20

82 19 0
                                    

Nanonood ako ng tv sa salas habang hinihintay ko si Brandon, kasi nga raw ay mamamasyal sila ngayon.


"Hays, antagal naman ng lalaking iyon. Ano pa bang ginagawa nun sa banyo?", i hissed at hindi na nakatiis pa, at nagpunta na sa kwarto para silipin ang lalaki.


Dahan dahan akong pumasok sa loob nun at narinig ang talamsik ng tubig na nagmumula sa banyo.


"So, halos isang oras na siya dun and hindi pa rin siya tapos? Sabagay baka gumawa pa ng milagro iyon, mga lalaki talaga!", umiirap kong sabi.


Kaya naman dahil bored ako ay nahiga ako sa kama at kinuha na rin ang aking phone. Nagselfie siya then naisip nkong pumunta sa terrace para mas maganda ang view sa pictures.
Nanatili ako ng ilang minuto roon, at napakaraming kuha na rin ang nagawa ko sa sarili.


Kaya naman pumasok na ako ulit sa kwarto habang sinaswipe ang mga pictures sa cellphone. Subalit, nabigla ako ng bumulaga sa akin ang walang saplot na si Brandon. Kaya napatakip ako ng mga mata.


"Nubayan, ang bastos! Magbihis ka na nga, kanina pa ako naghihintay", wika ko habang nakapikit pa.


Kaya lang naramdaman ko ang mga yabag ng paglakad na papalapit sa akin. Hanggang sa nasilip ko na malapit na pala ito sa akin.



"Sorry for making you waiting dear, but I think it's worth it kasi you see again my hot body. Right, Moira?",mapang-akit nitong sabi pa.


Nanindig ang aking mga balahibo at parang nanigas ang sariling katawan.
Tuluyan na ring nakalapit sa aking mukha si Brandon habang masuyo nitong tinatanggal ang mga kamay kong nakatakip sa mata.



"Really? Is this necessary na gawin mo pa ito? Maybe, you forgot the love we shared few years ago. Well, you can ask me if you want to remember", bulong nito sa may tainga ko.


At lumayo naman ako ng bahagya paatras. " Ano ba? Napakahalay mo, sige na magbihis ka na. Iintayin na lang kita sa baba", balbal na wika ko at sabay nagwalk out.



Narinig ko namang napatawa si Brandon, pinagtitripan ba ako ng lalaking iyon?. Naramdaman ko ring pinagpawisan pala siya. Ganon ba talaga ang epekto sa akin ng lalaki?



Siguro nga, kasi sobra talaga akong nagpigil kanina, akala ko nga bibigay na ako buti na lang at hindi pa. Nauhaw tuloy ako, at dumaretso sa kusina para uminom ng tubig.



Maya maya lang ay nakababa na pala si Brandon at nakabihis lamang ito ng simpleng walking shorts at navy blue fitted shirt na may nakasabit pa na sunglass sa dibdib nito. At kamuntik ko ng mabitawan ang basong hawak, dahil napatulala na naman.



"Are you ready for our date, Moira? C'mon, let's enjoy this day together!", pag-anyaya nito.


Pero napatingin ako sa suot na damit, nakaplain white tshirt lang ako atsaka shorts.


"Wait, ok lang ba itong damit ko? Sabi mo kasi kanina, pasyal lang tapos now date na. Ayan tuloy mukha akong atsay mo kung ito ang suot ko. Oemji", pagwika ko.


At pinasadahan naman ako ng tingin nito.


"Yah, its fine and you always look pretty on every clothes you wear naman", bola naman ng lalaki kaya napairap ako.


"Sira ka! Baka mapagkamalan nga akong katulong mo. Magpapalit na muna ako", paalam ko at mabilis na tumaas.


Hinalungkat ko agad ang laman ng cabinet nila sa kwarto at walanjo puro tshirt lang ang nakikita ko.
So ang naisip ko ay kunin ang isang peach tshirt tapos ay ginupit niya iyon. Ginawa kong one shoulder strap ito and kumuha ng jeans na katerno. At iyon ang sinuot ko, pwede na siguro iyon. Mas maayos kaysa sa kanina.



Pagkababa ko ay nakatingin sa akin pala si Brandon.



"What are you wearing?", ani nito.



"Malamang damit, and ano naman kung kita balikat ko? Atsaka sabi mo nga diba date, kaya i want na maging presentable naman ako", mariin kong paliwanag.




Napatango na lamang ito. "Okay, fine", nakangiti nitong sabi.



"Goodness I think, i can kill some bastards who would stare at you", bulong nitong sabi pa.



Napatawa ako ng bahagya, kasi para itong batang nagmukmok. Hays, nabalik na naman yata ang possessive side ng lalaki. Kaya naman para makagora na rin sila ay hinigit ko ang palapulsuhan nito at kinaladkad na ito palabas ng bahay.

__________________________________________________________________________________hakdug.





Haunt Series 1: Grasping Claws (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon