34

55 7 0
                                    

Halos ilang oras na kaming nasa byahe, nagtataka na ako sa mga kasama ko kung totoo bang dadalhin ako nito kay Brandon. Baka scam! Kaya hindi ko na napigilan ang sarili na magduda at magtanong na kay Garret at Daxon.


"Uy, sure ba kayong wala kayong balak sa akin? Kanina pa tayo sa byahe, malayo pa ba?", wika ko.


"Wala namang alak diba? Edi wala kaming balak! Haystt, common sense naman Mrs. Ferrer", at tinapon pa  nung Garret sa akin ang isang unan."Hala, ika'y matulog na lamang, baka paggising mo madam nasa pupuntahan na tayo".



"Oo nga, mababait naman kaming tao. You know me, right? Ako yung tumulong sa iyo dati nung napagsakluban ka ng langit at lupa hahaha", sabi ni Daxon  tapos ay nakipag-apir pa kay Garret.



Natahimik na muli ako kasi parang mga baliw ang kasama ko. Akala ko pa naman matitino kaibigan ni Brandon, yun pala HINDI! Jusmiyong iyan, kaya natulog na lang muna ako.



"Pst, pst! Gising na mahal na reyna!", pagtapik pa sa akin nung Garret.


Nag-inat naman ako."Nandito na ba tayo?".


"Opo, kaya magkunwari po ulit kayong tulog. Bubuhatin namin kayo kaya wag kayong mabibigla", ani ni Daxon.



"Kailangan niyo ba talagang gawin iyon? I mean...mabigat kasi ako baka hindi niyo kayanin".



"Sus! Hindi kami naniniwala kaya huwag ka nang magpalusot dyan. Hindi naman kami manananching sa iyo, isaksak ka sa bunganga pa ni Brandon", pagbara sa akin ni Garret.



Tulad ng nasa planong binigay dun sa dalawa ay sumunod na lang ako. Feeling ko anumang oras ay mahuhulog at mababagok ang aking ulo, patiwarik ba naman akong isinampay sa balikat ni Garret. Utes na lalaki! Halos lahat ng dugo ko ay umakyat na papuntang itaas.




Hindi ko alam kung nasaan ako kasi basta iniwan na lamang ako sa isang kwarto ng parang rest house na bahay. Wala akong hint kung saan sulok ng pilipinas ako dinala.



Sumilip ako sa bintana ng kwarto at nakitang papahapon na pala. Kaya naisip kong yumupyop muna sa kama. Pero kakahiga pa lamang, ay may pumasok na isang lalaki na hindi ko kakilala. Gwapo ito at parang model, may pagkakaparehas din sa body built ni Brandon. So ano ba talaga ang pakulo ni Brandon? Medyo may kaba na akong nararamdaman.



"Wow, so ikaw pala ang tinutukoy ni Brandon na sasamahan ko", panimula nito.



"Oy sino ka? Hindi ka ba modus, ganern? Nasaan ba ang lalaking iyon, sabihin mo sa akin!", i squared my arms.



"Sorry Miss, pero hindi mo pwedeng malaman".



"E paano kung ayaw kong sumama sa iyo? May magagawa ka ba?".



Kita ko ang pagbuntong hininga ng kausap. "Meron! Edi sapilitan kitang hihigitin palabas kaya kung ako sa iyo sumama ka na lang!".



"Aba, sino ka ba sa inaakala mo? Ipapakulong kita, tamo!"



"Wala akong pake! Sige gawin mo, isa akong prosecutor!", naglakad na ito palapit sa akin at hinigit na nga ang palapulsuhan ko.


"Hoy, bitawan mo ako! Binabalaan kita, mababaog ka kapag hindi mo ginawa. Totoo yun! Mangkukulam ako!", habang tinatanggal ko ang kapit ng lalaki sa akin.


"Shit! Ano bang nagustuhan sa iyo ni Brandon? Napaka- iskandalosa mo! I never imagined na magiging parte ka ng pamilya namin!", kaya natigilan naman ako sa sinabi nito.


"Ha? Ano? Kapamilya ka ni Brandon?".


"Ay hindi, kapuso ako! Hindi ba halata sa akin Miss Scandalous? Halos magkamukha nga kami ng pinsan ko, medyo lamang lang iyon ng 3 hilod sa akin", pagmamayabang nito.



"Saang part? Di ko masight, haha! Sige, bitawan mo na ako! Susunod na lang ako sa likod mo", sarcastic kong wika.


"Ano ka anino? Saan ka ba nahagulap ng pinsan ko? Napakakaiba mo! Ewan ang kakaiba talaga ng taste sa babae", at dinuro ako nito.



"Aba wag mo akong laitin! At andami mong tanong? Nakakatamad magkwento, sa pinsan mo na lang ikaw magtanong. No need to interrogate me, Mr. Prosecutor", at nauna na akong naglakad dito palabas.



Sumakay kami sa open ranger na sasakyan. At kita ko na ang daang tinatahak namin ay papuntang burol.



"So balak mo ba akong itapon lalaki, pagkatapos ng pagsagot ko sa iyo?", tanong ko na nilingon naman ako nito.



"I have my name, it's Warren Monreal! And kahit iyon man ang gusto kong gawin sa oras na ito ay may respeto pa rin ako sa pinsan ko. Sana lang ay hindi dumating ang panahon na lalapit siya at magpapa-annulled".



"Aba ang kapal mo naman talaga! Pasalamat ka rin at pinsan ka ni Brandon kundi ay nasapak na kita".


"Really, haha? May kapatid ka pa ba?".


"Bakit mo naman natanong?".


"Wala, i just think na baka kagaya mo rin iyon, no joking around! Naaawa ako sa mga magiging asawa niyo, hahaha!".


Tumahimik na lang ako at pinabayaan na lamang mag-usap ang lalaki. Dahil nakakapagod makipagtalo at wala rin naman iyon papatunguhan pa.



Hayst, Brandon! Ano ba kasing pakulo ang gagawin mo? Andami ko nang nakakasalamuha na asungot na kumag. Masyadong pinatatagal na ikinakakaba ko lalo. Heart attack na ba, after this?

__________________________________________________________________________________hakdug.



Haunt Series 1: Grasping Claws (Completed)Where stories live. Discover now