Twelve: Miguel

326 40 51
                                    

"Nandito na ako," seryoso kong sabi bago umupo sa isang two-seater table sa Starbucks sa SM North.

[Sandali lang!] natataranta niyang tanong mula sa kabilang linya, samahan ng maliliit na tawa. [Naglalakad na ako, mali ako ng overpass na dinaanan.]

"Huh? Saan ka na ba? Sunduin na lang kita," naguguluhan kong tanong sa kanya, handa nang lumabas ng coffee shop.

[Hindi!] agaran niyang sagot, [naglalakad na ako sa Sky Garden, kalma ka lang dyan ha! Bye!]

Itinago ko ang pag-aalala ko dahil sinabi naman na niyang nasa Sky Garden na siya. Malamang ay malapit na siya.

December 23 nang mapagdesisyunan naming magkita. Sabi niya ay bibili siya ng pangregalo sa parents and kamag-anak niya. Nalaman ko rin na iniimbita ako ng Mommy niya kaya pumayag na ako.

"Hi! Sorry, late na naman." Nakangiti niyang sabi bago umupo sa upuan sa harapan ko.

Napangiti rin ako sa kanya. Sobrang simple lang ng pananamit niya ngayong araw. Denim shorts paired with dark blue sleeveless top and a pair of black sneakers. Her hair is in a ponytail, with just few strands of hair on each side of her face. Her bare face, she just probably put something on her lips, nothing more.

And yet she's still so damn gorgeous.

"Kararating ko lang din," mahinahon kong sabi sa kanya bago ilapit ang binili kong Signature hot chocolate para sa kanya.

"Hala," she looked flushed looking at the cup. "thank you."

Nag-ikot-ikot kami sa loob ng SM North. Nakasunod lang ako sa kanya habang naghahanap siya ng bibilhin para ipang regalo. Sa sobrang laki ng mall na ito, hindi pa rin sapat para sa napakaraming taong namimili para sa pasko.

She's busy trying to find something to buy. An hour or so, we're now waiting for the gifts to get wrapped inside the department store.

"Ang dami mo namab reregaluhan," mapagbiro kong sabi sa kanya habang nakaupo sa couch.

Tumingin siya sa akin, halatang nangingiti bago nagsalita.  "Oo, pero wala akong regalo sayo."

She even playfully stick her tongue out before chuckling.

This girl really knows how to make me laugh.

"Okay lang," I told her and then looked away. "Okay na ako, nakita naman na kita."

She made a soft shriek that sounds like she's shocked but when I look at her, her cheeks are slowly turning red and her eyes look so wide!

I laugh at her reaction before snap her forehead.

"Ang epal mo 'no?" Naiirita niyang sabi sa akin pero unti-unti ring napangiti.

Manghang-mangha ako pagpasok ko sa bahay nila. It's just a small house but bug enough for three people.

White walls, marble floors and bright lights. Their furnitures are mixed of black and brown colors.

"Good evening, hijo." Her mom greeted us when she got out from the kitchen.

"Good evening rin po."

"Bakit nandito 'yan? Manliligaw na ba yan?" Seryosong tanong ng daddy ni Leila na kabababa lang mula sa kanilanh 2nd floor.

I had to swallow and started to shook my head.

"Daddy, ayan ka na naman." Banta ni Leila habang inaayos ang mga pinamiling regalo sa kanilang couch.

"Eh bakit nga nandito kung hindi manliligaw, aber?"

Nagsimula na naman akong pagpawisan ng malamig kahit hindi naman mainit.

Status: Crushing (Pamantasan Series #1)Where stories live. Discover now