New

457 30 9
                                    


35

Ion's POV
Gulong gulo ang isip ko. Wala akong ibang naisip puntahan kundi ang puntod ni mommy. Mabilis akong nag-drive papunta dun.

"M-mommy mali ka naman ee, iniwan din ako ni Vice ee. Pero sabi nya babalik sya, kelan kaya yon? Hindi ko alam kung bat bigla nya kailangan umalis pero alam kong may rason sya. Maghihintay ako mommy." Sabi ko habang hinahaplos ang lapida nya.

Naglabas pa ako ng sama ng loob kay mommy at nagpasya nang umuwi. Pagpasok ko ay dumeretso ako sa kusina at kumuha ng maraming alak sa ref. Umupo ako sa high chair at ipinatong ang alak sa counter.

Binuksan ko ang isa at mabilis na nilagok ito. Hanggang sa nasundan ng nasundan ito.

Nakakarami na ko ng inom nang may umupo sa tabi ko at kumuha ng isang alak na kinuha ko. Tiningnan ko kung sino ito at nagulat nang makita ko si Daddy.

"Bat ka naglalasing?" Tanong nito.

Umiling ako, ayoko munang pag-usapan yun.

"Iniwan ka nung Vice na yun." Napalingon ako sa kanya. Bakit nya alam? "Hayaan mo, pinasundan ko sya sa tauhan ko."

"Bat mo pinasundan? Saka san ba sila pupunta?" Tanong ko.

"Pinasundan ko para malaman ko kung saan nya dinala yung perang hiningi nya sakin."

Ano? Hiningi ni Vice na pera? Nakakunot na nag noo ko ngayon habang nakatingin kay Daddy.

"Hindi mo ba alam na humingi sya ng pera sakin kapalit ng pag-iwan nya sayo?" Sabi ni Daddy.

Nalaglag ang panga ko kasabay ng paglaki ng mata ko. Ano bang sinasabi ni Daddy?

"Ano?!" Medyo pagalit na sabi ko. "Hindi ganun si Vice Daddy."

"Paano mo ie-explain to?" Pinakita nya ang cellphone nya, nakita ko ang picture ni Vice na may kasamang lalaki.

Sino yon? Bakit kasama nya?

"Nanghingi sya ng pera sakin at halata namang magkasama sila ng lalaki na yan na pupunta sa ibang bansa." Dagdag pa ni Daddy.

Mabilis akong umiling. "Hindi ganyan si Vice!" Sigaw ko kahit na unti unti na akong naniniwala kay Daddy.

"Sige, magpabulag ka sa alam mo." Sabi nito. "Hindi porket pinakitaan ka ng maganda nung simula ay ganun na hanggang dulo. Pinerahan ka lang nyan, at magaling sya at sa akin pa humingi at hindi sayo."

Grabe! Hindi ko alam na ganun lang ang gagawin ni Vice! Nagagalit ako sa sarili ko dahil naniwala ako sa kanya. Sa galit ko ay naibato ko ang bote ng alak na wala nang laman kasabay ng pagsigaw ko.

Napamura ako habang sumisigaw. Napaka tanga ko! Hindi ko naisip na gagawin ni Vice yun! Nagpabulag ako sa pagmamahal ko sa kanya! Sana pala una palang hindi ko na tinuloy yung nararamdaman ko. Tama pala yung hinala ko nung una palang na gagamitin nya rin ako! Higit pa sa ginawa ni Raissa dahil kay Daddy pa mismo sya humingi ng pera. Wala rin pala syang kwenta! Putangina!

"Sabi ko naman sayo huhuthutan ka ng pera nyan, naniwala ka naman talagang mahal ka." Mas lalo akong nagalit dahil sa sinabi ni Daddy.

"Pinaniwala nya lang ako na mahal nya talaga ako.." nanghihinang sabi ko.

Hindi ko ine-expect ang sunod na ginawa ni Daddy. Niyakap nya ako. First time.

"Patawarin mo ako sa mga pagkukulang ko sayo Ion.." parang tumalon yung puso ko sa sinabi ni Daddy.

Bigla syang bumait sa akin.

"Ayos lang yun Daddy, buti nga nandito ka at nalaman ko ang totoo kung bakit umalis si Vice at iniwan nya ako." Mariin kong sinabi.

Lahat ng kasinungalingan ni Vice ay sisimulan ko nang kalimutan! Wala syang karapatang mahalin dahil manggagamit at mukhang pera sya! Lahat nang yun ay palabas lang pala nya. Kumagat naman ako!

Tinapik ni Daddy ang balikat ko bago sya umalis. Ilang sandali lang ay galit akong lumabas ng kusina. Bumungad naman sakin si Kuya na mukhang kakadating lang.

"Bro may kailangan kang malaman tungkol kay Vice." Sabi nito.

"Tama na! Alam ko na at ayoko nang makarinig ng kahit ano mula sa kanya!" Galit na sabi ko.

"Alam mo na naman pala ee bat parang hindi ka naman nag-aalala?" Napakunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Mag-alala? Tss. Ayos naman sya dahil umalis naman sya para makasama ang ibang lalaki!"

"Ano? Anong sinasabi mo? Hindi, Ion kailangan mo mala--"

"Tama na kuya! Simula ngayon ayoko na makarinig ng kahit anong tungkol sa kanya!"

Chapter35 continuation

Bryan's POV
"Sino ba nagsabi nyan sayo?" Tanong ko dahil naguguluhan na ako.

"Si Daddy!" Sabi nito.

Napapikit ako, naunahan pa talaga ako ni Daddy!

"Hindi totoo yun." Pilit ko.

"Wag ka na magpabulag pa kay Vice kuya dahil pati ako napasakay nya, hiningan nya ng pera si Daddy at sumama sya sa ibang lalaki kaya galit ako sa kanya at ayoko nang makita sya!" Galit pa din si Ion hanggang ngayon.

Naniwala sya kay Daddy!

"Makinig ka muna sakin Ion!"

"Hindi na, ayoko!" Nagsimula na syang maglakad paakyat ng hagdan.

"Sige Ion! Basta wag na wag mo kong sisisihin pag nalaman mo ang totoo." Mariing sabi ko. Bahagya syang napatigil ngunit nagpatuloy na sa paglalakad.

Umakyat din ako para pumunta sa kwarto ni Daddy. Binuksan ko ito agad at sakto namang kalalabas lang din nya sa banyo.

"Daddy bakit mo sinabi kay Ion yun?!" Galit na saad ko.

"Hayaan mo ko sa mga gagawin ko Bryan!"

"Dad mali ee! Wala kang karapatan hadlangan yung pagmamahalan nung dalawa."

"Wala ka ring karapatang pagsalitaan ako kaya lumabas ka na!" Sigaw nito.

Mabilis akong lumabas ng kwarto nya at mas lalong napapikit.

Ion's POV
Itinulog ko ang pagkalasing at ang galit ko kay Vice. Kinabukasan ay nagising ako nang tirik na tirik na ang araw. Naligo ako bago lumabas.

"Hi Ion!" Masayang bati ni Raissa sa akin, nandito pala sya.

Ngumiti ako sa kanya.

"Let's eat." Hinawakan nya ang kamay ko at hinila papunta sa lamesa. Nandito pala si Daddy at si Kuya na nakakunot ang noo.

Kumain kami at puro kwento si Raissa sa akin. Natutuwa naman si Daddy at si Kuya ay parang hindi nagugustuhan ito. Bahala nga sya.

Pagkakain ay inaya pa ako ni Raissa na magpunta sa mall, dahil wala naman akong gagawin at para na rin makalimot ako ay sumama ako sa kanya.

"Uh, Ion.." tawag nya sakin nang nasa kotse na kami.

"Hmm?"

"Are we good?" Sabi nito. "I mean, pwede pa naman nating ibalik yung dating tayo, right?"

Natigilan ako sa sinabi nya. Wala namang masama kung babalik kami sa dating kami, kasi kung tutuusin buti pa nga sya minahal talaga ako ee hindi katulad ni Vice.

Dahil traffic ay tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Oo naman." Sabi ko.

"Oh my God! Yey!" Napapalakpak pa sya at niyakap agad ako.

Kakalimutan ko na si Vice at magsisimula ako kasama si Raissa.

Sa iba ko na ibabaling ang atensyon ko para agad na makalimot sa ginawa nyang panloloko sa akin.

Magiging masaya ako kasaba ang iba.

----------

Until You Fall Inlove  (Viceion) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon