Seven: Miguel

376 54 43
                                    

Hindi ko alam kung anong mali sa sinabi ko pero nagsimula siyang tumawa.

Anong mali sa sinabi ko? Eh madalas ko silang makita nitong mga nakaraang araw kaya sa tingin ko natural lang na isiping may namamagitan sa kanila.

I was about to say something when she started to cough. Sobrang clumsy talaga.

I patted her back.

"Ayan, tawa ka ng tawa eh wala namang nakakatawa." Sabi ko sa kanya nang umayos na ang pakiramdam niya.

"Anong wala? Ikaw yung nakakatawa!" Sagot niya pa habang pinipigilan ulit na matawa.

Anong ginawa ko eh sinabi ko lang naman ang naiisip ko?

Kunot-noo akong nakatingin sa kanya. Sino bang hindi mag-iisip na boyfriend yung Lorenzo na yun? Inaakbayan pa siya! PDA sa loob ng campus!

"Totoo naman? Lagi kayong magkasama at nakita ko pang inaakbayan ka nung partner mo."

"Sinabi ko naman sayo na hindi ko boyfriend si Lorenzo!" Natatawa niya pang sagot. "Tsaka yun yung iniisip mo kaya ka seryoso?"

Hindi ako nakasagot. I was caught off-guard. How am I going to tell her that I am jealous?

Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko siya matingnan ng seryoso at nagsimula ko ng maramdaman ang pag-init ng batok at tainga ko.

"Pinagsabihan ko si Lorenzo dahil doon sa pang-aakbay niya." Mahina niyang sabi.

Napatingin naman ako sa kanya. Ngayon ay seryoso na siyang nakayuko. Nakatingin lang sa lamesa kung saan nakapatong ang juice niya.

"Sinabi ko sa kanya na hindi ako komportable na inaakbayan at malapit siya sa akin."

What? Hindi siya kumportable sa ganoon? Eh ilang beses ko na siyang hinawakan sa balikat tuwing papasok kami ng train sa LRT. Nasisiksik rin kami tuwing sasakay doon.

Napaisip ako dahil baka nararamdaman niyang nahaharass siya noong mga panahong iyon.

"Masyado kasing touchy si Lorenzo, Migz." pagsambit niya bago tumingin sa akin. "Hindi ako sanay ng ganun, isa rin sa dahilan kung bakit ko siya pinatigil sa panliligaw dahil sa galawan niya." She chuckled.

She's trying to lighten up the mood. I know that. That's her personal space, and she's telling it to me.

I'm just listening to her pouring her thoughts. I don't even know what to say.

"So ayun, nagalit siya. He's so rude." She laugh, trying to supress the sadness from her story. "Iyon pa, isa pa yon. Attitude siya eh, nagagalit kapag di napagbibigyan."

She hid her anger through her smile. I know she's sad but she's so damn beautiful when she smiles.

"Kaya magkaaway kayo ngayon?" Tanong ko naman sa kanya. I don't wanna be awkward na walang masabi when she just told me her side.

"Oo! Nagalit rin si Bridgette sa kanya kasi nagalit nga. Sobrang nakakainis!"

This time, she's ranting. Nakakunot ang noo at naiinis. I want to smile, she's so cute. Para siyang batang inaway ng kalaro at nagsusumbong, pinapaglaban na siya ang tama.

"And?" I asked.

"Wala, nagwalk out ako. Ayokong makipagtalo sa kanya, baka lumaki yung gulo." Sagot niya bago uminom ng juice. "Buti na lang talaga tapos na kami sa groupings na yan, ayoko na siyang makasama!"

We we're disturbed by a call from her phone.

"Mom." Sagot niya sa tawag. "Yup, tapos na po ako ... okay." She had a long pause before answering again. "Sa labas mom, i'll wait. Sige po, ingat!"

Status: Crushing (Pamantasan Series #1)Where stories live. Discover now