Chapter Twelve

43 16 7
                                    

Classmate


Chapter Twelve



Mabilis na nakalipas ang mga oras, dumating ang araw na pabalik na kami sa Manila. Kaya naman nagdesisyon kami na magbeach hopping at mamili ng souvenirs para sa mga babalikan namin sa Manila tutal libre naman lahat ng expenses namin.

Habang namimili kami o nasa beach ay napag-uusapan namin yung nangyari nung kinidnap namin si Phoenix. Oo, Phoenix lang. Why would I call him Master? Ni hindi niya nga sinagot bakit niya kailangang i-check kami ni Addi. 

"So, he's the Master... Are we even allowed to converse about him or the incident?" Stellans asked. Since she's the brain of the group, siya yung palaging interesado kapag nababanggit ang pinaka-head ng Black Court.


"Wala namang sinabi na bawal, so I guess, it's alright." I shrugged. 

"Ang pogi pala ni Master 'no? Akala ko isang matandang walang pamilya yung naghahandle ng gang community, yun pala kasing edad lang natin. He's that good." Monroe added.

I didn't join them, kung paano nila hinangaan si Phoenix at pinuri dahil sa murang edad nito, mayroon na itong matagumpay na narating. I might eat my own words if I join them.

"Grabe, naalala ko tuloy nung annual celeb ng gang, the way he played with the gangs." Addison sighed. Yeah, that means he is that powerful.


"Rei?" tawag sa akin ni Dovalier.

"Hmmm?" 

"Was he the same person whom you had an interaction with?" he asked curiously. I was shocked for a split second, then I slowly nodded, making them gasp.

"Bakit kaya hindi ka niya pinatay noon nung nasa parking lot kayo? Diba binaril mo siya sa balikat?" they asked. 

"Who knows? He has his own reasons." I answered before walking away to buy more souvenirs .


Time passed by. Ala una na ng madaling araw, kasalukuyan kaming naghihintay para sa flight namin, ala una kinse kasi ang oras. Natulog kami kanina pagka-uwi para medyo gising kami sa flight. Kailangan namin maging alerto lalo na't pabalik na kaming Manila.

Napagkasunduan naming lahat na ang mga nangyari sa Cebu ay mananatili sa Cebu. Walang makakalabas. 


Pagkalapag ng eroplano ay dire-diretso kami sa Arrival area para maghanap ng masasakyan kasi maghihiwalay naman na kami ng mga landas. 

Nang makahanap ako ng masasakyan ay dumiretso ako sa mansiyon. Iniwan ko lang sa loob ang mga binili ko para kay Tito Justin at Tita Laurisse dahil as expected, wala sila sa mansiyon.

Sumunod na nagpunta ako ay sa condo ko. Nag-ayos muna ako at nagligpit ng mga gamit. Nagpahinga na rin. Nagyayaya si Percy mag-club sa gabi, invite ko din daw sila Kaizer. 


Lumipas ang ilang oras, papunta na ako sa pagkikitaan naming lahat. And yeah, I invited the star group. Masyadong magulo pag lahat sila ininvite ko. 

Nang makarating ako sa meeting place ay ako nalang ang hinihintay. Dala-dala ko pa yung pasalubong ko kay Percy at Abcde.

When Percy saw me, agad siyang tumakbo papunta sa akin at binungad ako ng yakap. 

"God knows how I missed you, Rei!" she exaggerated which made me laugh.


Pumasok na kami sa club at agad dumiretso sa pinareserve ni Percy na seat.

Bow Down, Master (Book One)Where stories live. Discover now