BABE?

634 34 5
                                    

24.

Ion's POV
Pagkahatid ko kay Vice ay hindi pa rin nawawala ang ngiti ko, hanggang sa makarating ako sa bahay.

"Benigno! Anong kagaguhan nanaman yung ginawa mo?! Napahiya si Angel dun pati yung pamilya dahil umalis ka kasama yung babaeng yun!" Hindi na ako nagulat nang sumalubong sakin si Daddy na galit na galit. Nandito din si Bryan at mommy na may mga multong ngiti.

"Dad sabi ko naman sayo hindi ko gustong ikasal kay Angel o kung sino mang hindi si Vice." Mahinahong sabi ko.

"Ee hindi nga pwede! Wala kang mapapala sa babae na yan!"

"Meron Dad, dahil sya yung nagbibigay kaligayahan sakin." Sabi ko at di nanaman napigilan ang ngiti.

"Wag mo kong ngiti ngitian dyan! Ang sabi ni Angel buntis sya at ikaw ang ama kaya dapat na panagutan mo yun!" Natawa naman ako sa sinabi nya.

"Dad ni wala ngang nangyari samin tapos sasabihin nyang buntis sya? Nahihibang na ata yung babaeng yun ee kung ano anong sinasabi!"

"Walang mangyayari sayo kung hindi mo ko susundin! Kung puro sarili mo lang ang iniisip mo!" Muling sigaw nito.

"Sundin ka Dad? Para ano? Para maging kagaya mo na ipinakasal sa hindi mo naman talaga mahal?" Napatingin ako kay Mommy na seryoso na ngayon. Tapos ay nagbalik ako ng tingin kay Daddy. "Wag mo kong igaya sayo kasi kung hindi mo kayang ipaglaban sa mga magulang mo yung babaeng tunay mong mahal, ako hindi, kasi hindi ako duwag na kagaya mo Dad, kayang kaya kong ipaglaban si Vice dahil sya talaga yung mahal ko."

"Sumosobra ka na!" Nilapitan ako ni Daddy at hinawakan ang kwelyo ng tux ko, ambang susuntukin ako.

"Sige Dad, gawin mo para patunayan sakin na wala ka talagang kwentang ama." Binitawan ako ni Daddy pagtapos ay tiningnan ako ng masama saka padabog na iniwan kami.

Umalis na din ako dun at dumeretso sa kwarto ko, walang ibang iniisip kundi si Vice pa rin.

Nang dumating ang lunes ay nagpasya akong sunduin sya gaya ng lagi kong ginagawa.

Nang makabihis na ako ay bumaba na ako at wala dun si Dad, hindi pa muli kaming nagkikita simula nung nagkasagutan kami. Si Bryan at mommy lang ang nandito.

"Good morning, Mom." Masayang bati ko kay mommy at hinalikan sya sa noo.

"Mukhang good mood ah." Puna ni Bryan.

"Oo nga, parang ang saya mo anak ah." Sabi naman ni Mommy.

"Ee shempre po, susunduin ko yung girlfriend ko." Sabi ko sabay ngiti. Bakas naman ang gulat kay Mommy at Bryan.

"Kayo na anak?" Masaya ding tanong ni mommy.

"Oo Mom, nung umalis ka dun sa venue." Tumayo na ako. "Aalis na ko, Mommy."

"Hindi ka pa kumakain ah?"

"Asus excited!"

"Hindi nako kakain." Umalis na ako dun at mabilis na nagmaneho papunta sa bahay nila Vice.

"Good morning, Papsi!" Bati ko nang makasalubong sya.

"Ay good morning. Intayin mo nalang si Vice ha palabas na yun. Kailangan ko na umalis ee."

"Ay ganun po ba, sige po, ingat kayo." Nag-wave na lang sya at umalis na.

Pagpasok ko sa loob ay saktong paglabas naman ni Vice galing sa kwarto.

"Hey good morning mi amore." Sabi ko at hinalikan sya sa pisngi.

"Good morning, lika na?" Tumango nalang ako at lumabas na.

Until You Fall Inlove  (Viceion) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon