Chapter Fifteen

58 9 1
                                    

Morphine Plague


Chapter Fifteen — Phoenix's PoV



Hinatid ko si Reinette hanggang sa condo niya. She bid me a fast goodbye and walked away immediately nang hindi ako hinihintay makapagsalita... na ikaka-asar niya. 


Nang makita kong nakapasok na siya sa loob ay kaagad na akong umalis at nagmaneho pauwi sa bahay.


I kept remembering her words, her rants and expressions the whole time we're together, since the first time I laid my eyes on her way back on Cebu, doon na sumibol ang interest ko sa kaniya.


I was smirking the whole time I was driving, hindi ko alam bakit. At 'yung sinabi kong I want more than friends with her is true, not kidding. Hindi ko alam bakit, ang bilis ba? Wala akong pake. But clearly, she hates me because I rejected her as a friend.


"As if she cares if we're friends or not." I chuckled to myself.


Sa paraan ng gigil at irita niya sa akin, pakiramdam ko ay hindi na maalis sa sistema niya ang pagtanggi ko.


Pagkapasok ko ng aking bahay ay dumiretso agad ako sa kusina para uminom ng tubig at makapagpahinga, masyadong maraming ganap ngayon, kailangan ko lang iproseso sa utak ko ang lahat.


After that, I quickly took a shower to cool down my system. Kaso hindi ko parin maalis sa isipan ko lahat ng nirereklamo sa akin ni Reinette kanina. It was like, behind the brave tiger is a frustrated and problematic tiger.


Lalo na nung dumako ang usapan namin sa magulang niya. She was mistreated, for fucking years. Sinong matinong magulang ang gagawa nun sa anak niya? Dapat nga mas natutuwa pa sila that she is existing and fighting for her own.


Dahil sa mga nalaman ko, I felt a slight bit of anger. Galit sa mag-asawang Mordeau, kahit pa na kasamahan at kakampi ko sila sa organization, mali parin ginawa at ginagawa nila. Pasalamat sila at medyo maganda ang dulot nito kay Reinette dahil natuto siyang tumayo sa sarili niya at lumaban nang walang dinedependehan.


I quickly put my thoughts aside and finished my shower, para na rin madami pa akong magawa. May pasok pa ako bukas. Kailangan ko nang i-hiwalay ang oras ng trabaho at oras ng pag-aaral. Besides, I have men who will do the work if I'm not around.


Pagkalabas ko ay saktong nagring ang phone ko, nakita kong galing 'yon sa kaibigan ko sa BC na siyang katuwang ko sa ibang impormasyon at mga obserbasyon na isinasagawa ng Black Court.


Kumunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung bakit tatawag ito ng ganitong oras. Mag-aala una na ng madaling araw, hinayaan ko lang ang phone ko na mag-ingay. Nagbihis ako saglit at kinuha ang librong babasahin ko in case lang na may gawin bukas sa Marketing.


Pagkabalik ko ay hindi na tumatawag si Dexter kaya naman sinimulan ko nang magbasa. Akala ko ay hindi na siya ulit tatawag, akala ko lang pala 'yun. 

Bow Down, Master (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon