Engaged?

586 33 5
                                    

21.

Vice's POV
Lumipas ang dalawang linggo, ganun pa din si Ion sa akin. Sweet at lagi nya akong sinusundo sa bahay at hinahatid sa mga subjects na hindi kami magkaklase. Sa hapon ay pumupunta kami sa kanila para mag-aral dahil medyo malapit na ang finals.

Kaninang umaga ay sinundo nya rin ako pero ewan ko kung nasaan sya ngayon dahil ang sabi nila Kent ay hindi rin nila alam. Dahil wala naman sya ay pupunta nalang ako kung saan tahimik. Naglakad-lakad muna ako.

"Vice!" Napalingon ako sa tumawag sakin. Kinabahan nanaman ako, si Angel.

Malapad ang ngiti nito na kala mo ay nanalo sa lotto, bakit kaya?

Lumapit sya sa akin. "Kung ako sayo, wag ka na magsayang ng oras at lumayo ka na kay Ion."

Dahil doon pa rin ba? Ee bakit parang masaya sya?

"Bakit?" Tanong ko tapos bigla syang tumawa. Baliw?

"Kasi ikakasal kami! At wala kang magagawa dun!" Confident nyang sabi.

Natigilan ako. Ikakasal sila? Bakit? Alam na ba to ni Ion?

"Aww, so sad for you girl. Pinaasa ka ni Ion pero ang totoo sakin nya gustong ikasal." Nakangisi nanaman sya ng parang aso.

Hindi ako makapagsalita kahit ang dami kong gustong itanong. Ano yun? Totoo ba?

"Oh bat di ka makapagsalita? Napahiya ka ba? Kawawa ka naman kasi, kunwaring niligawan tapos ikakasal sa iba." Tumawa nanaman sya.

"Hindi ako naniniwala." Mahinang sabi ko.

"Why don't you ask Ion? For sure kaya hindi ka nya kasama ngayon kasi para makapag-move on ka na hanggat maaga. Hmm, ano kaya magandang gown para sa kasal namin?" Nilagay nya ang index finger nya sa sentido nya saka umarteng nag-iisip.

My fist clenched. Naiinis na ko sa kanya.

"Basta Vice, invited ka ha para makita mo kung paano kami magpalitan ng wedding vows tapos yung pagsusuot ng singsing tapos yung ki--" hindi ko na sya pinatapos at sinampal ko sya.

Nalaglag ang panga nya sa ginawa ko. Pati ako ay nagulat sa pagsampal ko sa kanya.

"S-sorry.." sabi ko sa kanya.

"What the fvck?! Sorry? Sisiguraduhin kong malalaman to ni Daddy at pati ng daddy ni Ion!" Inis itong umalis.

Naiiyak ako. Naguguluhan. Pumunta ako sa canteen at buti naman nandito si Kent at Louie. Tumabi ako kay Kent at dumukdok dahil tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko.

"Oh bestfriend anong nangyari?" Tanong ni Kent.

"Sabihin nyo nga sakin t-totoo ba?" Nag-angat ako ng tingin sa kanila, hindi pa rin tumitigil ang luha ko sa pagbagsak.

"Ang alin? Bat ka ba umiiyak?" Tanong ni Louie.

"Ikakasal ba si Ion at Angel?" Tanong ko.

Nagulat naman sila sa sinabi ko.

"Anong ikakasal Vice? Sino nagsabi sayo?" Ani Kent.

"Si Angel, sabi pa nya kaya wala ngayon si Ion kasi para makapag move on nako hanggat maaga." Sabi ko.

"Niloloko ka lang nun! Saka diba sinundo ka pa ni Ion kanina?" Sabi ni Louie.

"Wag ka na ngang umiyak may pinuntahan lang yung si Ion." Sabi naman ni Kent.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. "Kent, Louie, nasampal ko si Angel ee."

"Whoa! Totoo?" Nanlaki ang mata ni Louie at parang masaya pa.

Until You Fall Inlove  (Viceion) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon