8

126 33 1
                                    

Kindly comment lang po if ever want niyo idedicate ko sa inyo yung mga susunod na chapters soonest, hehehe.
-------------------------------------------------------------

Nakadalaw na ako sa sementeryo halos nanatili ako roon ng ilang oras. Nag-isip at humingi ng patnubay sa dalawang espesyal na tao sa aking buhay.



Wala na akong magagawa kasi nangyari na ang lahat, hindi ko na maibabalik pa ang dati. Kaya simula ngayon ay magiging mapanuri na ako sa aking mga gagawing mga desisyon.



Inayos ko ang sarili at hindi ko alam kung ito na nga ba ang huling pagkakataon na manghihina, iiyak at maaalala ko ang nakaraan namin ni Brandon.



Kasi its f*cking d*man six years ago na. There's no reason to look back again, when i have too many things to look forward.



Pinunasan ko ang mga luhang kumawala at pumikit ng ilang minuto bago pumasok sa sasakyan at binuksan ang makina tapos ay pinaandar na ito.



For her own sake, ipopokus ko na lang ang lahat ng pagmamahal sa aking sarili. Self love is important nga ikanga.




Brandon's POV

Nang makarating sa aking bahay ay nagtungo agad ako sa mini
office ko.



Curious kasi ako sa nangyari kay Moira matapos mawala ito dati.



Hinanap ko naman ito, para maipaliwanag ang lahat kasi hindi ko nga kayang mawala ito sa akin pero nagkataon lamang na may mga dumating pa na problema sa kompanya at namatay ang aking ama.




Kung alam lang ni Moira ang lahat ng pinagdaanan ko na wala akong makapitang kahit sino ng mga panahong iyon, at masakit isipin na naduwag pa ako kaya wala akong nagawa para ipaglaban ang pagmamahal ko para sa kanya. Hindi ko alam kung napagod ba ako o sumuko, pero pinagsisihan ko naman iyon.  Hinihiling ko na sana lang ngayon na mapatawad pa rin ako ni Moira.



Kaya lamang biglang nagring ang phone ko. Nakita kong si Allison ang tumatawag.



"What?"



[Can you be my date for the birthday party of my dad?]


"I don't have time and can you please stop on disturbing me since this day. We're finish!"



[Brandon, just this once, please.]




"I said no. Look for someone not me".



[Why you always ditch me? F*ck, Brandon, that girl in your past left you already and doesn't love you anymore. Stop waiting! I am here. The only one who always stay beside you, and not her. Can you just learn to love me instead?]




"Stop the crap of your drama, Allison. Don't talk to me like you never do something to make her leave. I knew it all, how pathetic you are!"




[I am, because you're ruining your life, because of that poor girl.]




" This conversation is off. Don't contact me anymore".



I ended the call at binuksan na  lang ang computer at tinignan ang mga emails ko. Nakasend na nga sa kanya ang files about kay Moira. Binasa ko ito at nalaman na:




October 16, 2014, or six years ago lumipad si Moira papuntang Italy. Tumuloy at nanirahan ito sa kanyang tita na step-sister lamang ng ina nito. Namasukang cashier sa umaga sa isang flower shop tapos ay isang waitress sa isang club sa gabi.



Matapos ang isang taon ay umalis ito sa pader ng tiyahin at naghanap ng sariling apartment, marami itong naging sideline jobs tulad ng pagiging tour guide, dishwasher sa restaurant, delivery girl at street sweeper.


Pero kasabay ng trabaho, nagawa nitong ienroll ang sarili sa isang university sa course na 'fashion designing'.


After,4 years she graduated at top of her class. Nakapagtrabaho sa isang high end na company for one year and kabilang si Moira sa assets ng kompanya pero nagresigned ito at bumalik sa pilipinas.


Kasalukuyan itong nanunuluyan sa isa sa mga condo sa Ayala, Unit 465. And she will established her own boutique sa bansa.



Napabuka ang bibig ko sa lahat ng ginawa ni Moira dati, naaawa ako at nasasaktan kasi sobrang hirap isipin na ang rason nito sa paglayo noon ay 'siya'.



Napabilib ako kasi matapang na hinarap ni Moira ang lahat with herself, at naachieve pa nito ang pangarap na maging isang fashion designer. I'm too proud of what Moira become, right now.



Kaya naman, i decided na tutulungan ito ngayon  kasi sobrang dami kong naging pagkukulang dito noon pa man.



Gusto kong makabawi kahit pa alam ko rin sa sarili na ayaw na nito ng aking eksistensya.



Samantala may nagpop-up na text message sa phone ko.



Allison Furuyama: You will regret this Brandon! I will never stop until you become mine .



"Such a psycho!", bulong ko matapos mabasa iyon.

__________________________________________________________________________________hakdug.

Haunt Series 1: Grasping Claws (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon