Chapter Three

116 50 29
                                    

Gang.


Chapter Three



Habang naglalakad si Reinette sa likod ni Kaizer, hawak niya sa bulsa niya ang pepper spray at kinakapa naman niya ang pocket knife niya sa secret pocket ng bag niya. In case lang na may gawing kalokohan ang isang 'to, kakakilala palang nila.

"Malapit na tayo, wag ka mag-alala, hindi mo magagamit yang pocket knife at pepper spray mo sa akin." may bahid ng panunutya ang tono niya.

Tangina this guy. How did he know na may hawak akong ganun? 

"Malalaman mo kung bakit pag nakarating na tayo sa destinasyon natin." sagot uli nya.

Is he a mind reader?

"Saan ba kasi tayo—," bago ko pa matapos ang tanong ko ay huminto na siya.


Nasa harap kami ng isang mansyon, hindi ito gaano kahalata sa dilim dahil sa itsura nito pero dahil nakabukas ang apat na lamp post sa gilid ng entrance ay naaninag ko ang istruktura nito. It's a dark colored mansion, with heavy security. Napansin kong may daanan papuntang main door ng mansiyon galing sa gate. 

"We're here." aniya. Inilagay niya ang hinlalaki niya sa isang box, I think it's a fingerprint scan para makapasok ka sa gate. This mansion is not just a normal one. This is built with high technology things in it.

"Anong meron dito? Why is this place so secured?" tanong ko. Hindi ko na maiwasan dahil sa matinding pagtataka. Sino ba sila? Anong kailangan nila sakin? Paano nila ako matutulungan?

Dinedma lang niya ang tanong ko at naglakad.


Nagdire-diretso lang kami ni Kaizer, madilim ang dinaanan namin kaya tumindi ang kapit ko sa aking pepper spray at pocket knife. Pagkarating namin sa may malaking entrance ng mansiyon ay may nilagay siyang code at automatic itong bumukas.

"Welcome to the headquarters of The Ferox of Fire. Come inside and be our guest." sabi ng babaeng bumungad sa amin matapos bumukas ang pintuan. Kasama niya ang iilan pa. Siguro mga kasamahan nila.

But wait, what's The Ferox of Fire?


Sa loob nito ay dark parin ang theme, more on black, silver, gold and dirty white ang mga nakita kong kulay. Halata sa mga gamit nito ay mamahalin. Headquarters? Does that mean... kung sila lang ang mga nakatira dito, mayaman silang lahat? Eh puro kasing edad ko lang ang karamihan sakanila! Yung iba nga mas bata pa sa akin eh.

"Uh... Thanks. But may I ask why did you bring me here, Mr. Truffore?" tanong ko kay Kaizer.

Umismid ang babaeng kulay abo ang buhok.

"You finally got her, huh, Kaizer? Good job." sabi pa nito.

"Cut the fucking crap, tell me what the hell am I doing here?" nag-uumpisa nang maubos ang pasensiya ko.

"Let's go inside for the talk." ani ng isang baritonong boses. 


Naglakad na kami ni Kaizer papasok. Namamangha parin ako sa eleganteng ganda ng interior ng bahay. Pero isinantabi ko muna iyon dahil nasa seryosong sitwasyon ako ngayon. Tumigil ang lahat sa tapat ng isang malaking metal door. 

Iniscan nito ang lahat ng tao sa tapat nito. Is this some kind of boobie trap? Kapag hindi narecorgnize ay papatayin ng scanner? Lol. I should've thought of that.

Bow Down, Master (Book One)Where stories live. Discover now