Six: Leila

389 52 35
                                    

He looked so shock. His ears were turning red until he look away from me. Wala siyang sinabing kahit ano. Umiwas rin ako ng tingin.

Narinig ko ang pagbuntong ng kanyang hininga.

Masyado ata akong madaldal.

We were silent until the train arrived. Sobrang sikip pero wala kaming choice kaysa maabutan kami ng rush hour.

Magkaharap kami. Only few inches apart. Sobrang magkadikit dahil siksikan sa loob ng LRT.

Walang kwentang transportation system.

He was looking behind me, avoiding my gaze. Alam kong masungit talaga siya, mas lalo siyang nagiging pogi sa harap ko kapag seryoso siya. Pero hindi ang ganitong klaseng katahimikan na pakiramdam ko ay sasabog dahil hindi ko alam ang umiikot sa utak niya.

I was trying to calculate his facial expression, but damn, he's just so stolid.

"Tsk." I tried, trying to catch his attention.

Pero hindi siya tumingin.

Huminto sa tapat ng central station ang train at mas lalo kaming nasiksik sa dami ng tao na gustong makapasok sa loob ng train. At dahil nasa may bandang pintuan lang kami, mas lalo akong maiipit kung hindi ako hinawakan ni Miguel sa likod palapit sa kanya. Inilapit niya ako sa may pole para maiwas ako sa mga nanunulak na pasahero. Siya naman ngayon ang naiipit.

Nakikita ko na naglalabasan na ang mga ugat niya sa braso pero hindi pa rin ako naiipit.

"Hey, you okay?" I asked him when the train started to move.

He just nodded at me. Looking at the windows. Behind me was the 4 o'clock sunset from Manila Bay and I can clearly see his features.

He's so damn handsome. The jaw, that pointed nose, and those eyebrows that looks so serious. His hair was clean cut and he smells so good.

"Did I make you feel awkward?" Tanong ko sa kanya ng diretso.

"No. Bakit mo naisip?" There, finally he looked at me. Pero sobrang sandali lang dahil iniwas niya agad ang tingin sa akin.

"Dahil sa sinabi ko kanina." Nahihiya kong sagot sa kanya.

Tumingin siya muli sa akin kaya ako naman ang yumuko para umiwas ng tingin.

He's so serious and I can't take it when we are this close!

"Alam ko namang gwapo ako. Nagulat lang ako." Pabiro niyang sabi na nagpagulat naman sa akin.

Tiningnan ko siya ng masama saka hinampas sa dibdib.

"Alam mo? Ewan ko sayo!" Naiinis pero kinikilig ko sabi sa kanya.

Doon ko nakita ang pagsilay ng ngiti sa gilid ng labi niya, halatang pinipigilan.

"Mas pogi ako doon sa partner mo?" Pang-aasar niya pa lalo.

Ngumunot ang noo ko pero tuluyan nang natawa. Para siyang bata.

"Ewan, tanong natin sa kanya?" Pagpatol ko.

He smirked. Grabe, sobrang taas din ng confidence netong lalaking 'to na pogi talaga siya?!

Tumawa siya ng mahina at umiling-iling kaya napangiti ako.

"Pero seryoso? Di ko boyfriend yun? Halos patayin ako sa tingin eh."

"Hindi nga, nanligaw dati pero ..." pagkibit ko ng balikat.

"Wow. Ganda naman this girl." Pang-aasar niya pa na mas lalo niyang ikinatawa.

Sinamaan ko siya ng tingin pero dahil nangingiti siya, napangiti ako lalo. Mukhang tuwang-tuwa siya sa pang-aasar sa akin.

Status: Crushing (Pamantasan Series #1)Where stories live. Discover now