Chapter 7

3.2K 115 4
                                    

Chapter 7:  Warning

'Cristel's pov'

Kasisimula lang sa regular classes namin kaya hindi pa masyadong pressure but like what i expected halos alam na namin ang tinuro nila dahil tinuro na ito ni mommy sa amin. Hindi naman kami malilimutin kaya tandang tanda pa namin ang mga itinuro ni mom.

"Gosh! Cristel halika na."- tsk. Nagpapadyak na wika ni Enna.

"Mauna ka na. Susunod ako."- sabi ko sa kanya at pinagpatuloy ko ang pagliligpit ng aking mga gamit.

"Gusto mo bang makatay ako ng kuya mo? Eh alam mo naman yun."- nakangusong aniya.

"Haler, Enna nandyan lang naman sa labas si kuya oh. Tsk. Halika na nga."- sabi ko sa kanya at nauna ng naglakad.

Tapos na ang klase namin kaya uwian na. Alam ko na mabagal akong magligpit but medyo natagalan nga ako dahil sa dami ng aking mga iniisip.

Pababa na kami ng building ng lumapit sa akin si Kuya at umakbay. Ganito naman siya lagi kaya walang naglakas ng loob na lumapit sa akin.

Napatigil ako sa paglalakad ng may maramdaman akong kakaiba.

"Do you feel it, kuya?"- tanong ko sa kanya.

"Yes, baby of course."- aniya. Kaya nilingon ko ang aming mga kasamahan at natigilan rin sila. Ilang sandali pa ay may narinig na kaming pagsabog at tilian..

"Ahhh.. Halimaw!!"

"Akala ko wala na sila?"

Nagkatinginan kami ni kuya bago namin tinakbo ang gate at doon namin nakita ang ibang elite students na nakipag away na pati ang mga guro.

"Stay at my back, baby."- bilin ni kuya sa akin bago sumugod samga halimaw.

'Third person's pov'

Nakipaglaban na rin ang mga royalties sa mga halimaw pero parang hindi maubos ubos ang mga ito. Kaya makikita na talaga sa kanilang mga mukha ang matinding pagod. Nang magtagal na ang laban at hindi parin maubos ang mga kalaban ay may naisip na paraan si Cristel kaya kinausap niya ang kakambal sa papagitan ng telepathy.

"Kuya, hindi sila nauubos at pagod na ang mga kasamahan natin sugatan na rin ang iba. Kailangan na nating magsanib."- pakiusap ni Cristel kay Cristan at bahagya naman itong tumango at pasimpleng lumapit sa dalaga.

Ipinikit nina Cristel at Cristan ang kanilang mga mata at dinama ang kapangyarihan ng isa't isa. Napapikit rin ang mga kasamahan nila dahil sa nakakasilaw na liwanag ang nagmula sa kambal ng tuluyan na itong nagsanib. Mangha at gulat ang makikita sa mga mukha ng kanilang mga kapwa estudyante at guro sa nangyari kina Cristel  at Cristan.

Walang sinayang na sandali ang kambal. Dahil nagsanib na ang dalawa ay lubos na itong makapangyarihan at lakas. Sinugod nila ang mga halimaw at tinirahan ng iba't ibang kapangyarihan pero doble na ang sakit nito dahil sa nangyari. May ginamit rin na spell ang kambal kaya bago sumapit ang gabi ay natapos rin at naubos ang kanilang kalaban. Well yan ang akala nila.

"Hahahahaha.. Pagod na ba kayo?"- biglang litaw ng isang serepente na nagsasalita.

"Sino ka. At ano ang kailangan mo?!"- malamig na tanong ni Cristel.

"Hindi niyo kailangang malaman kung sino ako. Ang mahalaga ay alam ninyo na hindi pa tapos ang totoong laban. Hahahaha kumbaga isa lamang itong warning sa inyo. Hahahahaha" aniya sa nakakakilabot na boses at biglang naglaho.

"Akala ko ba wala ng gulo?"- tanong ng isang estudyante..

"Hangga't may gahaman sa kapangyarihan hindi mawawala ang kasamaan."- wika naman ni Cristan..

'Cristan's pov'

Nasa dorm na kaming lahat ngayon. Pagod na pagod kaming lahat sa nangyari kanina. At kanina pa rin tahimik si Cristel.

"Baby, ayos ka lang ba?"- tanong ko sa kanya.

"May inaalala lang, kuya."- sagot niya kaya napalingon sa kanya ang aming mga kasamahan.

"Ano naman yan?"- tanong ko.

"Kuya, paano kung may mangyari na hindi na ayon sa itinakda. Paano kung magkahiwalay tayo?"- and there it is my softy little sister.

"Don't worry baby. Hindi tayo magkahiwalay. Hindi ako papayag."- sabi ko sa kanya at bahagya naman siyang kumalma.

"Magpahinga na tayo may pasok pa tayo bukas."- sabi ko sa kanila at pinangko ko si Cristel at dinala sa kwarto niya.

"I can handle my self, kuya."- sabi niya. Haha..

"I know, baby. At alam ko rin na mas pagod ka sa ating dalawa."- sabi ko sa kanya. Well that's true. Sa tuwing magsanib kaming dalawa mas ma drain ang energy ni Cristel dahil mas lumakas ang kapangyarihan niya pag magsanib kami pero yung sa akin ay nadagdagan naman. Kung ano yung kapangyarihan na wala ako ay magkaroon ako nito sa tuwing nagsasanib kaming dalawa.

"Thanks kuya. Sige na pahinga ka na."- sabi niya sa akin.

"G'night, little sis."- sabi ko sa kanya at hinalikan siya sa noo bago lumabas ng silid niya.

Paglabas ko ay agad ko namang nakita si Blaze.

"What are you doing here?"- tanong ko sa kanya.

"Kamusta siya?"- tanong nito.

"Ayos naman. Why do you care?"- tanong ko ulit.

"Bakit masama bang mag-alala ako sa kanya?"- tsk.

"That's my job as her big brother."- sabi ko at nilagpasan siya.

"I like her. At natural lang na mag-alala ako sa babaeng gusto ko."- nagtagis ang aking bagang na nilingon siya. How dare he likes my baby?!

"Anong sabi mo?!"-pigil galit kong tanong sa kanya.

"Cristan, natural lang na may magkagusto sa kapatid mo. Kahit anong bakod mo pa sa kanya."- sabi nito.

"Alam ko. Ginawa ko lang naman ito dahil ayokong masaktan ang kakambal ko. Huwag na huwag kang magkakamaling saktan siya nagkaintindihan ba tayo, Blaze."- sabi ko dito. Hindi ko naman kasi mapipigalan ang nararamdaman niya.

"Noted!"- aniya at umalis na.

Napabuntong hininga na lang ako. Sana nga hindi mo saktan ang kapatid ko Blaze. I hate to kill a friend.

Pumasok na ako sa aking kwarto at nahiga dahil na rin sa pagod agad akong dinalaw ng antok.

-------------
End of Chapter 7

Sorry dahil hindi ako nakapag update kagabi like what i've said. Sobrang napagod kasi ako sa Check up ko kahapon kaya maaga akong nakatulog kagabi. Pero babawi po ako ngayong araw. Pasensya na talaga kayo at salamat na rin sa  pag unawa ng aking kalagayan ngayon..

Sorraya_angel

Sapphire Diamond Academy 2: The new Legendary Twins(COMPLETED)Where stories live. Discover now