Fourteen: Leila

317 41 62
                                    

Nagsigawan ang mga kacollege ko nang makashoot ng 3-points si Lorenzo. Nagtatalunan ang mga kasama ko dahil kaonti na lang ay mahahabol na nila ang score ng kabilang team.

52-49, mas lamang ng ilang puntos ang College of Business and Government Management.

"Go CAUP!"

"Konti na lang, guys!"

"Habol tayo!"

Halo-halo ang sigawan sa loob ng Gym. Hindi magkandaugaga ang mga kapwa ko CAUP student dahil sa kabang nararamdaman. Idagdag pa na sobrang taas ng energy ng mga taga CBGM, mayroon silang drums na nagpapahype sa kanila at habang tumutunog ito ay nararamdaman ko ang pagsabay ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

Semi-finals na, kapag nanalo kami dito, makakalaban namin ang mananalo sa laban ng Engineering at Med.

"Last one minute!" sigaw ng announcer.

Naramdaman ko ang panginginig ng kamay ko, hindi ko alam kung sisigaw rin ba ako para icheer sila o mananahimik dahil baka madistract sila sa mga nanunuod. Kailangan namin manalo para mauto ang mga prof na bawasan ang loads namin sa mga susunod na araw.

Kitang-kita ang pagod na mukha ng mga players namin, basang-basa na sila ng pawis at nakakunot na ang mga noo habang hinihingal, pero hindi sila papatalo. Nagsisigawan na sila dahil hindi magkaintindihan sa strategy kung paano makakapuntos.

Isang senior mula sa college namin ang may hawak ng bola, kailangan lang nilang makathree points para mag-tie ang score, kahit mag-overtime.

"Leila! Cheer ka naman!" utos sa akon ni ate Marie, yung president ng CAUP.

Tumango lang ako sa kaniya kahig nag-aalinlangan bago sumigaw, "LET'S GO CAUP!"

Yun na ata ang pinakamalakas na sigaw ko sa larong ito, damang-dama ko ang pagsakit nang lalamunan ko pagkatapos.

Kumunot ang noo ko nang makita ang pagbaling ni Lorenzo sa akin pagkatapos ng sigaw ko, narinig niya pa yun?

Muntik na siyang mabangga ng isang player galing sa CBGM na tumatakbo hawak ang bola, mabuti na lang ay sumigaw si Soren sa kaniya kaya naibalik ang atensyon sa laro.

See? Kaya ayaw kong magcheer, nadidistract ang mga players sa laro.

Nagsitalunan at yakapan ang mga kasama ko nang makita ang final score. 52-53, nanalo kami!

Nakashoot ng 2-points ang team namin pero nasteal rin nila at nagfast break kasabay nang pagtunog ng buzzer.

Shit! Pasok kami sa Finals!

Nagyakapan rin ang mga players ng team namin at saka kinamayan ang kabilang grupo.

"Thanks sa cheer, Leila," sabi sa akin ni Lorenzo nang makalapit sila sa amin sa bench.

"Yeah, congrats!" Bati ko naman pabalik.

Naglalakad na kami sa catwalk nang makasalubong ko ang team ng CET, nasa likuran sila Lawrence at Miguel kaya huminto ako para kausapin siya.

Nauna naman ang mga kasama ko, si Bridgette at Lawrence ay nag-uusap bago dumating ang iba pa nilang katropa.

"Sinong nanalo?" bungad sa akin ni Miguel.

Napatingin naman ako sa mukha niya, seryoso na naman at walang expression sa mukha.

"CAUP," mahina kong sagot at saka ngumiti, "Good luck sa inyo, engineer."

Sumilay ang maliit na ngiti sa kaniya bago ako pinitik sa noo.

Agad ko siyang sinapak ng mahina sa dibdib bago hawakan ang noo ko.

Status: Crushing (Pamantasan Series #1)Where stories live. Discover now