Eleven: Miguel

339 47 50
                                    

"Pre, kain muna tayo bago umuwi!" Yaya ni Lawrence nang magsimula nang maglabasan ang mga PLMayer dahil tapos na ang program.

"Pass na ako ha. Hatid ko pa 'to." Nauna nang sabi ni Joshua sabay turo sa girlfriend niyang kasama.

Tumango lang ako dahil alam naman namin 'yon. Nauna na rin silang umalis. Nagpaalam na rin ang ibang kablock ni Leila dahil sinabing malayo pa ang uuwian. Kami na lang nila Mark, Carlo, Lawrence, Bridgette at Leila ang naiwan at nagdesisyong kakain raw muna.

"Hoy pass, late na. Hinahanap na ako sa bahay," sabi ni Mark nang palabas na kami ng PLM habang hawak ang cellphone.

Nagtataka kaming lahat na tumingin sa kaniya.

"Ulol! Hindi ka mahal ng magulang mo, walang maghahanap sayo!" Singhal ni Carlo sa kaniya bago pabirong binatukan.

Nagtawanan kami habang palabas na ng gate pero naging seryoso agad si Mark.

"Gagi, seryoso nga. Hindi ko pwede magpagabi. Bawi na lang ako." Sabi niya pa na halatang nagmamadali.

May mali talaga sa kinikilos nitong ugok na 'to.

"Hoy ugok! Magsasabay tayo umuwi, sumama ka dito." Seryoso kong sabi sa kaniya pero agad niya akong inilingan.

Mas lalo akong nagduda dahil hindi naman 'to maagang umuuwi. Kahit abutin 'to ng alas tres sa daan wala siyang paki.

"Bawi talaga ako next time Migz," sabi niya bago tumingin sa mga kasama ko at nagpaalam. "Ingat kayo hoy! Tsaka Merry Christmas! Aylabyu!"

Nagmamadali siyang lumabas ng arc habang kumakaway kaya wala na kaming nagawa.

Lima na lang tuloy kaming natira na nagkayayaan na sa may Kalaw kumain. May Jollibee na 24hrs doon.

"So, Migz. Wala ka bang jowa?" pang-uusisa ni Bridgette sa akin habang naghihintay ng inorder.

"Wala," seryoso kong sagot bago tinignan si Leila na kanina pa pala nakatingin sa akin.

"Pero nagkaroon ka na ng girlfriend?" tanong niya ulit sa akin habang nakapalumbaba sa lamesa.

Ano bang naiisip nito ni Bridgette at bakit ako tinatanong ng ganito?

Nakakunot ang noo ko bago muling sumagot. "Meron, dalawa."

"Tell me about it dali!" Naeexcite na sabi Bridgette na agad namang sinaway ni Leila pero ayaw magpaawat. "Bakit kayo nagbreak?"

"Niloko yan si Miguel Bridge!" pambubuking ni Lawrence kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Kaya nako, wag niyong lolokohin si Boss Miguel. Sobra yan magmahal."

Gago, anong pinagsasabi nito?

Nakita kong natatawa si Carlo kaya hindi ko rin mapigilan ang pagtawa. Samantalang si Leila at Bridgette ay naguguluhan.

" 'Wag kayong maniwala sa gunggong na yan," pagbabanta ko bago tumingin kay Lawrence. "Taena mo."

Tinawanan niya lang ako kaya natawa rin ako.

"Eh, ano nga?" pangungulit ni Bridgette, nagpapaawa pang sabihin ko sa kanya.

Ba't ba ako trip nito? Ba't hindi niya kausapin si Carlo?

Napailing ako sa tanong niya, ayaw kong sagutin sa harap ni Leila.

"Ayaw mo ishare?" mahinahong tanong niya sa akin kaya naman napatitig ako sa kanya.

"Uh .. okay lang naman," nahihiya kong sagot sa kaniya.

Iniisip niya bang masasaktan ako kung sabihin ko?

Status: Crushing (Pamantasan Series #1)Where stories live. Discover now