Chapter 29

1.5K 75 0
                                    

Chapter 29: Hade's Plan

'Cristel's pov'

Nasa dining area kami ngayon. Kumain ng agahan dahil pupunta pa kami sa labas ng paaralan upang lagyan ng barrier ang school.

"Epektibo kaya ang gagawin natin, Kuya?"- tanong ko kay Kuya. Sinulyapan naman niya ako bago sumagot.

"I think so. Si Daddy kasi ang nag suggest non eh."- sagot niya kaya tumango na lang ako. Well i trust my Dad.

Pagkatapos naming kumain ay agad naman kaming umalis sa dorm.

"Ano? Dadaanan pa ba natin si Hm?"- Tanong ni Hero na nakaakbay kay Enna.

"Hindi na. Puntahan na lang natin siya pagkatapos natin."- sagot ni Kuya.

Sabay na kaming pumunta sa labas ng paaralan upang lagyan ng barrier ang buong paaralan.

'Third person's pov'

Pumwesto na ang mga royalties at may spell silang binanggit. Ilang iglap pa ay unti-unti silang lumutang sa ere at nagliwanag ang buong paligid. Inangat ng mga royalties ang kanilang mga kamay at may liwanag na lumabas dito. Bigla namang lumabas ang kanilang mga pakpak kaya mabilis silang lumipad at nilibot nila sa buong paaralan ang maliwanag na bagay na lumabas sa kanilang mga kamay.

Kuminang ng husto ang buong paaralan pagkatapos nila itong lagyan ng barrier at pag kawala ng kinang ay nakita nila ang barrier na sobrang kapal at tibay.

"Wow."- bulong ng mga royalties.

"Mukhang matibay to."- sambit ni Phoenix.

"Mas mabuti kung ganoon upang ang mga estudyante na hindi pa handang lumaban ay manatili sa loob at tayo na lang ang lalaban dito sa labas."- sabi naman ni Cristel. Sumang-ayon naman ang kanilang mga kasamahan.

"Tara na puntahan natin si Hm."- sabi ni Cristan.

"Kayo na lang. Dito muna ako. Kailangan ko pang mag sanay eh."- sagot ni Cristel.

"Samahan na kita."- presenta ni Blaze. Tumango naman ang dalaga.

"Sige. Babalik lang kami mamaya."- paalam ni Cristan.

"Ok."- sagot ni Cristel lihim namang napailing ang kakambal nito.

Agad namang nagsanay ang dalawa na naiwan. Nag sparring ang dalawa. Ngunit nababasa ni Blaze na parang wala sa sarili ang Kasintahan. Kaya tumigil siya.

"Hey."- tawag ni Blaze kay Cristel. Lumingon naman si Cristel sa kanya kaya napabuntong-hininga na lang si Blaze at hinawakan niya sa kamay ang dalaga at masuyo itong hinila paupo sa may ugat ng puno.

"Ayos ka lang ba?"- nag-aalalang tanong niya sa dalaga. Agad naman itong umiling.

"Care to share?"- tanong niya.

"Natatakot ako."- bulong nito.

"Natatakot ka? Sa ano?"- tanong niya ulit.

"Natatakot ako sa nalalapit na digmaan. Baka may mawala sa atin. Si mommy hindi parin bumabalik sa amin. Blaze, naramdaman ko na ang nalalapit na digmaan. Hindi ko alam kung mananalo ba tayo."- sambit nito sa mahinang boses. Nawala na ang Cristel na malamig at kinakatakutan. Ang nasa harap niya ngayon ay ang Cristel na marupok at mapagmahal.

"Shh. Huwag kang matakot. Nandito kami, okay? Walang mawawala sa atin. Si tita Dannaya naman. Alam ko na uuwi rin siya sa hindi pa magsimula ang laban. Manalig ka lang mahal ko. Malampasan din natin ang lahat ng ito. Tiwala lang."- pang-aalo ni Blaze kay Cristel at niyakap niya ito at hinalikan sa gilid ng labi.

Sapphire Diamond Academy 2: The new Legendary Twins(COMPLETED)Where stories live. Discover now