Chapter 31

1.5K 77 3
                                    

Chapter 31: The Revelation2 and The Real Hades

'Third person's pov'

Habang mainit na naglalaban si Dannaya at Hades at nakakuha ng tempo ang isa't isa at handa na sana nilang saksakin ang isa't isa ng may biglang sumigaw.

"Dannaya, Hades! Tigil!"- napatigil sa gulat ang dalawa kaya nilingon nila ito. Namilog at nanlamig ang katawan ni Dannaya ng makita niya ang kanyang ina. Kaya nilapitan niya ito.

"Ina. Hindi po kayo dapat narito! Paano kung mapahamak po kayo!"- tanong ni Dannaya sa ina ngunit kay Hades lamang nakatuon ang paningin nito kaya naguguluhan si Dannaya.

"Mo—"

"S-sino ka?"- nauutal na putol ni Hades sa pangungusap ni Dannaya.

"Anak, hindi ko hahayaang magpatayan kayong magkapatid!"- sambit ng reyna. At natulos naman sa kanilang kinatatayuan sina Dannaya at Hades sa narinig para silang pinasabugan ng bomba sa kanilang tainga. Si Hades ang unang nakabawi kaya ito ang nagtanong.

"A-anong sabi mo, babae?"- naguguluhan na tanong ni Hades. Napaiyak naman si Queen Czia sa tanong ni Hades.

"Ikaw ang bunso kong anak na nawawala."- sagot ni Czia.

"P-pero, Ina? Paano nangyari yun? Akala ko ba ako lang ang nawawala mong anak?"- tanong ni Dannaya.

"Dannaya, tatlo kayong magkapatid. Noong nagsimula nang pumasok sa paaralan si Czaqary at minsan ay pinadala siya sa minsion doon na nabuo ang pangatlo ninyong kapatid ngunit bigla siyang naglaho at nilamon ng dilim. At nito lang araw namin nalaman na si Hades pala ang bunso ninyong kapatid."- salaysay ng dating reyna. Ngunit naguguluhan parin si Dannaya.

"Ngunit, Ina, paano kayo po nakakasiguro na siya nga ang kapatid namin na sinasabi ninyo?"- tanong ni Dannaya.

"Tulad ng kung paano kita nakikilala, Dannaya. Siya si Zaffiro Dwaye Allas ang kapatid niyo. At hindi siya ang totoong Hades na kalaban!"- sigaw ng reyna. At may lumitaw na liwanag at lumapit ito kay Hades o Zaffiro. At doon lang na pag tagpi tagpi ni Dannaya ang lahat. Noong sinabi ni Shine na hindi darkanian si Hades. Nabaling kay Shine ang paningin ni Dannaya.

"Shine, ito ba ang ibig mong sabihin na hindi isang darkanian si Hades?"- tanong ni Dannaya.

"Oo, tita."- sagot ni Shine na nakangiti.

Ngunit sa isip ni Cristel kung hindi ito ang tunay na Hades bakit hindi pa lumiwanag ang paligid. At bakit hindi pa nawala ang pulang buwan.

"Mamita, kung hindi siya ang totoong kalaban." turo ni Cristel sa nakatulalang Hades. "Bakit hindi pa po nawawala ang pulang buwan?"- patuloy nitong tanong.

"Dahil parating na ang totoong kalaban."- sabay na usal nina Dannaya at Zaffiro. Nagkatinginan pa sila. Nawala na rin ang itim na nakabalot sa puso't isipan ni Zaffiro. Tinanggal na ito ng liwanag.

Kaya naman patakbong lumapit si Dannaya sa bunso at niyakap ito ng mahigpit at bumulong. "Matutuwa nito si Eury, Zaffiro."- sabi ni Dannaya kaya nagulat si Zaffiro.

Napangiti si Zaffiro ngunit agad din itong napawi ng lumitaw sa kanilang harapan ang totoong demonyo.

"Wow. Reunion ba? Hahahaha pwes! Sisiguraduhin ko na hindi kayo magiging masaya!"- sigaw nito at tinirahan sila ng dark ball. Mabuti na lang at mabilis silang nakaiwas.

"Mom, kami na ang bahala dito!"- sigaw nina Cristan at Cristel. Na agad namang sinunod nila. Alam kasi ni Dannaya na ang tanging makapagligtas ng lahat ay ang kambal lang niyang mga anak dahil nakatakda na itong mangyari.

Sapphire Diamond Academy 2: The new Legendary Twins(COMPLETED)Where stories live. Discover now