3

261 44 10
                                    

Brandon's POV

Matapos ang isang nakakabugnot kong umaga ay hindi ko na kayang manatili pa sa kompanya. Kaya upang maiwasan na madagdagan pa ang mga masisisante ko ay umalis na lamang ako.



Sa tingin ko rin ay tamang tama ang pagkakataon ng kanyang kaibigan para imbitahan ako sa club, kaya umu-oo na lamang ako nang sa gayong paraan ay  matanggal kahit papaano ang kanyang pagkastress sa buhay.





Nanatili lamang ako sa buong maghapon sa aking bahay sa Forbes Park Subdivision. Walang abala sa akin roon,dahil ako lang naman mag-isa ang naninirahan sa bahay.




At nang dumating ang 7pm ay agad naman akong naligo. Pagkalabas ko ay quarter to 8pm na.





Kaya nagtungo na ako sa walk in closet, kumuha ng isang simpleng navy blue polo shirt na papatungan ko na lamang ng black leather jacket mamaya, ripped jeans naman ang pambaba ko at kumuha na lamang ng white rubber shoes.






Nilagay ko rin ang relo at tumingin sa salamin upang ayusin ang aking buhok, hinawi hawi ko lamang  ito ng bahagya.








Hindi ko naman nakasanayang galawin ang mukha, dahil alam kong sa sarili  na gwapo na ako. No need to mention it.







Bago umalis sa kwarto ay nagispray muna ako ng aking pabango at kinuha na ang cellphone at susi ng kotse.







Agad na akong bumaba matapos makitang, 8:30pm na pala. Nagpunta na ako sa garahe at sumakay sa aking blue ferrari na pinaandar na rin  pagkasakay.






Saktong 9:05pm ng makarating ako sa tagpuan nila ng kaibigan na si Garret- Chimace Club. Papasok pa lamang ako sa bar ay may mga bumubungad na agad sa aking mga babae, na hindi ko naman  pinapansin ang mga ito bagkus tuloy tuloy lang ako sa pagpasok.







Hanggang sa tinext ko na lang  si Garret kung nasaan ito.





Pero natanaw ko na rin sa may sulok ng bar ang isang couch kung saan napapalibutan ang kanyang kaibigan ng mga babae. Kaya naglakad ako patungo rito.





Napalingon sa akin ang kaibigan ng tumayo ako malapit sa table nito.






"Oh girls? Do you want to meet my very hot and handsome friend,Brandon Ferrer?", sabi ni Garret.






Nabigla naman ako nang ang isa sa mga babae nito ay humawak sa aking braso na agad ko namang pinalis.






"F*ck, don't you ever touch me. Get lost of my sight now!!", galaitin kong sigaw dito.






Kaya umalis ang babae at umirap pa sa akin.






"Chill, Bro! She's just wanna to taste you", humagalpak pa ang kaibigan kong siraulo.





"Well, i don't have time to do so, that fucking thing!", at umupo na ako.




Nagsalin ako sa baso ng scotch. Tinungga ko ito at naramdaman ko agad sa aking lalamunan ang nakakapasong pagguhit ng ininom.






Muli akong kumuha at tumingin sa dancefloor ng club, pero may nakita akong mukha ng babae na pamilyar sa akin.




Hindi ko malaman kung imahinasyon ko lamang ito pero sigurado naman akong totoo ang nakikita ko.




"Moi".





Nag-atubiling tumayo na ako, kahit pa tinatawag ako ng aking kaibigan.




"Pstt!! Brandon, where are you going?", sigaw ni Garret.





Pero patuloy ako sa pagpunta sa dancefloor.







Medyo malapit na ako sa kinaroroonan ng babaeng nagsasayaw na pamilyar ang mukha sa akin ng bigla ko namang nakita na may lumapit na lalaki dito at humawak pa sa baywang ng babae.






Hinila pa nito ang babae paalis sa kinapupwestuhan na sinundan ko naman.






Namataan kong nagpupumiglas ang babae sa pagkakahawak ng lalaki kaya agad akong lumapit at tinabig ang lalaki palayo sa binibini.






"What the hell is your problem, bro?",sabi ng lalaking tinabig ko.




Pero nakatingin lamang ako sa babae na pakapit kapit sa pader, animo'y nahihilo. Hindi ko pa rin makita ang mukha nito,dahil natatakpan ng buhok nito habang nakatungo ito.




Pilit naman akonv pinapabaling ng  lalaking tinabig ko kaya upang magtigil ito.





Nilapitan ko ang babae. "She's my girfriend! So goddamn stay from us", habang sapo pa ito..





Dahan dahan kong inalalayan sa baywang ang babae at hinawi ang mga buhok nito.





"Uhmmm... Uhmmm", halinghing ng hawak ko.





Biglang napaawang ang aking bibig ng makilala ang babae, si Moira ito. Tinititigan kong muli, kasabay ng pagdilat ng mga mata ng babae, sinapo nito ang akinv mukha at bigla na lamang pumikit.







Hindi ko malaman kung anong emosyon ang mararamdaman matapos muli kong makita ang babaeng halos anim na taon na ko ng hinahanap at sa club ko lang pala ito matatagpuan.





"Is this real? Am i not dreaming?"






Wala choice naman ako kundi dalhin na lamang sa place ko si Moira, dahil hindi ko alam kung saan ito tumutuloy o nakatira.






Binitbit ko ng parang pabridal style si Moira, at nang mahanap ko na ang kotse ay sinakay ko agad ito sa front seat at nilagyan ng seat belt.






Napatingin pa muli ako sa mukha nito at namangha na mas lalo itong gumanda pero hindi ako magtatake advantage dahil lamang sa lasing ito. Pumunta na ako sa drivers seat at nagsimulang magmaneho na.







Habang nagmamaneho, pasulyap sulyap pa rin ako kay Moira.





"Can't believe this happening, damn".







Nang makarating na sa aking bahay ay kinuha ko na sa front seat si Moira at agad na naglakad papasok.




Umakyat at pumunta sa kwarto upang ihiga ito.





Ibinababa ko sa sariling kama at dahan dahan na hinubad ang sapatos nito pati nilagyan na ng kumot.





Bago umalis at bumaba ay hinalikan ko pa ito sa noo. I miss her.




"Sleep tight honey", bago tuluyang lumakad papunta sa pinto.

__________________________________________________________________________________hakdug.

Haunt Series 1: Grasping Claws (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon