Chapter 28

1.6K 82 2
                                    

Chapter 28: Second Chance

'Third person's pov'

Mabilis na kumilos sina Blaze at dinala nila si Cristel sa clinic ng paaralan.

Pagdating nila sa clinic ay agad itong dinaluhan ng mga  healer na nandoon.

"Ayos lang ba siya, Kuya?"- tanong ni Shine sa kapatid.

Tumango naman ang kapatid,"Oo. Nagpapahinga lang siya."- sagot ni Blaze kay Shine.

Ang mga Royalties at ang hari ay nasa loob pa rin ng clinic naghihintay na magising ang prinsesa.

Ilang sandali pa ang lumipas ng may kumatok sa pintuan ng clinic kaya napalingon ang lahat dito.

"Ako na."- presenta ni Stone sa pag bukas ng pintuan.

Pagbukas ni Stone sa pintuan ay bumungad sa kanya si Hm. Bahagya pa itong yumukod ng makita ni Hm si Stone.

"Pasok kayo, Hm."- sabi ni Stone. Pumasok naman si Hm at yumukod sa mga Royaties na nandoon sa loob ng silid.

"May problema ba, Hm Jhon?"- tanong ni Haring Czack kay Hm Jhon.

"King Czack, nabasag po ang barrier ng paaralan."- nag-alalang wika ni Hm sa Hari.

Nabahala naman ang mga prinsesa at prinsipe sa narinig.

"Paano na yan, Dad? Madali na lang para sa kalaban ang lusubin tayo?"- sambit ni Prince Cristan na siyang unang nakabawi.

"Hindi rin maaari na mag mission kami. Baka makatunog si Hades at lusubin ang mga mag-aaral habang wala kami."- nag-alalang turan ni Prince Blaze.

"May magagawa po ba kami, Tito?"- sunod na tanong ni Princess Shine.

"Meron. Ngunit kailangan munang magising si Cristel upang maisagawa ninyo ito."- King Czack said. At mukhang nakahinga rin ng maluwag si Hm sa narinig at pati na rin ang mga royalties.

"Ano po ang gagawin namin, Tito?"- tanong ni Winter. Isa isa silang tiningnan ng hari at sabay sabi na. "Kailangan na kayong labindalawa na magkakaibigan ang gumawa ng barrier sa paaralan."- turan nito. Napatango naman sila sa narinig.

"Kung ganoon, kamahalan. Hintayin na muna natin na magising si Princess Cristel."- ani Hm Jhon.

"Oo."- sagot ni King Czack

"Mauna na muna ako, Your majesties, tutulong pa ako sa paglilinis."- gulat namang napalingon si Haring Czack kay Hm.

"Bakit hindi pa kayo umuwi? Gabi na. Bukas na ninyo tapusin yun."- utos ng hari.

"Ayos lang, Kamahalan. Malapit na rin naman yun matatapos. Mauna na po ako."- huling sambit ni Hm Jhon. Yumukod muna ito bago tuluyang lumabas sa Clinic.

"Ano po ang nangyari kay Cristel? Bakit siya nawalan ng malay?"- tanong ni Shine makalipas ang mahabang katahimikan.

Napabuntong-hininga naman sina King Czack at Prince Cristan.

"Matagal nang hindi nag sasanay si Cristel. Kaya nawalan siya ng malay."- sagot ni Prince Cristan.

"Eh di ba matagal tagal ka na rin na hindi nag sasanay, Cristan?"- tanong ni Princess Zenna sa pinsan.

"Oo, actually tayong lahat. Ngunit hindi naman lingid sa ating kaalaman na masyadong stress si Cristel."- sagot ng Prinsipe. Napalabi naman si Princess Zenna dahil totoo ang tinuran ng pinsan.

"Yeah, he's right. Cristel is stress this fast few months. Not physically but emotionally and mentally stress."- sang-ayon ni Stone.

Napayuko naman si Prince Blaze dahil alam niya na isa siya sa dahilan kung bakit stress si Princess Cristel.

Sapphire Diamond Academy 2: The new Legendary Twins(COMPLETED)Where stories live. Discover now