Ma

593 31 2
                                    

25.

Vice's POV
Napangiti ako ng malapad. "Babe?"

Nakita ko naman na napalunok ng malaki si Ion. "Oo, babe.."

"May naisip ka na palang endearment ah." Hindi ko na napigilan ang tawa ko.

Nanatili naman ang tingin nya sakin saka nagtaas ng kilay, mas lalo pa akong natawa.

"Ayaw mo ba?" Seryosong sabi nito kaya napatigil ako sa pagtawa.

"Shempre gusto... gustong gusto ko." Sabi ko saka sya nginitian pero hindi nagbago ang expression ng mukha nya. "Oy ngiti ka na."

Seryoso pa din yung mukha nya!!

"Sige na lika na babe smile ka na." Sabi ko saka hinawakan ang kamay nya at hinila sya. Bahagya ko naman syang sinilip at nakitang nakangiti na sya. "Uyyy nakangiti na sya!" I teased.

"Alam mo namang ikaw nakakapagpangiti sakin ee!" Kinilig naman ako sa sinabi nya. "Oh tingnan mo nagb-blush ka na!" Sya naman ang tumatawa ngayon.

Nag-asaran lang kami hanggang sa makarating kami sa pang last sub ngayong umaga, hindi na ako nakapasok sa mga nakalipas na klase dahil sa pagkakadala ko sa clinic.

Mabilis na lumipas ang oras at papunta na kami kila Ion, kasama namin si Kent at Louie dahil magre-review na kami para sa finals.

Nang makarating na kami ay nagsimula na agad kaming nag-aral. May mga terminologies na kailangan kabisaduhin pero mej madali lang naman. Nakakatuwa lang kasi yung tatlo seryosong seryoso sa pag-aaral samantalang noon mga walang pakialam to.

Todo aral kami hanggang sa dumating ang araw ng exams, sinundo ako ni Ion at sabay kaming pumasok.

"Good luck sa inyong dalawa!" Sabi ko kay Kent at Louie nang magkita kita kami bago ang exam.

"Oo naman bestfriend, yakang yaka." Pagmamayabang ni Kent. Hindi na rin sila nagtagal at umalis na.

"Good luck, babe." Sabi ko kay Ion nang papasok na kami sa room.

"Wala bang good luck kiss dyan?"

"Lul!" Natawa naman sya sakin.

Nang magsimula ang exam ay medyo mahirap ito kaysa sa mga lumipas pero mabilis lang din na natapos.

"Hay salamat tapos na ang paghihirap!" Ani Ion nang papunta na kami kila Kent. Pinadausdos nya ang kamay nya sa bewang ko.

"Si tita nga pala kamusta?" Tanong ko.

"Kanina ayos naman sya.." sabi nito. "Tuloy pa din yung pagpunta sa doctor tapos yung gamot nya tuloy din naman."

Tumango nalang ako nang may tumawag naman sa kanya.

"Hello ate Nelia, bakit?" Sabi ni Ion kaya nakinig nalang ako. "Ano? Sige pupunta na kami dyan!"

Nagulat naman ako dahil sa reaksyon nya.

"Babe si mommy dinala daw nila sa ospital, halika na." Hinawakan nya agad ang kamay ko at nagmamadaling pumunta sa parking lot.

Agad nya itong pinaharurot nang makasakay kami. Tinext ko si Kent at Louie na pupunta kami sa ospital.

Pagkadating namin ay nakita nya agad ang driver nila. Sinabi nito ang room number ni Tita at kung saang floor.

Sumakay kami sa elevator. Ramdam ko naman ang kaba ni Ion kaya hinawakan ko ang kamay nya dahilan para mapatingin sya sakin.

"Kalma lang babe, ayos lang si tita." Ngumiti ako para pakalmahin sya.

Tumango naman sya. "Thankyou."

Until You Fall Inlove  (Viceion) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon