Still you

643 26 9
                                    



54.

Vice's POV
"Ion, san ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya, nakasakay kami ngayon sa kotse nya dahil may pupuntahan daw kami, kakatapos ng lang klase.

"Basta kasi."

Wala na akong nagawa kundi tumahimik nalang hanggang sa tumunog ang phone ko, may nag-text.

Bestfriend:

Bestfriend, nandito lang ako lagi pag may problema ka ha wag mo kong kakalimutan. Sabihin mo lang sakin pag sinaktan ka ulit ng gago na yan, humanda talaga sya sakin.

Napangiti naman ako, eto talagang si Kent oh. Nireplyan ko naman sya.

Ako:

Oo naman bestfriend, thankyou!

"Sino yan?" Tanong ni Ion.

"Si Kent." Tumaas naman ang kilay nya at tumango na din.

Ilang saglit lang ay nandito na daw kami, bumaba ako at napangiti nang ma-realize kung nasan kami.

Nasa lugar kung saan ko sya unang sinagot, malapit sa hotel kung saan naganap yung engagement party nila ni Angel.

Lumakad na ako at sya naman ay may kinuha sa sasakyan nya. Hindi pa gaanong madilim kaya hindi pa masyadong mailaw. Nilingon ko naman sya at natawa nang may dala na syang mga pagkain at isang mat.

"Handang handa ah." Puna ko, natawa din naman sya.

"Si kuya pinaghanda ko nito, pinadala sa driver kanina."

Pinahawak nya sakin ang mga pagkain saka inilatag ang mat. Pagkatapos ay kinuha nya na ito saka kami umupo.

Nagsimula kaming kumain at mag-kwentuhan.

"Alam mo lagi akong bumabalik dito nung wala ka, kahit galit ako sayo nun hindi ko pa rin maiwasang mapangiti pag naaalala ko kung pano mo ko sinagot dito." Kwento nya. "Kelan nga pala kayo nagkausap ni Raissa?"

"Nung may sakit ka, bago kita puntahan, ay no scratch that, kaya kita pinuntahan." Natawa ako. "Kung di nya naman sinabi yun di kita pupuntahan ee."

"Wow! So kailangan ko pa pala magpasalamat sa kanya." Natawa din sya.

Nagpatuloy lang kami sa pagk-kwentuhan hanggang sa medyo dumilim na, madaming bituin sa langit, ang ganda pagmadan. Nagpasya kaming humiga. Nakaunan ako sa braso ni Ion.

"Alam mo, miss na miss ko na yung chocolate cup cake na gawa mo." Sabi nito.

"Ows, bat di ka nagpapagawa kay Raissa noon?"

"Di sya marunong mag-bake ee." Sabi nito. "Saka ikaw at si mommy lang ang gusto kong gumawa nun para sakin nuh."

"Kamusta naman yung relasyon nyo noon?"

"Ay wag na natin pag-usapan." Sabi nito.

"Ee sige na!"

Wala syang nagawa.

"Ok lang, hindi malungkot, pero hindi kasing saya ng relasyon natin." Tumango ako sa sinabi nya. "Pag kumakain kami sa labas, laging gusto nya sa mahal, lagi nga din kita naaalala pag ganun ee, magkasalungat kayo sa lahat ng bagay."

Nagpatuloy lang sya sa pagk-kwento, nag-kwento din ako ng naging buhay namin sa States. Napag-alaman kong nagpakita pala yung daddy nya ng pic namin na may kasamang lalaki sa airport, ang sabi ng lalaki na yun ay sya yung pinasama ng daddy ni Ion para sa amin, may ganun pala syang balak.

"Pero hindi na yun mahalaga, ang importante ngayon, ok na tayo at akin ka na ulit." Ngumiti sya at hinalikan ako sa noo.

Nanatili kami sa ganung posisyon hanggang sa nagpagpasyahan na naming umuwi dahil gumagabi. Pagkahatid nya sakin sa bahay ay umuwi na din sya.

Pagkabihis ko sa kwarto ay lumabas na ako para samahan si Papa sa pagkain.

"Busog pa po ako, Pa." Sabi ko nang ayain akong kumain.

"Ano ba kasing pinagkakakain nyo? San ba kayo galing?"

"Dun po lugar kung saan ko sya sinagot nung una. Kung ano ano pong dala ni Ion kaya nabusog ako.

Chapter54 continuation

Ion's POV
Pagdating ko sa condo ay nagulat nang makita dun si Daddy at kuya Bryan.

"Bat ka nandito?" Tanong ko kay Daddy.

"Bumalik ka na sa bahay." Sabi nito.

"Wow! Kung makapag salita ka parang wala kang nagawang kasalanan sakin Daddy." Sabi ko. "Sige nga, alalahanin nga natin. Umalis si Vice nang dahil sayo, nawala yung kaisa-isa kong kaligayahan nun Daddy, kaya anong karapatang mong utusan ako ng ganun ganun lang."

"Ano ba Ion?! Sinisira mo na ba talaga buhay mo? Puro na lang yung Vice nayun ang iniisip mo. Mag-isip ka naman para sa buhay mo!" Sigaw nya.

"Dad, I am!"

"At paano?" Naghahamong tanong nito.

"Because she's my life!" Agad po. Nakita ko ang tagong ngiti ni Kuya. "Nung nawala si mommy, bukod kay kuya, sya lang naman yung natira para sakin ah. Akala ko nun totoong itinuturing mo na akong anak pero yun pala gusto mo lang akong paikutin para maniwala ako sa mga kasinungalingan mo."

"Ginawa ko yun para say-"

"Dad pwede ba wag na tayo maglokohan, alam nating lahat na ginawa mo yun para sa sarili mo." Sabi ko. "Tama na to, umalis ka na lang dito."

Tiningnan nya ko ng masama bago tuluyang umalis, naiwan kami ni Kuya dito.

"Ayos yun bro ah, may pa she's my life she's my life ka pang nalalaman!" Pinagtawanan pa nya ako.

Vice's POV
Naisipan namin ni Papa na manood ng TV. Nakayakap ako sa kanya hanggang sa may tumawag sa akin.

"Vice!" Sigaw nito. Nagulat kami ni Papa kaya sabay naming tiningnan kung sino yun, nagulat ako nang makita ang daddy ni Ion.

Binuksan ko ang gate para makapasok ito.

"Ano pong kailangan mo?" Tanong ko nang makapasok kami sa loob.

"Dahil sayo kaya ayaw umuwi ni Ion sa bahay!" Sigaw nito.

"Aba teka wag naman po kayong sumigaw." Sabi ni Papa.

"Wala po akong alam dyan! At hindi ko na po kasalanan yun kung ayaw kayong makasama ng anak nyo dahil sa sama ng ugali nyo." Sabi ko.

"Ipinaglalaban ka pa sakin, natutong sumagot ng dahil din sayo! Wala kang naidudulot na maganda sa anak ko." Sabi nito. "Magkano bang kailangan nyo? Babayaran ko kayo kahit magkano lumayo ka lang sa anak ko."

"Anak mo? Tinuturing mo pa po palang anak si Ion nun ha. Sa pagkakatanda ko kaya po kayo iniwan ng anak mo dahil din sa inyo, dahil sa pag trato nyo sa kanya. Wala ka din pong naidudulot na maganda sa anak mo." Sabi ko. "Isa pa, hindi ko po kailangan ng pera nyo.

"Wag mong ku-kwestyunin ang pagiging tatay ko sa anak ko ha!" Sabi nito. "Saka anong hindi mo kailangan? Ee mga hampaslupa lang kayo!"

"Hindi ko po kinu-kwestyon, sinasabi ko lang po sayo yung totoo. Kung gusto mo pong bumalik sya sayo, matuto ka pong tanggapin ang mali mo at humingi ng tawad sa kanya. Matuto ka din pong tratuhin sya bilang anak mo." Sabi ko. "Pasensya na po pero makakaalis na kayo."

Natigilan sya at tumingin sa akin ng masama bago naglakad palabas.

"Hindi ko na kaya ang pang-iinsultong ginagawa satin ng daddy ni Ion anak!" Sabi ni Papa.

"Pa, hayaan mo na. Hindi naman talaga tayo kasing yaman nila ee."

Natigilan si Papa sa sinabi ko saka tumingin sakin ng deretso.

"Kapantay ka lang nila." Sabi nito. "Anak, kailangan mo nang malaman ang totoo."

Napakunot ako ng noo. Anong kapantay nila?

At anong totoo ang kailangan kong malaman?

----------

Until You Fall Inlove  (Viceion) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon