Chapter Eleven

65 18 7
                                    

Phoenix Lamoire.

Chapter Eleven



Kinabukasan ay agad kaming bumalik sa beach house sa Anika Island Resort. Bumalik kami doon dahil karamihan ng gamit namin ay naroon, kasama ang ilang dokyumento at mga armas.

Habang nagsasagawa ng konkretong plano ay inisip ko kung maaari bang isa sa mga taga-bantay namin yung nanloob sa amin kagabi. I went out to calm my mind for a bit. Masyado kasing madaming nangyari sa bakasyon na 'to. Heck, we couldn't even relax fully in a day without gettin in trouble.

Pumwesto ako sa sun loungers sa tapat ng beach house namin, giving me a full landscape of the crystal clear sea. Good thing it calmed me down, lalo na't mahangin dahil umaga pa lang. How I wish na sana ganito nalang lagi kong datnan pagka-umaga.


I was busy admiring the view when I saw a familiar structure just a few meters away. It was the green-eyed guy from the group. Naka-trunks at shirt lang ito. And the guy he's talking to, I think it's his brother or what? Magkamukha sila eh.

May nakita akong binocular sa kabilang lounger kaya kinuha ko 'yun at pasimple ko silang tinignan nang mas maigi gamit ang binocular.

Muntik ko pang mabitawan yung binocular at mahulog sa buhangin nung nakita ko nang malinaw kung sino 'yung kausap nung lalaking 'yon.

If I described him as he's something every female would drool of, then the guy in front of him, it seems like every word is an understatement. They have alike features, but the only difference is this guy's features are more striking. And his eyes are emerald, too. Even emphasized than the first guy, if that's possible.

Hindi ko alam bakit ganito pero sa pagkaka-alala ko, yung lalaking nakatitigan ko nun sa port 'yung hinihinala kong bumaril sa akin sa parking lot kaya ganun nalang pakiramdam ko sa kaniya. Then, this guy came here. I wonder what's his intention to follow his brother here.


Mabilis ko ding binaba at iniwan ang pwesto ko nung nakita kong nagawi yung tingin nung lalaking bagong dating sa direksyon ko, I entered the beach house while blushing hard. Tipong tinanong nila ako kung ano nangyari at pulang-pula ako.

"Masyado lang ako nainitan," I chuckled awkwardly. Buti nalang naniwala sila.

Papanhik na sana ako nang magpatawag ng urgent meeting si Dovalier dahil may nakarating na balita sa kaniya.

And here we are, gathered inside the dining room, with Vixen's laptop and papers with some notes and scratches of a profile in it.


"I called in for a meeting due to a news that I've heard. Naglalakad ako papuntang restaurant nang makita ko yung dalawang member ng grupong pinasunod ng Black Court para sa atin, they looked like they're discussing something serious kaya naman nagtago ako. Baka kasi pag dumaan ako tapos marinig ko, malagot pa ako, hindi naman ako ready that time," Dovalier started.

"So, I hid. But, they changed their places and moved unintentionally closer to my spot. Making me hear their conversation. Ayon sa kanila, may sumunod daw na miyembro ng BC dito dahil sa nangyari kay Lucas at Reinette, pero kaninang madaling araw lang daw nagpakita, usap-usapan pa nila na kapatid daw ito nung isa nilang kasamahan..." He added.

Kinuha niya ang isang sketch sa lamesa, nakaguhit dito ang itsura nung lalaking kaninang nakita ko, yung bagong dating na may emerald eyes din. Napakunot tuloy ang noo ko, unti-unti ko nang nahuhulaan kung saan patungo itong plano na 'to.

"This guy, siya ang bagong mukha galing BC dito sa Bantayan, and we need to know who sneaked in last night and its intentions. Dahil isa raw siya sa mga may matataas na katungkulan sa BC, there's a big possibility that he knows the reason why they hacked into our system..." Pagpapaliwanag ni Dovalier, ang mga kasamahan namin ay tango lang ng tango habang seryosong pinoproseso ang mga detalyeng ito.

Bow Down, Master (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon