chops akin."

Naglakad ako papunta doon sa bilihan ng java rice samantalang doon sa chicken chops si Mark dumiretso.

"Java rice with maling po."

Nang makabalik kami sa gazebo ay may ibang estudyante na kaming kashare. Umurong ako sa bandang hindi mainit dahil tumatama ang sikat ng araw sa loob.

Pagkapasok ko sa gazebo naririnig ko ang usapan ni Carlo tsaka ng isa sa dalawang babaeng kashare namin. Nakatalikod sila parehas kaya hindi ko alam kung kakilala namin.

"Mahirap ba? Multiple choice?" narinig kong tanong nung babae kay Carlo.

"Hindi. Mahirap kasi nakakalito!" Sagot naman ni Carlo, "parang pinagsama-sama ni Ma'am Ramos lahat ng ginawa niyang example sa iisang tanong. Ampota, nakakabaliw magsolve!"

Saka ko lang nakita yung itsura ng dalawang babae nang makaupo ako. Agad nanlaki yung mata ko nang makitang si Bridgette at Leila yung kashare namin!

"Edi bagsak na pala ako, tanggap ko na ang kapalaran ko." Malungkot na sabi ni Bridgette bago muling umupo at nagreview.

Doon lang napansin ng dalawa ang presensya namin ni Mark kaya napangiti silang dalawa sa amin.

"Hi Migz, Mark! Makikishare kami ng gazebo ha." Paalam ni Bridgette bago nagsaksak ng charger sa outlet.

Status: Crushing (Pamantasan Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt