plan

602 26 1
                                    

last onee

58.

Vice's POV
Nagpag-usapan namin ni Ion na magpapakasal kami pag naka graduate na kami ng college. Isang taon pa yun at ok lang dahil kailangan pa naming mag ready, ikakasal pa si kuya Bryan.

Pagkauwi namin galing sa resort ay napag-usapan naming pupunta sa puntod ni Daddy at ni tita kinabukasan.

Maaga akong naghanda para dun. Sa Cavite nakalibing si Daddy at ngayon ko lang ulit mabibisita yun.

"Bye mommy, bye Pa!" Nag wave kami sa kanila bago pumasok sa kotse ni Ion.

Nagsimula na syang mag-drive at excited naman ako.

"Babe anong gusto mo? Church or beach wedding?" Tanong ni Ion.

"Hmm mas gusto ko church wedding pa rin shempre." Sagot ko.

Napunta ang usapan namin sa balak naming pagpapakasal. Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa puntod ni tita.

Naaalala ko pa, dito kami nagkabalikan ni Ion.

"Mommy, ikakasal na ko, sayang wala ka dito edi sana ikaw ang punong abala sa preparations." Sabi ni Ion habang nakaakbay sakin. "Miss na miss ka na namin."

"Miss na miss na din tayo ni tita sigurado." Sabi ko.

Hindi kami masyadong nagtagal dun dahil ba-byahe pa kami papunta sa Cavite.

"Babe, drive thru muna tayo..." sabi ko dahil medyo nagugutom na ako.

Yun nga ang ginawa namin. Habang bumabyahe ay kumakain kami.

"Sa tingin mo kung hindi ako, sino ang fiancee mo ngayon?" Tanong ko habang sumusubo ng fries.

"Ano bang tanong yan babe, shempre di ko alam saka di ko na ma-imagine na may iba akong fiancee."

"Weee? Di mo nai-imagine na si Raissa?"

"Hindi nga babe ay nako tigilan na natin tong topic na to!"

Natawa ako at iniba na ang usapan. Our conversation went on until we reached Cavite, sa sementeryo kami dumeretso.

Agad kong nahanap ang puntod ni Daddy. Yumuko ako at nilinis ang lapida. Dinampian ko ito ng palad. Hindi maiwasang tumulo ang luha ko. Miss na miss ko na si Daddy.

Naramdaman ko ang paghawak ni Ion sa balikat ko. Ilang sandali lang ay tumayo na ako at yumakap kay Ion, hindi ko napigilan ang pag-iyak ko.

"Shhh wag ka nang umiyak babe." Pinasadahan nya ng palad ang buhok ko.

"Ang tagal nang nawala ni daddy, miss na miss ko na sya." Sabi ko sabay tingin ulit sa lapida nya.

Hinayaan nya akong umiyak sa kanya. Ilang sandali ay nilabas nya ang dala naming mat saka inilatag ito para makaupo kami.

"Close talaga kayo ng daddy mo nuh?" Tanong nya.

"Oo kasi simula nung umalis si mommy, sila nalang talaga ni Papa yung kasama ko saka yung nagpalaki sakin." Tumango sya sa sinabi ko.

"Ilang taon ka nung nawala sya?" Tanong nya ulit.

"8years old lang, grade3."

"Bata mo pa pala nun, pano mo kinaya?"

"Kinaya ko kasi kailangan saka nandun si Papa para samahan ako." Sabi ko at humilig sa kanya.

Nag kwentuhan lang kami habang nakahilig ako sa kanya at pinapasadahan nya ng kamay ang buhok ko.

Gabi na nang makauwi kami sa bahay kaya naman pagod kaming pareho. Pagkahatid nya sakin ay umalis na rin sya. Sinalubong naman ako ni Papa.

"Kamusta yung naging byahe nyo?" Bungad nito.

"Ok naman Pa." Yumakap ako sa kanya. "Nakakapagod po ee."

"Kumain ka na muna anak." Tumango ako sa sinabi nya.

Sinamahan nya akong kumain dahil tapos na daw sila. Napansin ko lang na habang sumusubo ako ay nakatingin sya sakin.

"Pa, bakit?"

"Mami-miss kita pag nag-asawa ka na." Muntik ko nang maibuga ang kinakain ko dahil sa sinabi ni Papa.

"Pa, sa isang taon pa ko ikakasal."

"Kahit na nuh! Madali nalang ang mga araw ngayon at mabilis nalang yun kaya iniisip ko na ngayon." Sabi nito at nag pout.

"Pa naman ee, kahit naman po mag-asawa na kami ni Ion hindi pa rin kami malalayo sa inyo." Pinapagaan ko ang loob nya.

"Hayy anak." Agad nya akong niyakap kaya niyakap ko din sya ng mahigpit.

Si Papa talaga kung ano anong iniisip.

___

Until You Fall Inlove  (Viceion) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon