Blush

601 36 5
                                    

20.

Vice's POV
Papunta nako sa school pero hindi pa rin nagte-text si Ion sakin kung nandun na ba sya. Sabagay baka maya maya pa pumasok yun kasi maaga pa ee.

Naisip ko tuloy yung naglalagay lagi ng letter sa locker ko, sana naman magpakilala na sya sakin, or kung nasa school man sya nung foundation week ay malamang nakita nya yung sa wedding booth. Hayy sana naman makilala ko na sya kasi pwede naman kahit friends lang kami.

Pagdating ko sa gate ng school ay nagulat ako dahil may hawak na isang rose si kuya guard at parang binibigay nya pa sakin!

"Ano po yan kuya?" Tanong ko.

"Pinapabigay po sa inyo." Nakangiting sabi nito.

Kumunot naman ang noo ko at kinuha nalang ito saka nginitian si kuya.

Naglakad na ko papunta sa locker ko. Mas nagulat ako kasi halos lahat ng madaanan ko may nag-aabot sakin ng bulaklak! Nang makarating ako sa locker at nandun si Louie at Kent na malapad ang ngiti sa akin sa akin. May hawak din silang rose. Lumapit ako sa kanila.

"Uy ano to?" Tanong ko sa kanila.

Nagtinginan sila at parang natatawa saka sabay na inabot sakin ang hawak nila. Tinanggap ko naman ito at binigyan sila ng nagtatakang ekspresyon.

"Pakana ni lover boy!" Nagtawanan silang dalawa saka naghiwalay dahilan para makita ko si Ion na may hawak ng rose na malaki at kulay puti. Napangiti ako.

Nagtaas sya ng kilay at inabot sakin ang hawak nya sabay ngiti.

"Sus! Aalis na kami ha, nakakahiya naman nakakaabala." Sabi ni Louie.

"Bye bestfriends landi well!" Sabi ni Kent saka sila tumakbo paalis habang nagtatawanan.

Naiwan kami ni Ion dito, kaming dalawa lang.

"Galing lahat to sayo?" Tanong ko kahit obvious naman.

"Oo."

"Infairness ang sweet!" Nginitian ko sya.

"Shempre ako pa ba? Lover boy nga daw sabi nung dalawang ugok ee." Nagtawanan naman kami.

"Dami mong pakulo ah dami mo na sigurong naganito." Sabi ko sa kanya.

"Bakit madami ka ba?" Uminit ang pisngi ko sa sinabi nya at di agad nakasalita. "You're turning red, I love it."

Ngumuso ako, nagpipigil ng ngiti saka sya hinampas ng mahina.

"Oh bakit?" Ngayon ay natatawa na sya.

"May klase tayo halika na."  Sabi ko at tinalikuran sya ngunit bumalik lang muli ako sa kanya nang hilahin nya ang braso ko. "Bakit? Lika na."

Umiling ito at mabilis akong hinitak papunta sa kanya dahilan para magkayakap kami. Damn his manly scent, nakakainlove lalo!

Nang maghiwalay kami ay parehas kaming nangiti. Lumakad kami paalis dun. Pinadausdos nya ang kamay nya sa bewang ko. Ramdam ko ang bawat matang nakatingin sa amin.

Pagdating namin sa unang klase ay nandun na ang isang hindi pamilyar na prof. mukhang bata pa ito, siguro late twenties or what.

"Good morning, sorry we're late." Nagulat ako nang si Ion ang magsalita para samin.

"It's ok. Come in." She said sweetly.

Sino sya?

Umupo na kami ni Ion sa dulong upuan at inilagay ko muna sa gilid ang mga bulaklak na ito.

"As I said erlier, I'm Ms. Villanueva, niece of Mr. Villanueva and I'm going to be his substitute because he's in the hospital right now. I'll teach you from now 'til he gets better and hope you guys cooperate." Sabi nito saka ngumiti. "Ok then, let's start."

Until You Fall Inlove  (Viceion) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon