Chapter Four

88 38 19
                                    

Gang fight.


Chapter Four


Nagmamadali akong umalis sa basement pagkatapos ko asikasuhin si Koline. Medyo nagtagal pa ako sa baba dahil may kinontact pa ako para i-update ang pamilya niya. 

Papunta palang ako sa living room nang salubungin ako ni Vixen. Sinabi niya sa akin na inalama niya ang ilang impormasyon tungkol sa mga babae at napag-alamang galing ang mga ito sa Black Society, isa sa mga gang na nakikipagpataasan sa gangs list.

"Kumuha ako ng sample sa kanilang mga katawan at phone system, kaya ko nalamang galing sila ng Black Society..." imporma sa akin ni Vixen.


Tinignan ko siya na may pagtataka kasi putol yung sinabi niya.

"Anong plano mo sa Black Society?" ani niya na may nais ipahiwatig.

Agad kong nakuha kung ano ang gusto niyang mangyari kaya tumango ako sakanya.

"Sugurin natin sila."


Kaya kami nandito ngayon sa meeting room dahil sa desisyon na binitawan ko para sa Black Society. Naghahanda kami ng plano at areas kung saan kami lulugar, kung paano kami aatake at ang magiging silbi nito sa gang namin.

"Dovalier, anong plano? May naisip ka na ba?" tanong ni Stellans sakaniya.

Tumango ito kaya nakinig kaming lahat.

"Pinapahack ko na ngayon kay Vixen ang security system ng headquarters nila para sigurado ang atake natin. Pag nakapunta na tayo sa mga areas na i-aassign ni Kaizer, magpapaputok ng isang beses si Addison sa bintana sa baba. Malamang maaalerto sila kaya lalabas sila. Pag nakalabas na sila sa front side ng headquarters ay tsaka papasok ang mga nasa likod at sisimulan ang atake. Hindi natin sila uubusin, magtitira tayo ng sampung katao mula sa Black Society."


Napatango kami at sumang-ayon. Humalakhak naman ng mayabang si Kaizer at Vixen. Natigilan lamang sila nang may naisip ako. 

"Ano magiging pros at cons nito sa gang natin?" tanong ko.

Napangisi si Dovalier kaya naman nagkaroon ako dito ng interes. "Ang pros nito, madadagdagan tayo at tataas ang pwesto natin, baka nga pumasok pa tayo sa top gangs eh. Ang cons? Iingay lamang ang pangalan ng ating grupo, lalo na kay Reinette dahil bago palang siya at siya ang dahilan bakit natin susugurin ang Black Society."


Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa pagbanggit sa pangalan ko. Ayoko maging center of attention, putangina.

"Edi magiging target tayo ng mga gangs?" tumango sila.


"Oo, lalo ka na." sabi ni Addison. Medyo nagka-ayos na kami dahil sa naging laban namin nung nakaraan.

Dumating si Kaizer na may dala-dalang papel. "Hoy, makinig kayong lahat." pabiro niyang tawag sa atensiyon namin, lumingon naman sila agad at ang iba ay humalakhak.


"I made your spots and areas kasi magaling ako," pagyayabang niya which made me scoff, tumawa lang naman siya sa reaksiyon ko at inilatag ang papel at isang blueprint ng bahay. "Ito ang mga assigned areas ninyo."


Tinawag niya sina Monroe at iba pang kasama sa cleaning, weapon at info group. Itinuro niya sa mga ito kung saan dapat sila pepwesto at paanong pag-atake ang pwede nilang gawin sa spot na iyon. 

Bow Down, Master (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon