29

52 8 0
                                    

Nagising ako sa isang napakadilim na silid at sa tingin ko ay isa itong abandonadong bodega. Masasaktan ako, dahil mahigpit ang pagkakatali ng lubid sa aking mga paa't kamay mula sa silyang kinauupuan.




Nakabusal rin ang aking bibig ng masking tape kaya ang tanging nalilikha ko lang tunog ay ungol.




"Uhmmm!!!! Uhmmmm!!!!! Uhmm!", habang inuuga ko pa ang bangkong kinalalagyan para makagawa ng ingay pati na rin kinikislot ko  ang mga kamay na nakatali sa likuran para lumuwag ito.





Pinagpapawisan na ako ng labis nang biglang natanaw ko ang pagbukas ng pinto na tanging nagbigay liwanag sa madilim na silid. Nakita ko ang bulto ng katawan ng isang lalaki.





"Buti naman at nagising ka na, Dear" lumapit ito na ikinalaki naman ng aking mata sapagkat ito ang lalaking nakita ko noon sa elevator. Tinanggal nito ng marahas ang busal sa aking bibig.





Napaubo ako. "Sino kayo? Anong kailangan niyo sa akin?", at tinititigan ko ng mataam ang matandang lalaki sa harap ko.





"Pasensya na for late introduction, iha! But i'm the ex-husband of your deceased beloved mother, the one and only Rodney Furuyama", nagtaka ako sa sinabi ng matanda sapagkat wala namang nabanggit sa akin ang nanay ko na may naging asawa pa ito bago ang aking tatay.






Pero Furuyama? Kaano ano nito si Allison? Naguguluhan ako! Are they related to one another?





"Bakit niyo ito ginagawa pa? Wala na parehas ang mga magulang ko!! Wait! Anak niyo ba si Allison?", galit kong sabi dito.





"Nice guess, iha! Mana ka nga sa nanay mo, dahil matalino kang bata, pero ang mukha mo ang labis na nagpapaalala sa akin ng traydor mong tatay! Siguro dapat lang na mawala ka na rin sa mundo katulad nila, diba?!", at bigla nitong sinakal ang aking  leeg kaya hindi ako makahinga ng maayos.






"Bi...taw! Bi..ta..wan niyo ako!!", paglaban ko pa pero mas lalo nitong hinigpitan pa at malakas na sinampal nito ang aking pisngi na dahilan ng pagtagilid ko.





"Ano bang kasalanan ng pamilya ko sa inyo? Matagal na panahon na iyon kaya magmove-on na kayo!! Parang awa niyo na. Kalimutan niyo na ang lahat, wala rin naman kayong  mapapala kahit patayin niyo pa ako!!!", galit na bulyaw ko sa matanda.






Humagalpak naman ang matanda tapos ay biglang sumeryoso ang mukha. Kumuha ng isang silya at umupo sa harapan ko.






"Malaki ang kasalanan nila, lalo na ang nanay mong sumama't pinili  lamang ang isang hamak na dukhang driver! Ang malas mo, kasi ikaw ang naging bunga nila", at sinampal na naman muli ako nito kaya nag-igting ang aking mga panga, galit na tumingin dito.






"'Yan, ilabas mo ang tapang mo! Pero alam mo ba ang naranasang hirap ni Allison habang lumalaki siyang walang ina at ikaw ay mayroon? Nakakapagtaka at mas pinili kayo ni Melanie kaysa sa amin ng anak ko. Kaya siguro  kahit pa man sa kabilang buhay, hindi ko matatanggap ang naging pagtataksil ng iyong ina na binigay ko na ang lahat pero hindi pa rin nakuntento!", at sinampal muli ako nito ng sobrang lakas kaya naramdaman kong nagdugo ang aking mga labi at nalasahan ang lasang kalawang na dugo.





"Sige patayin niyo na ako para matapos na ito! Gusto niyo lang naman makapaghiganti, diba? Gawin niyo na, tangina niyo!!", nagwawalang paghamon ko sa kaharap.






Tinuon nito ang daliri sa aking noo. "Hindi pa sa ngayon, Iha. Kasi sa tingin mo ba ginagawa ko lang ang lahat ng ito para don? Nagkakamali ka! Kasi hintayin muna natin pumunta rito ang ipinagmamalaki mong tusong boyfriend na may atraso rin sa akin. At syempre mas masaya kung sabay kayong mamamatay", itinulak nito ang aking ulo at humalakhak pa ang matanda ng parang baliw, na mas ikinatindi ng galit ko.






"Wag niyong idadamay si Brandon! Parang awa niyo na, ako na lang patayin niyo!", paghagulgol ko ng nakatungo, para makiusap.





Hinigit naman ng matanda ang aking buhok para itaas ang kanyang mukha at madiin nitong hinawakan ang aking bunganga.





"Acckkkk!", pag-uro ko sa naramdamang sakit.





"Sorry but hindi na magbabago ang plano ko. Malago na rin ang kompanya niya kaya marapat lamang na mapasaakin iyon at ikaw ang gagawin kong pain sa kanya. Alam kong hindi ka nun matitiis kaya maililipat sa pangalan ko ang kompanyang pinaghirapan niya", pagpalagpak pa nito at nilayuan ako.





"Napakawalang hiya ninyo!! Hindi kayo magtatagumpay sa mga plano niyo!! Pagbabayaran niyo ang ginagawa niyo sa akin, tandaan niyo iyan", nanggagalaiti kong pagpalahaw.





"Sige, ihiyaw mo lang ang lahat ng gusto mong sabihin, wala rin namang makakarinig at makakatulong sa iyo rito. Sinasayang mo lang ang enerhiya mo, may mini reunion pa naman tayo mamaya", wika ng matanda at naglakad na sa may pintuan.





Lumabas na ito ng silid. Naiwan akong umiiyak at hindi malaman ang gagawin. Natatakot ako sa posibilidad na pati si Brandon ay malagay sa kapahamakan ng dahil sa akin.




Kung katapusan man ito, sana ay ako na lang ang mawala.

__________________________________________________________________________________hakdug.

Haunt Series 1: Grasping Claws (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon