Nine: Miguel

347 42 69
                                    

"Paskuhan na, putangina!" Sigaw ni Joshua pagkatapos ng huling final exam namin.

Sobrang ingay rin ng classroom namin dahil sa sigaw ng mga kablock namin. Halos lahat ay kaming nagtatake ng Mechanical Engineer ay lalaki, bilang na bilang lang ang mga babae.

"Gago! Inuman na, tara sa 4M!" yaya ni Lawrence.

"Sa Hi-Top na lang tayo!" yaya rin naman ng isa naming kablock.

Inaayos ko na ang mga gamit ko sa bag bago kunin ang cellphone.

From: Leila
FINALLY FINAL EXAM DONE!

Two hours ago pa 'yon. Tapos na siya mag-exam bago ang huli kong exam kaya baka nakauwi na siya.

I was about to text her when another message from her came.

From: Leila
Nasa Mabini kami, magsasamgyup. Tapos na exam mo?

So, hindi pa siya nakakauwi. Baka nagcelebrate rin dahil tapos na ang semester.

I smiled at her text. Even though she doesn't have to text me, she constantly shares her whereabouts with me.

Nag-uupdate huh.

"Hoy Miguel! Ano hindi ka pa lalabas?"

Doon ko napansin na halos lahat pala ng tropa ko ay nakalabas na ng room. Kinuha ko ang bag ko saka nagsimulang lumabas ng room para makababa ng building.

"Saan na tayo?" Tanong ko kay Carlo na kasabay kong naglalakad.

"Sa Hi-Top na lang daw, pre." Sagot naman niya sa akin bago nagtype sa cellphone niya.

"Hoy! Bakit sa Hi-Top? Ang layo!" Reklamo naman ni Mark.

"Bobo! Sa Taft lang 'yon. Aarte ka pa, sabay naman kayo ni Miguel uuwi." Singhal ni Lawrence na nasa likuran ko.

Palabas na kami ng PLM nang may tumawag kay Mark sa cellphone. Nagpahuli siyang maglakad kaya hinayaan na namin basta susunod siya.

Alas dos pa lang at inom na inom na ang mga kablock ko. Ako rin naman. Finally, grades na lang kulang tapos second sem na!

Nakapagtext ako bago makalabas ng PLM kay Leila na nagkayayaan ng inuman ang block namin. Nabasa ko lang yung reply niya nung nasa Hi-Top na kami.

From: Leila
Hindi ka naman magpapakalasing diba? Kasi malayo pa uuwian mo.

Napangiti ako sa concern na message niya. She's so cute.

To: Leila
Hindi ako maglalasing, onti lang. Ikaw? Hindi pa kayo tapos?

"Tangina, inuman 'to. Hindi yung magcecellphone kayo dyan!" Galit na sigaw ni Lawrence.

Napatingin ako sa iba kong kasama. Si Carlo ay may kachat, si Mark ay nagcecellphone rin, si Joshua rin na malamang ay kinakausap ang jowa.

Yung iba naman naming kablock ay nagyayaya na mag-ML.

"Hoy, gago, alis ako bago mag-five." Nananantyang paalam ni Mark.

Napakunot ang noo ko dahil akala ko magsasabay kami?

"Hoy! Sabay tayo uuwi, hangal. Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya.

"May pupuntahan lang ako, kailangan 5 nando'n na ako." Seryosong sabi nito.

"Alam ko na yan Mark eh, magkikita kayo nung PT 'no?" Pang-aasar ni Lawrence kay Mark kaya napakunot ang noo ko.

Taga College of Physical Therapy? Kailan pa nagkaroon ng kalandian 'tong si Mark?

"Gago, pinagsasabi mo?" deny niya.

Status: Crushing (Pamantasan Series #1)Where stories live. Discover now