Missing you

494 36 15
                                    

36.

Ion's POV
Isang linggo na mula nung malaman ko ang totoong intensyon nya at isang linggo na rin mula nung nagkabalikan kami ni Raissa. Nakalimutan ko na sya, hindi naman kasi mahirap gawin yun. Ang alam ko lang ngayon ay masaya ako kasama si Raissa.

Nandito kami ngayon sa kotse ko at nagd-drive ako papunta sa school. Enrollment na at magse-second year college na ako, si Raissa din at dito na din daw sya mag-aaral.

Pagdating namin sa school ay nagtitinginan samin ang mga nandun, nagtataka pa yata kung bakit si Raissa ang kasama ko at hindi si... si... tss ayoko nang banggitin pa ang pangalang yun ulit.

Tapos na ako at iniintay ko pa rito sa labas si Raissa. Nananahimik lang ako hanggang sa may biglang tumawag sakin. Nakita ko naman yung dalawang kumakaway pa habang papalapit sakin.

"Bro kamusta na?" Tanong ni Louie nang makalapit na sila.

"Ayos lang." Walang ganang saad ko.

"Miss mo na nuh!" Pang-aasar ni Kent.

"Huh? Sino?"

"Edi si bestfriend Vice!" Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya.

"Kinalimutan ko na yun at hindi ko na kailangan man mami-miss yun!" Sabi ko.

Magsasalita na sana si Louie nang dumating na si Raissa. Nginitian ko agad sya at pinadausdos ang kamay ko sa bewang nya.

"Wtf?! Nagkabalikan na kayo?" Nanlaki ang mga mata ni Kent. Si Louie naman ay napakunot ng noo.

"Oo." Kapwa umigting ang mga panga nila sa sinabi ko.

"Ay wait lang Love, puntahan ko lang sila Nicole." Sabi nya sakin sabay turo sa mga dati nyang kaibigan.

Tumango ako at umalis naman sya. Bumaling ulit ako sa dalawa.

"Gago ka ba bro? Bat ka nakipagbalikan?" Galit na saad ni Louie.

"Wala namang masama--"

"Anong walang masama? Pano si Vice?" Galit na din si Kent.

"Pwede ba tigilan nyo na yung pagbanggit sa pangalan na yan! Iniwan nya nako, humingi sya ng pera kay Daddy at sumama sya sa ibang lalaki!"

"Bro hindi yan totoo--" pinutol ko agad ang sinasabi ni Louie.

"Tama na. Nakalimutan ko na sya dahil wala syang kwenta." Mariing sabi ko.

Hindi na ako nagulat nang sinuntok ako ni Kent dahil sa sinabi ko. Pinigilan naman sya ni Louie.

"Oh my God! Love!" Rinig kong tawag ni Raissa at lumapit sya sa akin.

"Ion kailangan mong malaman yunh totoo!" Sabi ni Kent. "Wag kang magpabulag dyan!" Tinuro nya si Raissa.

"Alam ko na yung totoo, at kayo ang wag magpabulag kay Vice dahil manggagamit lang sya!" Sa sinabi kong yun ay nasuntok nanaman ako ni Kent.

"Kent! Stop na!" Sabi ni Raissa.

"Ikaw ang tumigil baka ikaw masapak ko dyan!" Baling nito kay Raissa. "Ikaw Ion wala kang utang na loob! Nakita mo kung pano tayo nagbago dahil kay Vice tapos lahat ng yun wala lang sayo?! Ikaw ang walang kwenta!" Galit na sabi nito sakin.

"Bro kasi kailangan mo talagang malaman kung ano yung totoo!" Sabi ni Louie habang pinipigilan si Kent.

"Alam ko na nga at wala na akong pakikinggan pa kahit isa sa inyo dahil pare pareho kayong nabubulag pa rin ni Vice!"

"Ion!--" pinigilan na ni Louie ang sinasabi ni Kent.

"Sige Ion! Wag kang makinig ha! Wag mo rin kaming sisisihin pag nalaman mo yung totoo!" Sabi ni Louie, pareho lang ng sinabi ni kuya sa akin. Sila ang magsisisi pag nalaman nila ang tunay na ugali ni Vice.

Until You Fall Inlove  (Viceion) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon