18

74 19 0
                                    

Hindi pa rin humuhupa ang pagkabugnot ko kay Brandon simula sa nangyari kanina. Iniisip ko na baka ang pagsama sa kanya ng lalaki sa lugar na kinaroroonan nila ngayon ay isa sa mga paraan para maglapit muli sila. The hell! No way!



Kaya lamang ay ilang saglit pa habang nagmumuni muni ay may kumatok sa pinto ng kwartong kinaroroonan ko.



"Moira, are you still mad on me? You didn't eat anything pa simula kanina? Baka magkasakit ka niyan", paalala nito sa akin mula sa pintuan.



Naiinis akong tumayo at binuksan ang pinto para kumprontahin si Brandon.


"Why do you care? Ano ba talaga pakay mo sa akin? Natikman mo na ako dati, diba? Ano pa bang gusto mo?", mataray na sabi ko.



"Nothing, gusto ko lang itama ang lahat ng pagkakamali ko sa iyo", malungkot nitong wika, well hindi na ako maaawa pa.



"So para makabawi? Your too late, Brandon? The pain you inflicted to me got worsen", madiin kong sabi bago tinalpak ang pinto para muling magsara. Wala na akong pakialam sa marararamdaman ni Brandon, sapagkat wala pa iyon sa kalingkingan ng mga tiniis ko.




"Moira, just eat up downstairs. Aalis muna ako", narinigkong sabi ni Brandon at parang nanginginig ang boses nito.



Pinalipas ko lamang ang ilang minuto, tapos ay bumaba na rin kasi gutom na rin naman ako. Pansin kong wala na nga si Brandon sa bahay.
Nagtungo na ako sa kusina at nakitang ang nakahain doon ay ang paborito kong pork steak. Kaya kumain na lang ako tutal wala namang choice. Ayokong gutumin ang sarili dahil sa pride ko.



Nang matapos ay tumambay muna ako sa living room para makapanood ng tv. Sinamantala ko ang pag-alis ni Brandon sa bahay. Walang asungot.Pero nagtaka ako sapagkat mahigit dalawang oras na ang nakakalipas ngunit wala pa rin si Brandon.



Nakokonsensiya ako at hindi nag-aalala. Kasi hindi naman nila alam ang lugar na pinuntahan nila, baka may manyaring masama pa roon.
Kaya naman napag-isipan kong lumabas para hanapin si Brandon.




"Brandon! Brandon! Nandyan ka ba?", hiyaw ko sa labas.




At walang tumugon kaya nagpatuloy lamang ako sa pagsigaw habang naglalakad. Madilim na sa labas kaya wala na rin ako gaanong nakikita kahit may flashlight pa.Nakarating na ako sa may sementadong parte ng lugar, na batid niya ay kalsada. May mga tanglaw naman na poste kaya bahagyang maliwanag. Nakakita ko ang isang tindahan kaya dito ako nagtanong.



"Manang, may nakita po ba kayong lalaking matangkad, mistiso, nakasuot lang po ng puting tshirt at jogging pants?", tanong ko sa ale.



"Ah e iha, wala akong napapansing lumampas dito na ganun. Pero pakiwari ko'y ang mga ganoong lalaki ay bumabarek kaya subukan mong pumunta roon sa kabaret, ineng", ani pa ng matandang babae at tinuro ang isang kubong umiilaw ng pagkaigi.



Nilandas ko ang daan papunta roon. Medyo kinakabahan ako dahil mga lalaki nga ang kustomer doon. Pagpasok pa lang ay mga narinigko na ang pagsipol ng ilan sa mga kalalakihan. Ngunit, iniikot ko ang tingin sa paligid para hanapin si Brandon.



"Uy, Miss Sexy. Free ka ba ngayon?", biglang pagharang sa akin ng isang lalaki.



Hindi ko iyon pinansin pero nagulat ako ng hawakan nito ang kamay ko.



"Miss, pagbigyan mo na ako at ang mga kasama ko. Samahan mo naman kami ngayong gabi", wika ng bastos na lalaki sa harap ko at tinuturo pa nito ang mga kasama sa mesa.



"Ano ba? Bitawan mo nga ako! Pwede ko kayong ipakulong kapag itinuloy niyo lang ang pangungulit", taas kilay na pananakot ko.



"Iyan ang gusto namin palaban, whooo", hiyaw ng isa sa mga nasa mesa.


"I'm not joking around, kaya bitawan mo na ako", sabi ko habang kinakabig ang kamay na nakakapit sa aoin.



"Wag ka na pumalag Miss, walang papansin sa iyo ng ginagawa namin. Kaya sumama ka na lang", bulong sa akin ng lalaki.



Kaya naman hindi na ako nagkuli pa at tinadyakan niya ito sa parteng hindi nito magugustuhan. Nang makawala ay tumakbo pero hinarangan naman ako ng mga kasama ng lalaking bastos.



"Punyeta! Humanap na lang kayo ng iba, huwag ako", sigaw ko.



"No, Miss. Ikaw ang type namin, ngayon lang kami nakakita ng nakakita ng magandang tulad mo", sabi ng mga ito.



Papalapit na ang mga ito saakin kaya napapikit na lamang ako. Pero  may kamay na humawak sa aking balikat kaya napalingon ako at si brandon iyon. I think i am saved.



"Hey imbeciles people! Bakit niyo nilalapitan ang asawa ko? Do you'll want to be punish?", ani ni Brandon sa mga ito.



"Edi pare, pahiram muna ng asawa mo at ibabalik din naman na...", saad ng isa na hindi na natapos kasi agad na sinuntok na kasi ni Brandon ang nagsasalitang lalaki.



"Don't you ever to say that and even lay a finger of yours in my wife? You sc*m asshole!", galit na ani Brandon habang kinukuwelyuhan ang lalaki.



Nang tumango iyon ay agad nitong binitawan ng pahagis kaya naman kita kong nanginig sa takot ang mga kasama nito. Agad naman akong hinila paalis ni Brandon. At nang makalabas.



"Why are you going out at this late of night Moira? You should stay at home, it's too dangerous for you. I can't forgive myself if anyone hurt you", naghuhumangos na wika nito.



Natulala ako ng ilang segundo."Kasi nga hinahanap kita. Akala ko may nangyari na sa iyong masama, 2 oras ka na wala sa bahay", saad ko at nagwalk out. Ayokong may ibang isipin pa si Brandon at para makaiwas ay aalis ako.



Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay biglang niyapos ako patalikod ni Brandon.


"Really? Do you still care for me? I'm not dreaming, right?", masayang bulong nito sa tainga ko.



Wala akong masabi kasi nanigas ako sa kinatatayuan ko. Naramdaman ko rin ang mga paru-parong nagliliparan sa aking tiyan at ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib.



Nanghihina ang kanyang mga tuhod, lalo na't sumandal pa ito sa balikat ko. At ilang minuto pa ay pinaharap ako ni Brandon kaya nagtama ang nga mata nila.



"Moira, please give me one last chance, to prove you that i still love you", wika nito.



At sa hindi inaasahan ay nanlambot na naman ang akin puso, kaya i nodded as a approval. Lumawak naman ang ngiti sa labi ni Brandon matapos ang pagtango ko at niyakap siya nito.



"I'm glad you gave me another chance, Moira. Trust me, this time it will lasts", pahayag ng binata.



I had nothing to say, but i doubted my decision again if it is the right choice - to move closer with Brandon's existence after all what happened.

__________________________________________________________________________________
hakdug.





Haunt Series 1: Grasping Claws (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon