Flower

724 44 21
                                    



47.

Vice's POV
Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Hindi na ako sinubukan pang puntahan ni Ion sa bahay. Hindi ko alam pero nasaktan nanaman ako dahil dun. Tss.

Pagdating ko sa room ay hindi ako tumingin sa kahit saan, nag-angat lang ako ng tingin nang nasa gitna na ako. Nagulat ako nang nakatingin sakin ang lahat at nakangiti. Kumunot ang noo ko at tumingin sa likod ko. Nanlaki ang mata ko nang makita dun si Ion at may hawak na bouquet. Nabaling naman ang tingin ko sa blackboard na may nakasulat na 'I'm sorry, I love you.'

"Ano to?" Malaming na sabi ko.

"Comeback, comeback!" Yan ang umalingawngaw sa buong room.

Napatingin ako sa mga classmates ko na pumapalakpak pa habang sumisigaw. Nagbalik ulit ako ng tingin kay Ion at nakalapit na sya sakin, inabot nya ang bulaklak na hawak.

Hindi ko tinanggap.

"Tigilan mo na yung kalokohang to, Ion." Dahil sa sinabi ko ay nagahimik ang mga classmates ko. "Baka mamaya sabihin nanaman ng fiancee mo na inaakit kita."

Tinalikuran ko sya at maglalakad na sana nang magsalita sya...

"Nalaman ko yung totoo kaya tinapos ko na kung ano yung meron samin ni Raissa." Nagsimula nakong maglakad. "Kasi ikaw yung mahal ko!"

"Ayiiieeee!" Muling umalingawngaw ang sigawan ng mga classmate namin.

Lihim akong ngumiti at umupo na sa upuan ko.

"Anong nangyayari dito!" Pagkaupo ko ay lumitaw na ang prof namin.

Nahinto ang mga classmate ko at bumaling naman ang prof namin kay Ion na nasa harapan pa rin.

"Mr. Perez what are you doing?" Mataray na tanong nito.

"N-nothing, Ma'am." Napakamot sa ulo si Ion. "For you..." inabot nya ang bulaklak sa prof.

Tumaas naman ang kilay nito at bumaling sa board. Patay!

"Wag mong ibigay ang bulaklak na hindi para sakin, Mr. Perez!" Bahagya itong tumawa. "Erase the board then go back to seat."

Yun nga ang ginawa ni Ion pagkatapos ay umupo na rin sa tabi ko.

"Tanggapin mo naman to oh." Sabi nya sabay abot sakin ng bulaklak.

Inirapan ko sya pero kinuha din ang bulaklak.

"So you are going to have a paper work by partner." Panimula ng prof.

Nagsimula na syang mag-aasign ng magpa-partner. Arghh! Wag nyang sabihin na kami ni Ion ang magiging magkapartner ha!

"And lastly, since you two made a scene inside this classroom, Mr. Perez and Ms. Viceral, you are going to be partners." Sabi ng prof kaya napasapo naman ako ng ulo.

Nagtawanan ang mga classmate ko at napatingin naman ako kay Ion, nagngising aso pa sya.

Pagkatapos i-discuss ni Mrs. Agdipa yun ay umalis na sya.

Martes kaya wala akong next subject. Lumabas na ako pagkatapos nun, saktong nakita ko naman si Kent.

"Uy bestfriend!" Nakangiti sya sakin hanggang sa nakita nya ang bulaklak na hawak ko. "Kanino galing yan?"

"K-kay Ion.." sabi ko.

"Tsk. Tara kain nalang tayo, nasa cafeteria si Louie." Tumango ako sa sinabi nya.

Kanina nung paglabas ko ng room ay nakasunod sakin si Ion pero wala na sya ngayon. Tumingin ako sa likod at nakita kong kausap sya ni Raissa. Hinayaan ko na.

Habang naglalakad kami ay may tumawag kay Kent. Sabi nya ay saglit lang at hintayin ko a sya kaya naman naupo muna ako sa bench.

"Vice!" May tumawag sakin.. nag-angat ako ng tingin at nakita kong si Raissa yun, nasa likod nya si Ion na hinahawakan sya sa braso. Tss, wag kang mag-alala Ion, di ko sasaktan ang fiancee mo!

"Ano nanaman ba?"

"Layuan mo na si Ion, may pabulaklak bulaklak ka pa dyan!" Ang kapal din talaga nitong babae bato ha!

"Hindi ako yung lumalapit kay Ion! At eto ba?" Pinakita ko sa kanya ang bulaklak saka ito hinagis sa kanya. "Iyong iyo na!"

Tinalikuran ko sila at lumapit kay Kent saka sya hinila paalis dun. Naiinis ako kasi parang ako pa yung lapit ng lapit, parang ako pa yung may gusto ng bulaklak na yun!

Dyan palang inis na inis na sya ee pano pa kaya pag nalaman nyang magka-partner kami ni Ion sa paper works at kailangan naming magkita minsan para gawin yun? Jusq baka di lang tumahol, kagatin pako!

Juskooo!!

______

yowww, release koba ung isang unpublish story ko na "Forever Love".?
comment lang mga vebs

Until You Fall Inlove  (Viceion) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon