Chapter Fourteen

53 12 2
                                    

Drunk


Chapter Fourteen



Matapos ang orientation ay nagyaya sila na pumuntang club, just to celebrate the first day of college. Ewan ko ba kung anong trip ng mga 'to, alam naman nilang may pasok bukas!

"Hoy! Sure ba kayo sa gusto niyo? May pasok pa tayo bukas!" angal ko. Sinamaan tuloy ako ni Addison ng tingin.

"He, manahimik ka diyan, Wakanda." sabi niya kaya naman tumawa sila na siyang nakapukaw sa atensiyon ng ilang dumadaan.

"He, puta, manahimik ka. Bwiset." sabi ko at humalukipkip. Naalala ko nanaman tuloy pagtanggi sakin ni Phoenix. Psh, makikipag-kaibigan lang eh. Wag na wag na siyang lalapit sa akin, hindi pala kaibigan eh. Punyeta siya.


Nang humupa 'yung tawa nila, tsaka lang nila tinawagan si Dovalier at Stellans. 

"Oh? Tapos na ba kayo? Oo! Punta kayong Envy Nightclub, celeb daw ng first day of college. Ha? Kami-kami lang, sunod nalang kayo? Bilisan niyo ha! May papanuod kami sainyo, hahahaha! Sige, ingat!" 'Yan lamang ang mga sinabi at sinagot ni Kaizer kay Stellans.

Magkasama daw pala si Stellans at Dovalier ng course kaya madali lang nila napagsabihan ang dalawa. 

Pagkababa ni Kaizer ng tawag ay agad kaming umalis papuntang Envy. Hindi naman ito ganun kalayo kaya hindi kami natagalan na makarating dito. 


Pagkarating namin ng entrance ay siyang pagbaba nila Stellans at Dovalier sa isang kotse. 

"Biglaan naman kayo magyaya! Napa-grab tuloy kami!" bungad ni Stellans sa amin, natawa nalang sila at nagkibit balikat. Ako? Wala talaga ako sa mood maki-halubilo sa kanila eh.

"Uy, tara hanap na tayo ng spot tapos panuorin niyo na video ni Rei kanina sa audi." pa-alala ni Kaizer, parang timang din 'to e, 'no? Pinapaalala pa bakit nag-exist 'yung video na 'yun. Epal na Phoenix 'yon.


Pumasok na kami ng Envy at agad nakahanap ng table. Addison offered to order the drinks while Kaizer show them my video. Oo, them. Pinapanuod nanaman nilang lahat, para bang hindi nila nakita 'yung mismong eksena.

Pagkatapos ng video ay nagtawanan sila, ang lalakas pa naman tumawa. Kung gaano kalakas manuntok, ganun din kalakas tumawa. Napapatingin tuloy ang ibang tao na nandoon sa amin. Medyo malayo kami sa dance floor, magugulo lang kami lalo pag nagkataon.

Addison came back with Smirnoff, Jack Daniel's, Jose Cuervo and Bacardi, with a side snack, bundle of quesadillas, nachos, dynamites and chicken wings.

"You're a beast, Addi! May pasok pa tayo bukas, uhaw na uhaw ka ba?! May tubig naman diyan ah!" Stellans screamed in fear of hangover, while the boys cheered. Basta pag dating sa mga ganto, diyan kayo magagaling.


Addison shrugged and opened the bottles. I took a piece of the dynamite kaso ang anghang, wala namang tubig na inorder 'tong si Addison kaya I have no choice but to snatch the bottle and the shot glass from her. 

Tinignan ko kung anong bote ang hawak ko, Jack Daniel's. Okay lang 'yan, I need to chug this piece down. 

I poured a great amount of Jack Daniel's into the shot glass, buti nalang bumili ako ng Mismo kanina nung papunta kami dito. I poured it in the glass as well before drinking it straight. Nang ilapag ko na ang shot glass ay tinignan ko sila. Nakatingin sila sakin na para bang gulat sa ginawa ko.

Bow Down, Master (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon