Chapter Twenty

20 1 0
                                    

Encounter


Chapter Twenty



Today's Friday, and Friday means gang night. Ang tagal na rin namin hindi nakakasali sa mga ganito since sobrang busy namin tungkol sa school and business problems. 

That's why we cleared our schedule today to release some steam, baka sabihin rin ng ibang gang na kung kailan naka-akyat kami sa tuktok ay tsaka kami umaatras sa mga hamon. No way in our dead bodies would back out.

Kaya naman kasalukuyan kaming nasa isang club malapit sa main building ng Black Court. Kahit pa na ipinagbabawal na lumapit kami roon lalo na kapag may gang fights. Well, hindi naman kami ang malalagot dahil ang nanghamon na gang ang pumili nitong club na 'to.


I can't blame them because despite of the crowded area, the club's space is huge. Maski ang kisame ay mataas at malawak. Kaya kahit madami mang tao, hinding hindi ka masusuffocate.

I looked around our table, some are planning the movements, some are just drinking or eating, and some went to the dance floor to enjoy the night before the main course starts. 

"Oy, 'kay ka lang?" biglaang sulpot ni Addison sa tabi ko.

She's wearing a black spaghetti top, tucked inside her branded boyfriend jeans. She's wearing the flats we bought in Cebu, and her hair is up in a ponytail. Ang ganda niya sa porma niya, hindi halatang mananapak mamaya.


"Ha? Ako? Oo naman, bakit naman hindi?" sagot ko habang nakakunot ang noo. Bigla nalang kasing susulpot sa kung saan-saan tapos ganyan itatanong. Muntik na ako mapa-irap sa naisip ko.

"I heard Morphine Plague is trying to steal our position. Mabilis ang pag-akyat nila sa tuktok kung titignan mong maigi. Nung nakaraan lang sila nagsimula pero ilang gang na ang hinamon at natalo nila." she answered worriedly.

"Baka naman binabayaran nila para magpatalo 'yung kalaban nila. Balita ko dating may posisyon sa isang department sa BC ang isa sa miyembro nila. Maybe it's the connections?" singit ni Vixen.

Humagikgik naman si Addison. May naisip sigurong kalokohan 'to.

"Baka ginawang lubid 'yung connections." she giggled. Nasapo ko na lamang ang noo ko dahil sa sama ng humor niya habang napailing naman ang iba.


"Everyone, gather around." Dovalier commanded. Dali-dali namang nagkumpulan kaming lahat, ang iba'y tinawag na para sa sasabihin ni Dovalier dahil mukhang seryoso't importante ito.

Nang makumpleto ay may itinuro siya sa taas gamit ang kaniyang hintuturo kung saan may isang bakanteng kwarto. Is this one of his emergency meetings?

Agad naman naming nakuha ang pinaparating niya kaya agad na rin kaming tumayo at lumipat sa kwarto na 'yon. Tama lang ang laki nito at ang privacy namin ay paniguradong secured dahil may bouncers na nakabantay sa labas.


Hindi na niya hinintay na makaupo ang lahat, kaagad na siyang nagsimula. 

"Since some of you are talking about Morphine Plague earlier, we should discuss it right now. Ngayon nalang din tayo nakapagkita-kita at unang beses na nakumpleto matapos ang mga gawain natin." Dovalier talked. 

Tumango ang iba at ipinahayag na ang ilang nalalaman nila tungkol sa grupo. I'm not really attentive about their statements, masyadong nababagabag ang isip ko na kaya nag-aangas 'tong kabilang gang ay dahil may koneksyon sila sa taas.

Bow Down, Master (Book One)Where stories live. Discover now