Five: Leila

445 59 26
                                    

"So why did you need some help?" He asked me between our lunch.

I was hesitating to tell him but I know I have to because he'll be the one teaching me. Imagine, nagpapatutor ako sa crush ko? Parang ang bobo ko naman sa paningin niya nun. Mas nahiya tuloy ako.

"Well, I am not really good with numbers." Pag-amin ko na medyo natatawa pa just to ease the awkwardness between us.

Nakikinig lang naman siya, patuloy na ngumunguya. Not saying anything, feels like he's encouraging me to continue.

"Naiintindihan ko naman yung lessons, kaso kapag may mga problems na unfamiliar hindi ko na alam kung paano sagutin. Wala akong mapagtanungan. Alangan itanong ko kay Ma'am Ramos diba? Baka pagalitan pa ako nun." I explained.

He looked at me when he heard the name of our prof. "Prof mo rin si Ma'am Ramos? Prof rin namin siya sa  sa Differential Equations." Naeexcite na sabi niya.

So, parehas kami. Ng subject at ng prof.

"That's nice then. You can teach me the topics since parehas tayo. Aim ko lang is kahit dos, or kung kaya, mas mataas sana." Napangiti kong sabi.

"Kaya yan, sana makapasa rin ako." He chuckled. Inubos namin ang kanin namin bago ulit nag-usap.

"So anong araw fit ang schedule natin?" Tanong ko sa kanya.

"Every Tuesday and Friday lang. Pwede sana ng Wednesday kaso wala akong pasok nun." Sabi niya bago humigop sa softdrinks niya.

"Okay. So 1pm onwards every Tuesday and Friday until what time?" I asked again para malaman ko kung paano ko iaadjust ang oras ko.

"Until 3pm? Para hindi maabutan ng rush hour. Tsaka iisang subject lang yun at hindi kailangan paglaanan ng ganu katagal." Pagpapaliwanag niya sa akin.

Tumango-tango naman ako bilang pagtugon habang inuubos ang fries ko. Tama naman siya, mas marami dapat akong oras sa plates ko.

Iniisip ko pa lang kung ilang oras ang mababawas sa pagdrawing ko naloloka na ako.

"So, wala bang magagalit sa akin kapag kasama mo ako?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kanya. Napayuko naman siya ng kaunti ng makitang tumingin ako sa kanya.

Tinaas ko ang isa kong kilay. "What do you mean?" Naguguluhan kong tanong pero may pakiramdam na ako.

"Ano 'to Justin Bieber?" Natatawa niyang sagot. Late nagprocess sa utak ko kaya late rin akong nakapagreact.

Pinigilan ko ang tawa ko sa joke niya dahil mas nangunguna sa akin ang kilig. "Corny mo."

"But seriously, wala ba? Walang mananapak sa akin bigla kasi nagseselos kasi magkasama tayo? Naninigurado lang ayoko ng kaaway." Sabi niya na parang defensive pa.

Natawa ako sa kanya. "Wala. Wala akong boyfriend." I explained. I was trying not to smile when I realize that maybe he just wanted to know if I have a boyfriend.

I stopped when I realize something.

I easily assume things when I am with him.

And this is bad.

"Buti naman." Napabuntong hininga pa siya pagkasabi non.

Ako naman ang nacurious sa kanya. Baka naman okay lang rin natungin ko siya hindi ba? "How about you?" Tanong ko sabay yuko para uminom ng coke. Hindi ako makatingin sa kanya.

"Same." Simpleng sagot.

We remain silent for minutes before I talked. Mayroon siyang aura na may pagkamasungit talaga siya. "We can set the date every Tuesday and Friday and we can also cancel it okay? Hindi tayo sure sa emergencies eh."

Status: Crushing (Pamantasan Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن