Chapter Seventeen

26 2 0
                                    

Assume


Chapter Seventeen



Time always fly fast. It's been two weeks since Phoenix asked me to be his friend. His actions are confusing me pero hindi ko pinahahalata lalo na sa mga kaibigan ko. Pinakiusapan ko pa si Addison at Vixen to keep their mouth shut and never tell anyone what Phoenix did.

After nung chaotic day na 'yun, he never tried to bother me again to be his friend. Wala, back to normal ulit. As if nothing happened. As if hindi siya nagnakaw ng halik sa akin. Psh.

Sino ba naman kasi mag-aattempt ulit kulitin ka if nareject ka na? And mabuti na 'yun, nagbackfire sa kaniya ginawa niya. Lakas ng mukha kasi eh, hmp.


"Reinette," bulong ni Addison sa akin. Kasalukuyan kaming naglalakad papuntang cafeteria dahil half day lang ngayon.

"Oh?" sagot ko.

"Sinusundan ka ulit." pasimple siyang ngumuso sa likod namin. Bahagya kong itinagilid ang ulo ko at pasimpleng tinignan ang nasa likod namin. Hay nako! Bakit sumusunod nanaman 'to?!


Right, hindi ko nabanggit kanina. Phoenix never attempted again to make me his friend, instead he would always stalk me. Straight two weeks, oo, lagi siyang nakasunod. Maski anino ko sinusundan ata nito.

Hindi ko siya kinompronta about it, bahala na siya sa buhay niya basta I already made myself clear that "No".

"Hayaan mo siya, gusto niya 'yan eh. As long as he's not bothering me, then I think it's fine." I answered. Addison just shrugged and continued walking.


Nakarating na kami sa cafeteria at agad naming nakita sina Percy. As always, kami nalang hinihintay. The good thing in our schedule is sabay-sabay kaming nakakapagbreak time, kung may masasagasaan man na subject, it could be one of their additional subjects.

Kami namang mga taga-Business Management at Business Administration, wala na kaming susunod na klase kaya naman napagdesisyunan namin na after break, pupunta kami sa headquarters. Well, except for Percy and Abcde.

"Uy, nagtext sa akin si Dovalier kanina, may gang fight daw sa Miyerkules, meeting mamaya." sabi ni Kaizer pagka-upo namin.

"Oh? Tagal na ding hindi nagkaka-gang fight since nagpasukan ah? Ayos 'yan." sagot naman ni Vixen.


"Sakto pala plano namin mamaya, pagka-uwian kasi didiretso kaming headquarters." sabi ko.

"Huh? Bakit?" Kaizer asked.

"Tambay, nakakamiss eh." pagsagot ko nang bigla akong siniko ni Addison. 

Tinignan ko lang siya ng what-look, pinanlakihan niya ako ng mata at itinuro niya ang direksyon ni Phoenix gamit mata niya. Fuck, malapit lang pala siya sa table namin. I'm sure he heard what I said.


Tumango lang si Kaizer sa sagot ko habang ako, nanahimik nalang ako. Hindi ko alam kung bakit, wala namang mangyayari kung marinig niya plans ng gang namin. He is the Master, he can't interfere with the decisions na ginagawa ng officials ng gang.

Hanggang sa natapos na ang break, pumunta na sila Kaizer at Abcde sa klase nila habang kaming mga natira ay nag-aayos nalang ng gamit. Napansin kong hindi nagpapansinan si Abcde at Addison kaya lumapit ako sa kaniya.

Bow Down, Master (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon