Chapter One

152 56 34
                                    

Ang Bahay Ampunan.

Chapter One

Ikalimang gabi ko rito sa bahay ampunan sa Angeles. Ikalimang gabi na hindi ko kasama si Mama. Napaisip ako, ano na kaya ang ginagawa niya ngayon? Saan siya tumutuloy? Sino kasama niya? Kumain na kaya si Mama?

Ipinag-walang bahala ko ang aking mga tanong at pumirmi lamang ang utak ko nang inisip kong nasa mabuti at maayos na lagay siya ngayon at sa mga susunod na araw.

"Reinette, iha, halika. Kakain na ng hapunan." malumanay na sabi ni Ate Klare, isa sa mga lumaki dito sa ampunan. 

Tumayo ako at sumunod sakaniya. Ilang pa ako sa ibang bata dahil sa mga titig nilang masama at mapanukso. Dahil siguro sa iniwan ako ni Mama dito. Iniwan din naman sila dito diba?

Nakita ko pang nagbulungan ang grupo nila Mitzy at Amy bago ko sila tuluyang malagpasan. Pasimple ko silang inirapan at hindi sila pinakealaman sa kung ano man ang pinag-usapan nila tungkol sakin.

Nang makarating kami sa central room ay naroon na ang ibang bata at nakahanda na ang mga pagkain. Lumapit ako sa mga kaibigan ko at sakanila tumabi. Maya-maya ay dumating sina Amy para kumain na din.

"Oy, Cristoff! Mamaya na 'yang juice at kumain ka muna! Mabubusog ka agad niyan pag ininom mo yan." suway ni Mitzy. Kaya lang naman niya sinuway si Cristoff kasi crush niya yan. Sus, papansin.

Pasimple akong uminom ng juice sa baso ko at nakita ata iyon ni Cristoff kaya naman tinuro niya agad ako. Nginitian ko na lamang siya. Pake ba nila?

"Eh bakit si Reinette, pwede? Ibig sabihin pwede din ako!" sabay kuha niya sa kaniyang baso na may juice.

Tinignan ako ng masama ni Mitzy. Tinaasan ko lamang siya ng kilay at nagsimulang kumain.

Ilang linggo ang nakalipas, ganun lamang ang scenario. Paulit-ulit pero masaya naman. Sa tulong ng mga kasama naming nakakatanda ay may natututunan kami at nakakapaglaro ng malaya. Sa gawing ito, hindi masyado dumadaan sa isip ko ang mga tanong tungkol sa aking ina. Wala pa siyang paramdam ni isa.

Alam kong ngayon ang ika-walong kaarawan ko. Ang tanging hiling ko lang ngayon ay makasama si Mama.

"Reinette, pwede ka ba namin makausap ni Sister Kim?" 

Tinignan ko ang nagsalita at nakitang si Ate Klare iyon. Marahan akong tumango at lumapit papunta sakaniya.

"Ano po ba pag-uusapan natin, Ate?"

Bumuntong hininga siya bago sumagot. "Tungkol sa mama mo, Nette."

Agad akong dinapuan ng takot at kaba sa hindi malamang dahilan. Nakita ata ni Ate Klare ang reaksiyon ko kaya naman lumuhod siya sa harapan ko at hinarap ako.

"'Wag ka mag-alala, walang masamang nangyari sakaniya. Sadyang ito lamang ang tamang araw para sabihin sayo ang dahilan ng pagtira mo dito." malungkot siyang ngumiti.

Ngumiti din ako sakaniya pabalik nang nawala ang maling pakiramdam ko. Dumiretso kami sa office ni Sister Kim at nang makita kami ay agad siyang tumayo para asikasuhin ako.

"Upo kayo," binalingan niya ako ng tingin. "Reinette, iha, napakabuti mong bata, sa loob ng ilang linggo mong pananatili dito ay hindi ka naging pasimuno ng away o nasali man lamang sa mga gulo ng bata." May inilabas na papel si Sister Kim. Nilapag niya iyon sa harap ko at itinuro. Taka ko siyang tinignan. 

Bow Down, Master (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon