Engagement Party

532 28 3
                                    

23.

Vice's POV
Halos mahiga na ko dito sa lamesa namin dahil nakahilig ako dito. Iniisip ko palang ang engagement party ni Ion at Angel mamaya parang sinasaksak na yung puso ko ee. Pero gaya ng sinabi ni Ion, magtiwala lang ako sa kanya.

"Oh ano pang ginagawa mo dyan magbihis ka na aynako baka mamaya dumating na si Louie at Kent nyan." Sabi ni Papa sabay hila sa akin papasok ng kwarto.

"Pa wag nalang kaya ako pumunta? Parang hindi ko kaya ee."

"Wala ka bang tiwala kay Ion?" Mabilis akong umiling sa sinabi ni Papa.

"Meron po shempre."

"Then go and change na, pagagandahin pa kita lalo. Goooo!" Tuluyan nya na akong tinulak papasok sa kwarto kaya wala na akong nagawa.

Isinuot ko ang ibinigay ni Ion sa akin. Saktong sakto at infairness maganda.

Paglabas ko ay nakahalukipkip si Papa at agad itong nawala nang makita ako.

"Wow! Perfect!" Pumalakpak pa ito habang tinitingnan ako. "Let's go na, it's make up time!"

Hinila ako ni Papa papasok sa kwarto nya para simulan ang make up ko.

"Light lang Papa ah." Sabi ko agad.

Sinimulan nya akong ayusan pati na ang buhok ko. Ilang minuto lang ay natapos na sya kaya tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

"Hmm pwede na Pa." Sabi ko sabay tawa.

"Anong pwede na? Ang ganda mo anak!" Sabi nito.

Natawa nalang din ako at tiningnan pa ang sarili sa salamin.

Ilang sandali pa may narinig na kaming busina mula sa labas.

Lumabas kami ni Papa at nakita namin yung dalawa na papasok sa bahay. Gwapong gwapo ang mga ito habang suot ang kanilang mga tuxedo.

Nagpaalam lang kami kay Papa at umalis na rin.

"Bat kasi kailangan ko pang pumunta ee." Tamad na sabi ko sa dalawa nang makasakay na kami sa kotse.

"Kailangan ka nga kasi dun." Sagot ni Kent habang si Louie ay nagsimula nang magmaneho.

Hindi nalang ako umimik hanggang sa makarating na kami sa isang hotel. Pagpasok namin sa venue ay talagang napanganga ako. Sobrang ganda dito sa loob, talagang pinaghandaan.

Kasama namin sa table si kuya Bryan na mukhang kanina pa nandito. Umupo na rin kaming tatlo.

Madaming tao. Mayroong siguro ay nga business man din at mayroon ding mga nag-aaral sa DU. Present shempre ang mga kaibigan ni Angel na ang blush on ee akala mo floor wax. Galit na galit lang pisngi?!

Sinabi din nila Louie na nandito mga parents nila at kasama ang mga 'oldies' sa table.

Ilang saglit pa ay namatay na ang tugtog at pati na ang ilaw. Natira na lang ang ilaw sa mismong stage.

Lumitaw dun si Tita at ang daddy ni Ion, nagpalakpakan ang mga tao. Sumunod naman ang isang maganda at maputing babae at isang mukhang istriktong lalaki, ito siguro ang mga magulang ni Angel.

"Good evening ladies and gentlemen." Panimula ng daddy ni Ion. "Please welcome, Angel Ferrer." Ngiting ngiti na lumabas si Angel, ang ganda nya sa kumikinang na gown. "And Benigno Perez." Lumabas si Ion na gwapong gwapo sa kanyang dark tuxedo.

Nagpalakpakan ang mga tao at shempre ako din pero tumigil ako nang makita ang kawak ni Angel sa braso ni Ion. Kala mo maaagaw sa kanya ee, kapit na kapit!

Until You Fall Inlove  (Viceion) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon