14

94 25 0
                                    

Moira's POV

Mabilis na lumipas ang mga araw, at hindi ko namalayan  at sabado na pala. Nakahiga lamang ako sa sofa nang bigla kong naalala ang pagtawag kanya ni Daxon kahapon.




Inimbitahan kasi ako ng binata na dumalo sa birthday party na gaganapin mismo sa bahay nito. Nahihiya naman ako kung tatanggi, kaya pumayag na rin ako sa huli.



Sigurado akong mayayaman at mga kilalang tao ang naroroon. Hindi ko alam kung paano ako gagalaw o makikihalubilo, bukod pa roon kakikilala pa lamang nila ni Daxon, hayst! Basta, pupunta lang ako roon at konting oras lang mamalagi. Okay na naman siguro iyon.




Tumayo na ako para makapaghanda na. Medyo kailangan magmukha naman akong presentable kaya ang napili kong isuot na lamang ay ang aking black open back jumpsuit na tinernuhan ko ng classic white stilleto.



Syempre inayos ko rin ang buhok ko, kinulot ko ang ilalim nito to have soft curls, at pagkatapos ay naglagay ng light makeup.



I capture a mirror selfie and send it to our gc.



Aeya Shun: Where are you going?

Sheena Gauz: Woah! Engagement Party without inviting us, awful!

Moira Sandoval: Attending a birthday party on someone i know.

Aeya Shun: Wow! Get a man in the party. Bring home the hotdog!!



Tinignan ko pa ang sarili sa salamin at nakita namang ayos lang ang kanyang itsura. Sakto rin at pagkalingon ko sa orasan ay 7:00pm na. Pero dahil baka maligaw ako kahit 8:00pm ang party ay umalis na ako sa unit din.




Tinext naman sa kanya ni Daxon ang address,White Plains Subdivision sa Quezon, City. Alam kong mga mayayamang sadya ang mga nakatira roon, medyo nakaramdam tuloy ulit ako ng hiya parang hindi ako nababagay doon.




Inabot ng halos isang oras ang kanyang byahe at nakarating na rin ako. Nag-aalinlangan pa akong pumasok sa napakalaking bahay ni Daxon, pero tumuloy na rin sa huli.




Nalulula ang aking mga mata dahil napapaligiran ang bawat bahagi ng iba't ibang kulay ng ilaw,isabay pa rito ang malakas na music at may mga nagkakasiyahang mga kalalakihan sa paligid. Nacoconcious din ako kasi pansin kong sa paglampas ko ay may mga nakatingin sa akin.




Biglaan namang may kamay na humawak sa aking balikat at pagtingin ko ay si Daxon ito na nakangiti.



"Hey, Moira. I'm glad you attend to my party", bungad ng binata.

Haunt Series 1: Grasping Claws (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt