Friends

697 37 3
                                    

4.

Vice's POV
Tahimik lang kaming kumakain ni Ion nang may umupo sa tabi nya, pabagsak pa ang pag-upo nito.

"Grabe si Ella pre, tinakbo ko mula sa plaza hanggang dito matakasan lang sya!" Hingal na saad nito kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Uy! Sino to ah?" Sabi nito nang makita ako. Tumayo ito at tumabi sa akin. "Hi miss, Kent." Inabot nito ang kamay nya sa akin.

Tinanggap ko naman ito at ngumiti. "Jacee Marie, Vice nalang."

"Ang ganda mo ah, bat kayo magkasama?" Tanong nito.

"Ah kinuha kasi ako ni Ion bilang tutor nya, nag-usap lang kami pero sige ok lang kung di ako pwede dito." Akma na akong tatayo nang pigilan nya ako.

"Uy! Uy! Hindi ano ka ba, tinanong ko lang kung bakit kayo magkasama ee." Natatawang sabi nito. "Bibili na nga muna ako ng pagkain nagugutom na ko ee."

Tumayo ito kaya naiwan ulit kami ni Ion.

"Tss. Daldal talaga nung mokong na yun." He smirked. "Si Kent yon, kilala mo na naman siguro diba, uto yung isang yun ee wag mo nalang pansinin."

Tipid akong ngumisi sa kanya.

Teka may naalala ako... yung letter ko hindi ko pa natatanong kung saan nya inilagay.

"Ah Ion?" Saad ko nang nakatingin sa pagkain ko.

"Yes?" Sagot nito.

"Yung ano... yung le----" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang may sumulpot nanamang isang lalaki.

"Pre! Wala na kami ni Bea! Akalain mo yun boyfriend nya ako tapos may boyfriend pa syang iba?! Wag lang talaga papakita sakin yun!" Galit na saad nito.

"Panira ka ba ng moment ha, Louie? Sabi ko naman sayo di kayo magtatagal nun. Dun ka nga!" Pagsusungit nito at bumaling ulit sa akin. "Yung ano nga ulit yun, Vice?"

"Wowowow!" Saad ni Louie. "Hi Vice! Ako si Louie, gwapong kaibigan ni Ion." Naglahad ito ng kamay na tinanggap ko naman.

Tulad ni Kent ay nagpaalam din ito na binili ng pagkain.

"Sorry sa mga abala, Vice, ano nga yun?" Tanong ulit ni Ion.

"Yung letter ko?" Mabilis na saad ko dahil nahihiya ako sa kanya.

Nakayuko lang ako at hindi sya matingnan nang marinig ko syang tumatawa.

"Yung letter mo na sa akin, para sakin naman yun diba?" Patuloy pa din sya sa pagtawa.

"Oo! Akala ko naman itatapon mo yun or something." Sabi ko.

"Hindi naman ako ganun kasama para gawin yun nuh eto naman!" Ngisi nya.

Sa wakas ay nakatingin na ako sa kanya. Ang gwapo! Hayy.

Ilang minuto pa ay bumalik na ang dalawa nyang kaibigan.

"Alam mo Vice, single ako ee." Tumabi si Kent sa akin at si Louie naman ay kay Ion. "Single ka din ba?"

Nahiya naman ako sa tinanong nya sa akin.

"Hoy Kent, hindi interesado sayo si Vice kaya pwede ba." Biglang pagsusungit ni Ion.

"Sus eto naman!" Saad ni Kent. "Pwede bang itutor mo din ako Vice?"

"Ako din! Ako din!" Sabat ni Louie.

"Sige, pwede naman" ngumiti ako sa kanila.

"Mga gaya gaya talaga kayo nuh?" Ani Ion.

"Gusto ko lang naman magtino na, para mapakita ko sa Bea na yon yung sinayang nya!" Bitter na sabi ni Louie.

"Ako din kaya, gusto ko na tumino para naman magkagusto sakin si Vice, diba?" Kumindat pa sya sa akin.

"That will never happen." Agad na saad ni Ion.

"Sus! Pano ka naman nakasigurado?" Louie.

"Kasi sakin sya may gusto." Uminit ang pisngi ko sa sinabi ni Ion!

Omg!

Masarap sila kasama tatlo, pero nung tumingin ako sa paligid halos lahat ng babae nakatingin sa amin, lalo na sa akin.

Mga mukha pa silang galit!

Jusq ano tong pinasok ko?!

-----------

#sanaoltalaga

Until You Fall Inlove  (Viceion) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon