Chapter Nine

53 21 6
                                    

Vacation


Chapter Nine




Dumating na yung sasakyan namin para makapunta sa isla ng Bantayan. We were the first ones to get in since yung treatment sa amin is more like as a VIP treatment.

Sunod sa amin ay yung grupo ng lalaki kung nasaan yung may emerald eyes na nakatitigan ko kanina. I felt something strange about them but I shrugged it off and just decided to enjoy the vacation.

Nang makarating na kami sa Santa Fe Port ay kami rin ang pinaunang makalabas, kasabay ang grupo ng lalaki kanina. Sa sobrang kyuryusidad ko ay tinanong ko na si Vixen tungkol dito.


"Hey, Vixen," binunggo ko siya sa balikat para makuha ang atensiyon niya.

"Oh? Problema mo? Nagsa-sight seeing ako ng mga sexy ladies dito oh," halakhak niya. Ngumiwi lang ako sa sinabi niya.

"Kanina ko pa napapansin yang grupo ng mga lalaki na yan e. Bakit palagi silang kasunod sa atin or kapareho ng treatment?" tanong ko sakaniya. Napatingin naman siya dun sa grupo ng mga nakaitim na lalaki at bahagyang sumeryoso.

"Ako din eh, may kutob ako sa mga iyan. Pero hanggang sa hindi naman sila gumagawa ng galaw o masama sa kahit sino lalo na sa atin, hindi dapat natin sila akusahan ng masama." 


Oh? So, hindi lang pala ako ang nag-oobserba at nagmamatyag sa grupong iyon. Nagkatinginan kami ni Vixen na para bang sa mata niya tinatry makipag-usap sa akin. 

"Hoy! Ano yang titigan na yan? Mamaya magka-developan ha!" halakhak ng isa naming kasama. 

Tinignan ko iyon ng masama at agad siyang nagtaas ng kamay na para bang suko agad.

"Tara na, para makapag-ayos at makapagpahinga na tayo," pagyayaya ni Dovalier. Sinenyasan ko nalang sila na sumunod sa ibang tao sa hintayan dahil may tatlong van doon na naghihintay sa amin. 


Pagsakay namin sa van ay agad kaming umalis dahil 5 minutes lang naman ang itatagal nito. Nang makadating na kami at nakapasok na sa resort ay agad kaming iginiya ng isang staff kung saan ang rooms nila at isang reserved beach house para sa amin.

Magkahiwalay ang room namin sa boys, bale dalawang deluxe rooms ang tutuluyan namin ngayon. 

"Dito rin ba natin itatago ang mga weapon o sa beach house?" tanong ni Mika, isa sa mga member ng cleaning group.

"Ewan ko, kakausapin namin si Dovalier." sagot ni Addison. Nilingon ako ni Addison at sumenyas na sumama sa kaniya.


Iniwan namin ang ibang babaeng kasamahan na nag-aayos na at nag-aassign ng mga pepwestuhan, hindi muna nila ginalaw ang mga dala naming armas para makasigurado pag nakapagbigay na ng utos si Dovalier.

"Pagkatapos natin mag-ayos, kumain muna tayo, gutom na ako e," sabi ni Addison.

"Ang sabihin mo, gusto mo lang manghunting ng pogi," halakhak ko.

Tumawa kami hanggang sa nakarating kami sa kabilang deluxe room. Dadaan pa kasi kami sa buhangin para makarating sa kabila.

Kakatok palang sana ako nang bumukas na ang pinto nila.

"Oh, anong kailangan niyo?" bungad ni Lucas sa amin, nagtama ang tingin namin at kinindatan niya ako. I only gave him a glare pero hindi ito natinag.

Bow Down, Master (Book One)Where stories live. Discover now