28

57 8 0
                                    

Patuloy lamang ako sa paglakad kahit hindi batid ang direksyong tinatahak. Nagbagsakan na rin ang mga luha mula sa aking mga mata na lumalandas ang bawat patak ay ramdam ko sa aking  pisngi.



Napatigil ako ng makitang nasa dulong parte na pala ako ng dalampasigan. Malayo sa aking pinagmulan, hindi ko na kinaya at napaluhod na lamang sa may buhanginan.



Napasabunot sa sarili at..."Accckkkk! Putangina!!! Tanginang buhay!!Bakit umiiyak ka na naman, Moira??", umiiyak na bigkas habang pinapalo palo niya pa ang aking dibdib.



Pinahid ko ang aking luha sa gamit ang likod ng aking kamay, tapos ay tumayo naman ako at nagpunta sa tabing-dagat kung saan malakas ang mga alon. Pumuwesto ako dito at hinayaang salpukin ang kanyang katawan ng tubig kaya basang basa na ang aking damit pero hindi ko iniinda ang lamig nito.




Habang nakatayo't nakatingin sa kalangitan. "Lord! Ano bang mali ko? Wala naman akong kasalanan sa inyo a! Mali ba mga desisyon ko? Bigyan niyo naman ako ng sagot kung bakit paulit-ulit kong nararanasan na para ba akong pinaparasuhan? Sawa na ako... ayoko ng masaktan, gusto ko ng matapos ang lahat ng sakit na mayroon pa dito!", tinuro ko pa ang aking dibdib bago napaupo sa tabing dagat, kung saan patuloy pa rin akong umiiyak.




Napatungo pa ako. "Hanggang kailan pa ba ako magtitiis?? Pwede bang malimutan ko na lang lahat? Putangina!! Gusto ko na maging masaya!! Mahirap ba ibigay ang hiling kong iyon?", pagsigaw ko sa kawalan at niyakap ang sariling tuhod.



Nanatili ako sa ganoong posisyon ng matagal, hanggang sa humupa na rin ang aking pagluha. Sa kalagitnaan pa ng pagmumuni ay narinig ko na may tumatawag sa aking pangalan.



"Moira! Moira! Moira!", kaya naman nanginginig akong tumayong pilit kahit ramdam ang pangingimi ng mga paa. Mukhang natanaw naman ako kaya kita ko ang pagtakbo ng babae papunta sa akin.



"Oh my God, Moira! Kanina pa ako nag-aalala sa iyo. Ano bang ginagawa mo?", pagyakap sa akin ni Sheena na muli kong ikinaiyak.



"Sheena, why i'm always in pain?", i bursted out habang tinatapik tapik nito ang likod ko.



"Hush, Moira. I'm here and hindi kita iiwan, okay? Everything will be fine and fall under the right places for you. Look at me, i'm staying to listen for those things you wanna hear out and you can also have my shoulder to lean on until you feel better. Calm yourself, Moi", habang hawak nito ang aking mga balikat at tinitignan ako ng mataam.



Muli komg niyakap si Sheena at hinaplos haplos naman nito ang aking buhok at likod. Sa sandaling iyon, naibsan ng bahagya ang sakit na dinadala ko.



"Thank you for everything, Sheena for always picking me up and got my back whenever i'm become a wasted woman", wika ko with my deepest gratitude.



"Don't say that, you are one of the bravest and greatest person i've ever met. Never think that you are alone, i'm always here at your side and i believe in you. Be strong, Moira", pag-alo sa akin ng kaibigan.



I can say, napakapalad ko dahil mayroong taong kayang tanggapin kung sinuman ako at laging nakaalalay sa akin. Sheena is always there to understand and cheer me up.


"Are you feeling good na?", tumango naman ako at pinalis gamit ang isang kamay ang mga luha sa aking pisngi.



"Huhu, you're such a cry baby, Moira! Smile na, please. Magkakawrinkles ka niyan, sige ka!", at inistretch pa nito ang mga labi ko para ngumiti. Kalauna'y ngumiti na rin naman ako.



"'Yan! Ganyan dapat, nakakapretty ang pagngiti", tapos ay inakbayan ako nito at nagsimula na silang maglakad pabalik.



Magaan na ang aking loob kasi nailabas ko na ang lahat. Pero siguro, hindi ko muna haharapin si Brandon.Tahimik silang naglalakad, ngunit bigla na lamang nilang naramdaman na may sumusunod sa kanilang likuran.



"Moira, parang may sumusunod sa atin!", kinakabahang sabi ni Sheena sa akin.


Para masigurado ay lumingon ako sa likod  pero wala naman akong taong nakita na nakabuntot sa amin. Siguro ay halusinasyon lang nila iyon.



"Parang wala naman, Sheena", tugon ko sa katabi na mas humigpit ang pagkakaakbay sa akin.



"Ok, sige bilisan na lang natin maglakad para makapagpahinga na rin tayo", sagot naman nito pero lumingon din sa likod nila.



Kaya lamang bagupaman kami makapaglakad muli ay may limang kalalakihan na umambang sa harapan namin. At nabigla sila parehas, kasi baka kung anong masama ang gawin nito sa kanila.



"Mga Miss Beautiful, 'wag na kayong manglaban pa para hindi na kayo masaktan. Sumama na lang kayo sa amin ng maayos", sabi sa kanila ng matabang lalaki na kita kong armado ng baril.



"No. We won't do that! Kaya padaanin niyo na lang kami kasi gusto na namin umuwi, kung ayaw niyo naman baka kayo pa ang masaktan", matapang na sabi ni Sheena at bumitaw sa pagkakaakbay sa akin.



"Aba, matapang kang babae ka ha? Pero hindi naman ikaw talaga kasama sa plano namin, iyan lang kasama mo!", wika naman ng isa pang armadong lalaki at tinuro ako.


Napatanga ako. Wala naman akong atraso sa kung sinuman. Bakit ako ang target ng mga ito?


Kaya lamang nakita ko namang si Sheena ay sinipa ng isang lalaki at lumingon sa akin.



"Ano hindi ka pa ba sasama sa amin o gusto mong patayin namin ang kaibigan mo?", matalim na timgin ang tinapon nito sa akin. Hindi ko alam ang gagawin, nanginginig ako at tuliro.



"Moira, tumakbo ka na! Ako na ang bahala rito", hiyaw ni Sheena pa.



"Hindi Sheena, dito lang ako", tugon ko at nakitang sinikmuraan ang kanyang kaibigan ng isa sa mga lalaki.


"No, huwag niyo siyang saktan. Ako ang kailangan niyo diba? Sasama ako sa inyo, basta pakawalan niyo siya", wika ko naman kaya biglang may lalaking humawak sa akin.



"Moira!!", nakahandusay na sigaw ng kanyang kaibigan, kaya lamang ay biglang tinakpan ng panyo ang ilong ko at nakaamoy  ng nakakahilong amoy.



Unti-unti ng nagdidilim ang aking paningin. Pero ramdam ko  na nilagay ako sa balikat ng isa sa mga lakaki. Kaya tanging ang nasabi ko na lang ay...




"Brandon", bago ako tuluyang nawalan ng malay.

__________________________________________________________________________________hakdug.

Haunt Series 1: Grasping Claws (Completed)Where stories live. Discover now