Chapter 10

2.4K 88 5
                                    

Chapter 10: Her Dream

'Cristel's pov'

Uhmm.. Saan nga ba ako? Bakit hindi ko maramdaman ang mga kasama ko?

"Mabuti at gising ka na, Flare."- bigla akong napalingon sa nagsalita.

"Sino ka? Bakit ako nandito?"- tanong ko sa babae na nakatayo sa aking harapan.

"You're in your dreams. I'm Dreamy the Goddess of Dreams and Nightmares."- she said. Now i'm confused.

"Dreams? Bakit ako nandito?"- tsk.

"Nandito ka kasi may babala ako sa iyo."- hays.

"Anong babala?"- tanong ko ulit. Hope this time  she will answer me directly.

"I know what's in your mind, Princess. And yes i'll answer you haha. By the way , Princess gusto ko lang ipaalam sa iyo ang iyong buhay pag ibig kung paano ka mawasak sa panahon na matuklasan mo na ang iyong sinisinta ay may mahal ng iba. Upang makapaghanda ka sa panahon na yun."- mawasak? Broken hearted? Tsk.

"Pasensya na pero sa tingin ko hindi yan mangyayari dahil hindi naman ako umiibig."- sagot ko sa kanya at napailing naman siya.

"Huwag kang magsalita ng patapos, Princess. Hindi mo hawak ang buhay pag ibig mo. Tanging si Aphrodite lang ang nakaka alam sa mga mangyayari sa iyo sa hinaharap."- well totoo naman.

"Basta. Ayokong umibig. Pwede na ba akong bumalik sa aking mga kasamahan?"- tanong ko sa kanya.

"Maaari na , Princess."- sabi niya at nawala na man siya.

Pagdilat ko ng aking mga mata ay agad bumungad sa akin ang malinis na kwarto. Saan na nga ba ako?

"Kuya.."- tawag ko kay kuya.

Agad akong bumangon at naglakad palabas sa kwarto na ito. Paglabas ko sa silid ay agad bumungad sa akin ang aking mga kasamahan.

"Cristan gising na si Cristel."- tawag ni Winter kay kuya.

Agad namang lumabas  si kuya galing sa kung saan.

"Nasaan na ba tayo?"- tanong ko kay kuya.

"Nasa barko na tayo. Papuntang Dark Mountain."- sagot ni kuya.

"Ayos ka na ba?"- napalingon naman ako kay Blaze nang mag tagpo ang aming mga mata ay agad namang kumabog ng mabilis ang aking dibdib. Anyare?

"Ayos na ako. Excuse me. Magpahangin lang ako."- sabi ko sa kanila at umalis na.

Sa deck ng barko ako napadpad kaya umupo na lang ako. Hays ano bang nangyari sa akin? Bakit ganoon ang reaksyon ng puso ko ng magtagpo ang mga mata namin ni Blaze? God! Oh Aphrodite huwag mo naman akong paglaruan.

"Iniiwasan mo ba ako?"- napatayo ako sa gulat ng may nagsalita sa aking likod. Tsk.

"Huwag ka ngang manggulat diyan."- sabi ko kay Blaze.

"Iniiwasan mo ba ako?"- tanong niya ulit.

"Bakit naman kita iiwasan?"- pabalik kong tanong.

"Oo nga naman. Kamusta na pakiramdam mo?"- tanong niya.

"Ayos na. Hindi ko pa kasi masyadong bihasa ang kapangyarihan kong yun."- sagot ko sa kanya sa casual na boses kahit pa na parang sumabog ang aking dibdib sa lakas ng kabog nito.

"Ganoon ba. Kailangan mo pa talagang mahasa yan. Para hindi kana mahimatay sa susunod na gamitin mo yun."- sabi niya sa akin at tumango naman ako.

Binalot ng matinding katahimikan ang paligid namin at walang akong balak na basagin ito. Hanggang sa...

"I know hindi ka pa handa sa ipinagtapat ko sayo. Naintindihan ko pero sana naman mag kaibigan pa rin tayo. Don't worry i'll try my very best para mawala na ito."- sabi ni Blaze kaya napalingon ako sa kanya. Hindi ko alam kong bakit parang nasaktan ako sa mga sinasabi niya. Gosh! What happened to you self?!

"Ayos lang. Don't worry mag kaibigan pa rin tayo."- sabi ko na pilit binura ang pait sa aking boses.

"Halika na. Malamig na dito at hindi ka pa naka kain."- sabi nito at naunang tumayo. Agad naman niyang hinawakan ang aking kamay at pinatayo. Bahagya pa akong natigilan ng may parang kuryente na dumaloy sa aking mga kamay na hinawakan niya. Tsk.

Nandito na ako sa loob ng aking kwarto. Tapos na kaming mag hapunan at malapit na rin kami sa Dark Mountain. Sana hindi magkatotoo ang sinabi sa akin ni Dreamy. Kaya nga ayaw kung umibig dahil ayokong masaktan.

'Cristan's pov'

Kanina ko pa napapansin simula ng gumising si Cristel kanina parang wala na siya sa kanyang sarili. Panay ang buntong-hininga niya. Hindi ko na nga lang pinansin ang paglapit kay Blaze sa kanya kanina dahil sa akala ko ay nasakal na siya sa pagiging higpit ko sa kanya. Pero ganoon parin ang reaksyon niya ng lumapit si Blaze sa kanya. Mabuti pang puntahan ko muna siya.

Nandito na ako sa harap ng kwarto ni Cristel agad naman akong kumatok at pumasok. Naabutan ko naman siyang nakahiga sa kama at nakatulala na naman.

"Anong nangyari sa iyo, baby?"- tanong ko sa kanya ng makalapit ako sa kanya.

"Iniisip ko lang ang sinasabi ni Dreamy sa akin kuya."- sagot niya sa mahinang boses. Kilala ko si Dreamy pero bakit siya nagpakita kay Cristel?

"Nagkita kayo ni Dreamy? Anong sinabi niya sa iyo?"- tanong ko sa kanya. Huminga naman siya ng malalim bago sumagot.

"Darating daw ang panahon na mawasak ako dahil sa pag ibig, kuya. Sabi niya labis daw akong masasaktan sa panahon na matuklasan ko na ang aking iniibig ay may mahal ng iba. Ngunit sino naman ang lalaking yun, kuya? At ayokong masaktan alam mo yun kaya nga ayaw kong umibig eh."- mataas na sabi nito. Kung si Blaze man ang tinutukoy ni Dreamy hindi ko alam kong ano ang magagawa ko sa kanya.

"Baby, kung hindi ka masaktan. Hindi na yan love. Ang love baby ay may kasama talagang sakit."- sabi ko sa kanya at niyakap siya.

"Natatakot ako kuya."- i know sis. Natatakot rin akong masaktan ka. Baka makapatay ako.

"Nandito lang ako sis. Magpahinga ka na upang mabawi mo na ang iyong lakas."- sabi ko sa kanya tumango naman siya at umayos sa paghiga.

Lumabas na ako sa silid ni Cristel at papasok na sana ako sa aking silid ng may magsalita sa aking likod.

"Ayos na ba siya?"- tanong ni Winter

"Oo. Ayos na siya."- sagot ko at tumango naman siya.

"Magpahinga ka na. Bukas dadaong na tayo. Baka may mga kalaban na naman."- sabi niya sa akin..

"Ikaw rin mag pahinga ka na."- sabi ko. Pumasok naman siya sa silid niya at ngumiti sa akin bago niya sinara ang pinto.

Nakahiga na ako sa kama. Pero hindi parin ako makatulog. Laman pa rin sa aking isipan ang panaginip ni Cristel. Sana hindi ka masasktan kapatid ko. Sana nga....

---------------
End of Chapter 10

Enjoy! Pasensya na sa late UD wala kasi akong load eh..😅

Pasensya na rin sa typos at grammar.. Love lots!! 😍😘😘

Sorraya_angel

Sapphire Diamond Academy 2: The new Legendary Twins(COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن