Chapter 24

1.5K 76 2
                                    

Chapter 24: She's Back

'Third Person's pov'

Nagsasanay na uli ang mga estudyante sa Sapphire Academy. Wala silang sinayang na sandali dahil ano mang oras ay lulusob na ang mga kaaway kaya kailangan nilang maging handa. Tutuk naman sa kanyang pagsasanay si Prinsesa Cristel. Sinanay niya ang lahat ng kanyang kapangyarihan na kakailanganin sa panahon ng digmaan. Sobrang busy ang lahat. Ma pa estudyante man o guro. Hindi kasi dapat iatang lang ang lahat sa mga balikat ng mga batang royalties. Kaya nagsasanay rin sila.

Sa kaharian naman ni Hades ay naghahanda na si Dannaya upang maibalik na sa Thenderious Kingdom si Shiney.

"Ihanda mo na ang iyong sarili, Shine."- sabi ni Eury sa kanya.

"Opo, Queen."- sagot ni Shine kay Eury.

Siniguro ni Dannaya na hindi mahalata ni Hades na nawawala na si Shine dahil baka mabuko pa ang mga plano nila.

Ng masiguro ni Dannaya na busy si Hades ay agad siyang nag cast ng spell at ilang saglit pa ay lumitaw na ang portal sa harap nila Shine at Eury.

"This is it, Shine. Good luck."- sabi ni Eury..

"Thank you, Queen Eury and Queen Dannaya."- sabi ni Shiney na nagpagulat sa dalawa.

"Paano mo nalaman?"- manghang tanong ni Eury.

"Ahm it's my special ability po. And i know tita Dannaya and i can sense her and you're not her po."- sabi ni Shine.

"Oh my."- nasabi na lang ni Eury bahagya namang natawa si Dannaya.

"I know it. Sa oras na binalik ko ang alala mo alam ko na maramdaman mo ako kahit anong tago ko pa. But i'm sure ikaw lang ang makagawa niyan. So pasok ka na Shine. And please tell your tito Czack everything okay? And also keep safe."- sabi ni Dannaya na hindi na nag abala pang magpakita. Tumango naman si Shine.

"Okay po, tita. Bye."- sabi ni Shine at pumasok na sa portal.

Nag gawa naman ng Clone si Dannaya na kamukha ni Shine at inihipan ito at nilagyan ng spell upang maging normal sa paningin ni Hades.

"Everything will be okay, Eury."- sabi ni Dannaya.

"Yeah, Queen. Soon."- sabi nito.

'Cristel's pov'

Nagtatanghalian na kami ngayon dito sa cafeteria at bakas sa mga mukha namin ang pagod dahil sa pagsasanay ngunit kailangan namin itong gawin.

Nakailang subo pa ako ng may nagsalita sa aking isipan.

"Baby, This is your mom. And i have a good news to all of you."- si mom.. Pabitin pa.

"What is it, mom? And mommy? How are you?"- tanong ko sa kanya. I badly missed you mom.

"Don't worry, baby i'm perfectly fine. Malapit ng matapos to. Hold still and tight anak. And about my good news. Umuwi kayong lahat ngayon sa palasyo dahil may naghihintay sa inyo don."- may naghihintay? Sino naman kaya?

"Sino, mom?"- pangungulit ko.

"I won't tell you, baby. See it for your self."- tsk.

"Okay po. Ingat ka, mom."- sabi ko.

"Kayo rin, baby. I love you. And don't forget to tell it to your dad and kuya."- sabi nito.

Hindi kasi niya makausap sina Dad at Kuya. Dahil ako lang ang may kakayahan na makipag usap sa kahit sino kahit ilang milya pa ang layo.

Sapphire Diamond Academy 2: The new Legendary Twins(COMPLETED)Where stories live. Discover now