Stay

539 33 4
                                    

28.

Vice's POV
Dalawang araw na ang nakakalipas simula nang mawala si tita. Nandito ako ngayon kasama pa din si Ion na wala pang wastong tulog simula non.

Tuwing madaling araw na ako umuuwi at

"Babe, uwi ka muna kaya ngayon or kahit mamayang madaling araw para lang makapag pahinga ka muna." Sabi ko.

"Kaya ko pa naman ee." Saad nito pagkatapos ay humikab.

"Inaantok ka na ee. Sige na babalik ka naman bukas bago mag tanghali ee." Pangungumbinsi ko sa kanya.

"Sige. Pero ayoko sa bahay." Sabi nya.

"Edi samin ka na umuwi, tapos sabay nalang din tayo tayo bumalik." Sabi ko saka sya nginitian.

"Hmm pwede. Sige sa inyo muna ako matutulog." Sabi nito at ngumiti din. "Tabi tayo ah!"

"Oo naman, malaki naman kama ko."

"Baka pagsamantalahan mo ko ha!" Pagbibiro nya.

"Wow ah ako talaga Ion?!" Humalukipkip ako at tinaasan ko sya ng kilay.

"Hindi, joke lang." Hinila nya ang braso ko saka ako niyakap. "Gusto ko nga yung pagsamantalahan mo ko ee." Hinarap nya ako sa kanya saka kinindatan.

Binatukan ko naman sya ng mahina. Natawa naman sya. Madaming tao dito na mukhang mga business man at business woman. Nandito din ang daddy nya na may kausap na isang matandang lalaki. Si Kuya Bry naman ay umuwi muna saglit. Sila Louie at Kent kakauwi lang din, kasama pa ni Kent yung family nya.

Nang mag-alas dos ng umaga ay nag-aya na si Ion. Lumapit sya sa kabaong ni tita saka bumalik sa akin.

"Tara na." Hinawakan nya yung kamay ko at hinila ako palabas. Habang naglalakad kami ay napunta sa amin ang atensyon ng mga tao dito. Nakakahiya.

Nag-drive sya hanggang sa makarating sa bahay. Nagulat pako nang makitang bukas pa ang mga ilaw at ibig sabihin gising pa si Papa

"Pa, bat gising ka pa?" Tanong ko nang makapasok kami.

"Nagising lang nakshie." Sabi nito at tumingin sa likod ko. "Oh Ion nandyan ka pala."

"Ah oo, Pa. Dito po muna sya matutulog, ayaw sa bahay nila ee." Sabi ko.

"Ah oh sige. Dun nalang kayo sa kwarto mo ha wag kayong gagawa ng hindi maganda.." nagtaas pa ng kilay si Papa. Natawa naman kami ni Ion.

"Oo Papsi, matutulog lang po." Sabi ni Ion saka ngumiti.

Sinabi ni Papa na matulog na daw kami kaya pumasok na din kami sa kwarto ko. Kumuha lang ako ng damit at nagbihis sa banyo para makatulog na. Paglabas ko ay nagulat ako nang makita si Ion na naghubad ng damit.

"Hoy! Ano yan bat ka nakahubad? Magdamit ka nga!" Bulyaw ko sa kanya.

Natawa naman sya. "Ganito talaga ko matulog hayaan mo na, sige na halika na dito matulog na tayo."

Lumakad naman ako papalapit sa kanya at mas lalo ko nakita ang abs nya. Walangya ang ganda ng katawan!

"Tara dito." Hinila nya ang kamay ko at iginaya papaupo sa hita nya saka ako niyakap patalikod. Nanlaki ako mata ko nang halikan nya ang leeg ko. Napatayo ako bigla.

"Hoy!" Bulyaw ko sa kanya habang sya ay tumatawa lang. "Ikaw ah sanay na sanay ka sa mga ganyang galawan. Siguro sa ganyan mo sinisimulan yung ginagawa nyo ng mga naging babae mo nuh!" Umirap ako sa kanya.

"Napaka selosa naman ng girlfriend ko." Hinawakan nya ulit yung kamay ko saka hinila at niyakap ulit.

"Tumigil ka na nga Ion matulog na tayo ang landi mo ee!" Natatawang sabi ko at humiwalay na sa yakap nya. Nahiga ako at tumabi sya agad sa akin.

Until You Fall Inlove  (Viceion) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon