Falling Inlove

607 33 0
                                    

16.

Ion's POV
Mabilis na nagdaan ang mga araw, Sabado nanaman at simula nung pinigilan ako ni Vice ay hindi na natanggal sa utak ko ang tanong kung totoo nga ba talaga ang hinala ko.

Nahuhulog na nga ba ako sa kanya?

Maaga akong nagising ngayon, bumaba ako at umupo sa couch na nasa living room. Hawak hawak ko ang cellphone ko at nakatingin sa mga mensahe namin ni Vice sa isa't isa.

Tinext ko ulit sya.

Ako:

Good morning.

Napailing ako habang nakangiti nang maalala ko kung paano nya ako sermonan nung ginagamot nya ang mga sugat ko. Para syang si mommy, nakakatuwang isipin na sobrang concern sya sakin bagay na hindi ko manlang naramdaman kay Raissa noon. Psh!

"Oh anak, ngiting ngiti ah." Nag-angat ako ng tingin kay mommy na galing sa taas.

"Wala lang mom, good morning." Sinalubong ko sya at niyakap. "Kamusta pakiramdam mo?"

"Ok lang ako anak nuh." Sabay kaming umupo sa couch. "Now tell me, sino yang iniisip mo?"

Ngumiti na lang ako at umiling sa kanya.

"Sige na sabihin mo na." Pamimilit ni mommy.

Inalala ko ulit yung moments namin ni Vice. Nung nabasa ko yung isang letter na ginawa nya. Yung pagturo nya samin na magseryoso sa pag-aaral. Yung kwarto nyang punong puno ng mukha ko!  Yung unang yakap namin sa coffee shop. Yung nasa mall kami at tumulong sya. Yung ginawa nya para sa birthday ko. Yung pagturo nya sakin na dapat ay mag-sorry. Yung pagsama at pagdamay nya nung naospital si mommy. Yung reaction nyang hindi malaman nung sinabi ko sa kanyang what if gusto ko din sya. At higit sa lahat ay yung kiss namin, damn! Lahat yun nakakapag pangiti sakin.

"Oh tingnan mo ngumingiti ka nanaman!" Pang-aasar ni mommy.

"Kasi mommy hindi ko maintindihan ee, nung isang araw at nakita ko na yung nambastos kay Rai noon, hindi ko mapigilan na pagsusuntukin sila tapos bigla pong dumating yung dalawa tapos kasama si Vice. Ee mommy nung pinigilan nya ko tapos hinawakan nya yung kamay ko parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko ee!" Sabi ko.

"Omg! So si Vice yang iniisip mo ngayon?" Sabik na sabi ni mommy habang nakangiti.

Kinagat ko yung labi ko at dahan dahang tumango kay mommy.

"You're inlove." Deretsahang sabi ni mommy.

"You think so?" Ako.

"Yes. Sa pagngiti mo palang at pag kwento alam ko na at ramdam ko na." Nakangiti pa rin si mommy. "I'm so happy for you anak, finally a right person!"

Hindi na napigilan ni mommy na yakapin ako kaya niyakap ko din sya pabalik.

"So when are you going to tell her?" Parang mas excited pa si mommy kesa sakin.

Nagkibit balikat ako. "I don't know."

"You know what anak, you should tell her ASAP!"

Ngumiti nalang ako at sinabing hahanap pako ng magandang timing. Inaya nya na akong mag break fast kaya kumain na kami.

Naalala ko naman yung sinabi sakin ni Louie nung isang araw na mukhang nai-inlove na daw ako kay Vice, grabe ganun ba talaga ka-obvious?

Pagkatapos namin kumain ay umakyat ako sa kwarto at nakitang may reply na pala si Vice.

Vice:

Good morning din :>

Napangiti ako kaya naisipan kong tawagan sya.

Until You Fall Inlove  (Viceion) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon