Ice Water

595 31 2
                                    

14.

Vice's POV
Lunch break na, pupunta muna ako sa office ni Miss Domingo para isubmit yung kulang kong requirements.

"Vice, lika canteen?" Aya sakin ni Ion, napansin ko yung bracelet na regalo ko, suot na nya hihi.

"Mauna na kayo, pupunta pako kay Miss Domingo, ipapasa ko to ee." Sabi ko sabay pakita sa kanya ng dala kong folder.

Tumango ito. "Sige, intayin ka namin dun ah."

Tumango din ako bago lumakad papunta sa office nya kaya naman lumakad na din ito papunta sa canteen.

Pagkadating ko dun ay wala si Miss Domingo kaya naman iniwan ko nalang sa table nya. Saka ako lumabas.

"VICE! SUMUNOD KA SAKIN!" Galit na sabi ni Angel saka naglakad.

Sa takot ko ay wala akong ibang ginawa kundi sumunod sa kanya.

Tumigil syang maglakad nang nasa backyard na kami ng school, walang tao kundi kami lang!

"A-angel ano nanaman ba to?" Tanong ko.

"Alam mo bang nagawa pang ipost ni Ion yung cheap na regalo mo sa kanya? Tapos suot nya pa yun ngayon!" Sigaw nya, ngayon napapalibutan na kami ng mga kaibigan nya. "Tapos yung sakin ni hindi nya manlang tinanggap!"

Nagulat ako sa sinabi nya, bakit hindi tinanggap ni Ion yung regalo nya?

"Kung gusto mo pwede ko naman yun iabot sa kanya ee para tanggapin nya." Sabi ko.

"Ayan pa yung isa! Sobrang close mo na sa kanya at hindi ko alam kung pano yun nangyari!" Sa pagkakataong to lumapit na sya sakin at isang malakas na sampal ang iginawad nya sa akin, feeling ko ang pula na ng pisngi ko ngayon.

"W-wala naman akong ginagawang masama ee." Muli nanamang tumulo yung luha ko.

May inabot naman sa kanya yung isa nyang kasama tapos sarkastikong nakangiti sakin.

"May nalamang ako tungkol sayo... mabilis ka daw ginawin?" Pagkasabi nya nun ay ngumiti din sya sakin habang nakataas ang isang kilay nya.

Wait... wag mo sabihing bubuhusan naman nila ako dito ng malamig ng tubig? Omyy!

"Vice? You want cold water?" Mas lalo akong kinabahan sa sinabi nya.

Kumuha sya ng isang tabong tubig mula dun sa timba, punong puno to ng yelo.

"Eto, para sayo!" Sinigawan nya ko sabay ng pagbuhos sakin ng tubig na yun. Sobrang lamig, hindi ko to kakayanin.

"A-angel ta-tama na, h-hindi ko kaya y-yung sobrang la-lamig." Sabi ko habang umiiyak at niyayakap ko na ang sarili ko.

"Anong tama na? Bagay lang sayo yan!" Pagkatapos nya sabihin yun ay hindi ko na nabilang kung ilang buhos ang ginawa nya sakin!

Napaupo na ko at nangangatal na dahil sa sobrang lamig, ayoko na, napakalamig!

"HANGGANG NGAYON BA HINDI PA RIN KAYO TUMITIGIL?!" yung boses na yun...

"I-ion? A-anong gi-ginagawa m-mo dito?" Nabitawan ni Angel yung tabo na hawak nya at humarap kay Ion.

"Alam mo napalampas ko pa yung ginawa mo kay Vice sa coffee shop ee, pero hanggang dito ba naman Angel?" Galit na saad nya saka lumapit sa akin at niyakap ako.

"Ion? Ano bang ginagawa mo dya---- VICE?" Tumakbo agad papunta samin si Kent at Louie.

"Anong nangyari sayo Vice?" Nag-aalalang tanong ni Louie.

"Ikaw anong ginawa mo?!" Nagtaas na ng boses si Kent at lumapit kay Angel.

"Ayos ka na ba? Anong magagawa ko Vice?" Tanong ni Ion habang niyayakap pa din ako.

Until You Fall Inlove  (Viceion) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon