Revelation

587 30 4
                                    



55.

Papsi's POV
Buong linggong bumagabag sakin ang mga sinabi ng daddy ni Ion. Eto na siguro yung panahon para malaman nilang lahat, lalong lalo na ni Vice sa totoo.

Natakot man ako nung una, handa na ako ngayon. Mahal na mahal ko ang anak ko kaya ayoko syang malayo sakin pero hindi naman pwedeng manatili nalang na sikreto ang lahat, lalo na't parte ito ng pagkatao nya.

Linggo ngayon at wala akong trabaho, si Vice ay nasa bahay at iniwan ko sya, sinabi kong may pupuntahan lang ako saglit. Buong linggo nya din sakin tinanong kung ano ang kailangan nyang malaman pero hindi ko pa pwedeng sabihin sa kanya.

Sumakay ako sa tricycle at madaling natunton kung saang subdivision ang bahay nila. Pagdating ko dun ay nag-text ako sa kanyang nandun na ako sa labas, ilang sandali lang ay bumukas na ang gate at may isang katulong na nag-assist sakin papasok sa loob.

Pagkapasok namin sa loob ay sya agad ang nakita ko. Nakita kong nanggilid agad ang luha nya at ang gulat nya ay parang nakakita ng multo.

"I-ikaw nga.." nanginginig na saad nito. "Buhay kayo?"

Pagkasabi nya nun ay na-guilty agad ako. Nung umalis kami sa Cavite sa lumang bahay na nasunog ay pinakiusapan namin ang mga kapitbahay na pag hinanap nya kami ay sabihing kasama kami sa nasunog at walang nakaligtas. Dahil na rin siguro sa galit namin ni Rey sa kanya nung iniwan nya si Vice nung bata pa lamang.

"Oo." Sabi ko.

Umiling ito at tumulo na ang luha.

"P-paano? Sinabi ng mga kapitbahay ay wala ni isa sa inyo ang nakaligtas. Hindi ko mabilang kung ilang buwan akong nagluluksa sa pagkawala nyo lalo na ng anak ko." Natigilan sya at napuno ng pag-asa ang mga mata. "Ang anak ko... buhay sya"

Napalunok ako at tumingin ng deretso sa mga mata nya. Eto na ang tamang panahon.

"Oo."

Pagkasabi ko nun ay syang pagtulo ng luha nya habang nakangiti.

"Hindi ako makapaniwala. Sa loob ng matagal na panahon ang akala ko'y hindi ko na sya makikita. Gustong gusto ko nang yakapin ang Jacee Marie ko." Umiiyak na sabi nito.

Pati ako ay naluluha na. Hindi pa nya nakikita si Vice pero nakikita ko nang malalayo sakin ang anak ko.

"Patawarin mo kami ni Rey, nagalit sya sayo nung iniwan mo ang anak nyo bata pa lang, pinakiusapan namin ang mga kapitbahay na sabihin yun sayo para hindi mo na mahanap kung saan kami lumipat." Sabi ko.

"Gusto ko lang na makita ngayon ang anak ko, nasaan sya? Gustong gusto ko na syang yakapin." Sabi nito.

"Mommy..." Nag-angat kami parehas ng tingin sa hagdanan, duon ay nakita kong pababa si Louie. Nagulat pa ito nang makita ako. "Oh Pap-"

Hindi na nya naituloy ang sasabihin nya at bumukas na ang pinto, nabaling dun ang tingin nya.

"Oh ayan na pala sila Vice." Nanlamig ako sa sinabi ni Louie, nandito si Vice at malalaman nya na ang totoo.

Vice's POV
Wala akong magawa sa bahay, pumunta dun si Ion at tinawagan ko naman si Kent, parang masarap ngayon mag-swimming kila Louie kaya inaya ko sila dun. Pumayag sila, maayos na nga din pala ang dalawa, bumalik na sa dati.

Pagkarating namin dun ay nakita ko si Louie kasama ang mommy nya at may isang pamilyar na pigura kahit na nakatalikod ito.

Unti unti itong humarap at nagulat nang makitang si Papa ito.

"Pa? Dito ka po pala pupunta? Ano pong ginagawa mo dito?" Tanong ko at lumapit sa kanila.

Nabaling naman ang tingin ko sa mommy ni Louie at gulat ang mga mata nitong may luha, luha na tingin ko'y kaligayahan. Bakit kaya?

Until You Fall Inlove  (Viceion) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon